“Sa presinto na lang kayo magpaliwanag. Pwede kayong kumuha ng abogado kung ayaw niyong sagutin ang lahat ng mga katanungan namin. Handcuff them.”
Bago pa ako maposasan ng mga pulis ay humarang si ate Bianca sa harap ko. Nanlilisik ang kaniyang mga mata at pinagduduro niya pa ang mga pulis.
“Where’s your warrant, huh? Kailan pa kayo pwedeng mang-aresto without that freaking paper?!” Sigaw ng manager ko ang maririnig sa buong studio.
Hinawakan ko si ate Bianca sa braso at inilingan nang lingunin niya ako. Sabay naming tinaas ni Akiera ang mga kamay para maposasan. I know we are innocent, but we’ll still give them the benefit of the doubt.
Dinig na dinig ko ang sari-saring reaksyon ng mga ballerina pero hindi ko na lang sila tiningnan pa. Alam kong hindi sila makapaniwala sa nangyayari ngayon pero alam kong huhupa rin ‘yon pagkatapos ng araw na ‘to.
“It will ruin your career, Kiara, let me manage this,” umiling lang ako sa sinabi ni ate Bianca at nginitian siya.
“I’m innocent, Ate, I’ll message you agad po once they sent me out,” pagpapalubag loob ko para hindi na mag-alala pa ang manager ko.
Pasimple akong pumindot sa relong suot ko. It will give my sisters a warning that’s something happened to me. I hope they know what to do. Baka masira ko ang organization kapag may nakitang kung ano ang mga pulis sa bahay namin.
Pinagtitinginan kami ng lahat lalo na nang mailabas kami ni Hades sa studio. Parehas nakatago ang kamay naming may posas pero base pa lang sa hawak sa amin ng mga pulis ay alam kong j-ina-judge na kami ng mga tao.
I don’t care naman sa mga iisipin ng mga tao. I have my own life, so as for them, kaya desisyon na nilang pag-isipan ako ng masama.
“You bark at the wrong dog, huh?” Nakangisi si Akiera habang inaasar ang mga pulis.
Kanina pa kami rito sa presinto pero wala pa rin silang ginagawa para simulan ang pag-iimbestiga. Nakikita ko na nga ang iritasiyon sa mga mukha nila habang nakatingin sa screen ng kanilang computer.
Wala kaming kinuhang abogado ni Akiera dahil kaya na naming lusutan ‘to.
Wala silang matibay na ebidensiyang maipakita pero hindi pa rin nila kami pinapaalis. Parang may hinihintay pa sila pero anong oras na ay wala pa ring ginagawa ang mga pulis.
Tumapik ang isang pulis sa kasamahan at umiling. Pinatong nito ang dalawang siko sa kaniyang lamesa at sinabutan ang sarili.
“Kapag nakahanap ulit kami ng mas matibay na ebidensiya ay ako mismo ang mag-aaresto sa inyo. Pasalamat kayo at maayos ang alibi niyong dalawa. You two are still in my suspect lists. Makakaalis na kayo.”
Sabay na naman kami ni Hades na itaas ang mga kamay na may posas. Ngumisi pa nga siya at kinindatan ako nang tingnan ko ang kamay naming pareho.
“I’ll wait your call po if may makuha po kayong evidence na kami nga po ng kasama ko ang pumatay sa kasamahan namin. Goodluck po sa inyo!”
Inosente ko silang nginitian na hindi naman nila nagustuhan. Inalok ni Akiera ang braso sa akin at tinanggap ko naman ‘yon habang tinitignan pa rin ang mga nakabusangot na pulis.
“Adios!” nagkasabay pa talaga kami ni Aki.
Natatawang tinalikuran namin ng kasama ko ang mga Pulis at nagsimula nang maglakad palabas.
Wala naman talaga akong balak na asarin sila pero dahil sa kakulangan ng ginagawa nila ay medyo nagpairita sa akin ‘yon.
Bumase kaagad sila sa iisang footage na nandoon kami ni Akiera. Without investigating more ay nag-conclude kaagad sila na kami ang gumawa ng krimeng ‘yon.
“Babalik pa ako sa studio. You?”
“Of course sasama ako sa’yo, baka mamaya dumugin ka nila. I heard them talking kanina, aabangan daw nila tayo.”
Napanguso ako sa sinabi niya at tumango. Napapansin ko naman na hindi ako gusto ng ibang ballerina. Mukhang nakahanap na sila ng rason para gawan ako ng masama.
“Do you think maniniwala pa silang hindi naman tayo ang killer?”
“I don’t know. Makikitid ang utak ng ibang tao. Kahit ipagpilitan nating hindi tayo ang gumawa no’n ay may mindset na silang ‘wag maniwala sa sasabihin natin. We can’t do anything about that. Let’s go. Mag-jeep na lang tayo dahil mahal ang fare ng Taxi.”
Tumango na lang ako sa sinabi ni Akiera at sumunod sa kaniya. May malapit na sakayan sa presinto kaya hindi na kami naglakad pa ng malayo.
Nagtaka ako nang ilang jeep na ang dumaan ay hindi pa rin pinapara ni Akiera. Halos lahat nga ng dumaan ay iyong dapat naming sakyan dahil madadaan talaga ang studio.
Kinalabit ko siya at ngumiti naman siya sa akin nang harapin ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay at tinignan ang jeep na kakahinto lang sa tapat namin.
“Hindi pa tayo sasakay?” Napakamot ako sa ulo ko nang tawanan niya ako.
“Nah, hindi pa ‘yan ang jeep na sasakyan natin,” tugon nito kaya napamaang ako.
Dahil sa tagal naming nakatayo lang sa waiting shed ay umandar na ulit ang jeep. Sumama ang tingin ko kay Akiera nang ma-realize na hindi siya marunong sumakay sa public transportation.
“Sana sinabi mong hindi ka nag-je-jeep. Bida-bida ka masyado. Edi sana kanina pa tayo nasa studio!”
Sasagot pa sana siya pero natigil siya nang itaas ko ang kamay ko. Huminto sa harapan namin ang jeep kaya hinigit ko na si Akiera para makasakay agad.
“Bayad po, kuya, Ballet Studio lang po!” Medyo malakas kong sigaw at inabot sa harapan ang bayad ko. “Dalawa po ‘yan.”
“Hindi ba sila ang pupunta sa atin para kuhain ang bayad?” Sumama ang tingin ko kay Akiera nang bumulong siya sa akin.
Pinakalma ko muna ang sarili ko at humaharap sa kaniya.
“No, Aki, this is not a bus as you can see,” wika ko at inirapan siya.
Hahawak na sana ako sa railings ng jeep nang kuhain ni Akiera ang kamay ko. Nilagay niya ‘yon sa hita niya at siya ang humawak sa railings.
Nag-init ang pisngi ko nang makarinig ako nang impit na tilian. Nang tignan ko ‘yon ay naghahampasan pa ang dalawang teenager habang nakatingin sa amin ni Akiera.
Nahihiya ko silang nginitian nang mag-thumbs up sila sa akin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. For me ay hindi naman nakakakilig ang ginawa ni Akiera pero dahil sa tili ng dalawang babae ay na-confused tuloy ako.
Nagpara ang dalawang teenager at bago makababa ay kinausap nila si Aki. “Nice one, Kuya. Sana lahat!”
“Ano raw?” Biglang sinugod ni Aki ang mukha sa akin kaya napaatras ako.
Mabuti na lang ay malayo ang Ginang sa akin kaya wala akong nasagi. Tinulak ko ang noo ni Aki para makaupo ako nang maayos.
“You’re so maharot ‘no? Layo ka nga konti,” napatalon ako nang hawakan niya ang kamay ko.
Babawiin ko na sana ‘yon pero hinigpitan niya ang pagkakahawak kaya umiwas na lang ako nang tingin.
“Ang flirt!” Bulong ko.
Nang makita ko na sa kabilang kalsada ang Studio ay nagpara na ako. Si Aki ang naunang bumaba nang hindi pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa akin.
Inalalayan niya ako at bubuhatin pa sana nang tumalon na ako sa jeep. Masyado siyang maharot at hindi ko na nakayanan ‘yon.
“Saan ka pagkatapos mo sa Studio?” Tanong niya habang nag-aantay kaming mag-green ang stop light.
“House lang, I have something to do pa kasi kaya need ko nang makauwi.”
Ngumiti ako nang tipid at nagsimula nang maglakad.
“After that? Anong gagawin mo?” Napahinto ako saglit nang mangulit na naman ang lalaking ‘to.
Patalikod siyang naglalakad kaya iyong mga nasasalubong namin ang nag-aadjust sa kaniya. Nakakatawa pa nga dahil halos mangunot ang noo nila bago makita ang itsura ni Aki pero kapag nakita na siya ay mga namumula na ang pisngi nila. Parang nanghinayang pa na hindi sila nagpabangga sa lalaki.
“I don’t know pa eh. I’ll ask my manager kung may practice sa mga susunod na araw. Usually naman ay nasa bahay lang ako.”
Nang makapasok kami sa studio ay nag-aabang nga ang mga ballerina sa amin. Parang alam na agad nilang dito kami didiretso pagkatapos kaming kausapin ng mga pulis.
“Oh, nandito na pala ang mag-partners pero in crime. Galing niyo namang mag-alibi at nakalaya pa kayo,” masama ang tingin na sabi ni Lorraine at lumapit sa amin.
Hinawakan niya ang buhok ko at bigla akong sinabunutan. Nang hawakan ko ang kamay niya ay mas lalo niyang diniinan ‘yon kaya hindi ko na nagawang pumalag pa.
“Mamamatay tao ka pala kaya noong una pa lang ay ayaw na namin sa’yo. Bagay na bagay talaga kayo niyang gangster na kasama mo. Mga hayop kayo!”