CHAPTER 2

1106 Words
Sumiksik ako sa kumpulan ng mga ballerina. Nakaharang silang lahat sa pintuan ng dressing room kaya hindi ko nagawang makapasok sa loob. “Jane, ano’ng mayroon?” Tanong ko sa babaeng nasa unahan ko. “May patay daw sa loob,” natatakot nitong sagot kaya kinabahan ako. Pinipilit kong sumiksik para makapunta sa unahan na sana ay hindi ko na lang ginawa nang makita ko ang lalaking ka-partner ni Jane sa sayaw. Nakaupo at nakasandal ito sa upuan na parang nagpapahinga lang. Ang pale na rin ng kulay ng balat. “Wala na siyang paa?” Bulong ko nang mapunta sa paanan nito ang paningin ko. Sinubukan kong lumapit pero isang tili ang nakaagaw ng aming atensiyon. Lumingon kami kung saan nagmumula ‘yon at tumakbo nang hindi pa rin nawawala ang tili ng babae. “Oh my God!” Napatakip ako sa bibig ko nang makita ang dalawang paa. Naka-tiptoe iyon at nakasuot pa ng sapatos na pang ballet. “Call the police!” Sigaw ng kung sino. Mababaliw na ata ako. Tinignan ko ang buong paligid upang tignan kung may makukuha akong ebidensiya. Nanliit ang mga mata ko at mas tinignan ang nakasulat na katabi ng mga paa. “The Show, Now Streaming?” Ano ba naman ‘to? Ano’ng klaseng tao ang gagawa ng ganito kasama? Dumating ang mga pulis at pinalayo kami sa crime scene. Nangangatog ang tuhod ko kaya wala akong nagawa kundi ang umupo. “We need your cooperation in this case. Wala na munang uuwi sa inyo,” ani ng isang pulis. Nagbulungan ang ilan at mayroon pang nagrereklamo. Hindi ko na lang sila pinansin at pinanood ang ginagawa ng mga pulis. “Ano’ng mayroon, Kiara?” Lumingon ako sa manager ko nang marinig ko ang boses niya. “Kian is dead, ate,” malungkot kong tugon. Kian is not a bad person. Siya pa nga ang nag-ga-guide sa amin kapag nahihirapan na kaming ipagpatuloy ang pag-ba-ballerina. Hindi ko akalaing darating ang ganitong may pumapatay sa grupo namin. I can’t trust them anymore. Lahat ng kasama ko ngayon ay posibleng maging suspect, ganoon din ako. “Ano? Bakit? Sinong pumatay?” Sunod-sunod na tanong ni ate Bianca. Umiling ako upang iparating na hindi ko alam. “We will ask you all a question now. Please, huwag na kayong magsisinungaling.” Isa-isang lumapit sa amin ang mga pulis. Tumabi sa akin si Akiera at tinanong kung anong nangyayari. Mukhang hindi na siya nakapunta sa dressing room nang makita ang commotion sa stage. “Kian is dead,” ulit ko lang sa sinabi ko. May lumapit sa aming pulis at sabay kaming tinanong. “Anong relasyon niyo sa biktima?” Ako ang unang sumagot, “I think we are friends po. We talked some times, and he’s a good brother for all of us.” “I just know him,” kibit balikat na sagot ni Akiera. “My galit ba kayo sa kaniya?” “No po, he’s a nice person po kaya kahit kailan po ay hindi ako nagalit sa kaniya,” iniling ko pa ang ulo ko. “Medyo lang, kapag kinakausap niya si Aster,” tinuro ako ni Akiera kaya nanlaki ang mga mata ko. “Hoy, what are you saying?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Parang nagliwanag ang mukha ng officer sa sinagot ni Akiera. Napa-facepalm na lang at bumuntong hininga. “Kung ganoon ay may rason ka para patayin ang biktima? Gangster ka ‘di ba, Mr Akiera Hades Carson?” Nakangising ani ng Officer. “Hindi naman kami gan’yan trumabaho,” parang wala lang na sagot ni Akiera kaya na-ba-badtrip ko siyang tinignan. Siniko ko siya at pinanlakihan ng mga mata. Kung ganito ang mga sinasagot niya ay possible talagang mapagbintangan siya. Ngumisi lang siya sa akin at hinawakan ang bewang ko. “Ah, so sinasabi mong may napatay na kayo?” Nagulat ako sa sinabi ng officer kaya nilingon ko siya. Nakangisi lang siya kay Akiera at hindi man lang pinapansin ang nakataas kong kamay. “Mawalang-galang lang po Chief, hindi na po related sa case ni Kian ‘yang tinatanong mo po.” Naiinis kong saad kahit hindi naman siya sa akin nakatingin. “You have a point, Miss, pero hindi naman niya sinagot ang nauna kong tanong,” baling nito sa akin. “Bakit hindi niyo tignan ang CCTV? Hindi ‘yong sinasayang niyo ang oras sa pagtatanong sa amin.” “We are working on that. We are asking questions para tignan kung tutugma ang mga sagot niyo sa lalabas na result mamaya.” Kinurot ko ang bewang ni Akiera kaya tumawa siya. Kumunot ang noo ng officer at naghahamong tinignan ang lalaking katabi ko. “Oh I’m sorry, may kiliti kasi ako sa bewang, eh,” tumatawa pa rin siya nang kausapin ako. Napapikit ako dahil hindi ko man lang makitaan ng takot ang lalaking ‘to. ‘Stop it!’ Walang boses kong ani. “Iyan na lang muna. Please answer our call dahil kapag lumabas na ang result ay magtatanong ulit kami.” Sinamaan ng tingin ng officer si Akiera. I sighed and look at the guy beside me. “Are you crazy?” “What? Sinagot ko lang naman ang mga tanong niya.” Inirapan ko siya at lumayo upang puntahan ang manager ko na tinatanong pa rin ng isang pulis. “Thank you for the cooperation, Miss,” anang pulis at naglakad na paalis. Parang nakahinga ng maluwag si ate Bianca kaya tinawanan ko siya. She’s always like that kapag may gwapo sa harapan niya. Kunwari ay calm lang siya pero sigurado akong kumakabog na nang malakas ang puso niya. “Para akong mahihimatay sa boses niya, Kiara, ang low!” Tumili siya at hinawakan ang pisngi niyang namumula. “Anyway, wala na kayong practice for today, kuhain mo na lang sa laundry shop ‘yong mga towels mo na pinalabhan ko.” “Okay, thanks, ate Bianca.” “Let’s go,” nagulat ako nang marinig ang boses ni Akiera. Nagtatanong ko siyang tinignan at binaling ang paningin kay ate Bianca. Masama na ang tingin niya sa amin kaya lumayo ako sa tabi ni Akiera. Hinawakan ko ang braso ni ate Bianca at nginitian siya. “Ate, pwede bang ikaw muna po ang kumuha? Pasama ka na rin po kay Akiera, I have something to do pa po kasi,” panlalambing ko at tinignan ang lalaki. Nakataas ang kilay niya sa akin at inilingan ko lang siya. May mga police officers ang lumapit sa aming dalawa ni Akiera at kinuha ang aming mga kamay. “Mr Carson and Ms Vergara, you are under arrest!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD