“Tang-ina mo, Hades,” iritang bulalas ni Garnet. Hindi na namin binalikan pa ang isang lalaki. Ang mahalaga sa ngayon ay mabura ang footage namin roon para hindi agad matunugan kung sino ang gumawa noon. Hindi naman ako masyadong nakita nang lalaki dahil madilim sa parting naglaban kami. Sana lang ay hindi matang lawin ang gunggong na iyon. Minutes later, Garnet park the car in the near-abandoned warehouse. Wala pa ring malay ang tatlong lalaki kaya nagawa namin silang itali sa isang sirang upuan. Sinampal-sampal ko ang mga ito para magising. “Mga hampas lupang frog,” wika ko at nilakasan ang sampal sa isa. Umubo-ubo ang mga ito at naliliyong nilibot ang paningin sa buong paligid. “Sabihin niyo na kung bakit niyo ginagawa ‘to bago ko pa kayo mapatay,” sumeryoso ang tono ko at wala

