HINDI pa rin nakakabalik ang dalawang magkambal kaya tumayo na si Levine para puntahan sila. Hindi siya masyadong nakikipag-usap kanina. Panay sina Cyhael at Aster lang ang nag-uusap. I find them awkward. Iwas na iwas silang mag-usap. Pakiramdam ko pa ay parang pinilit na lang nila para hindi masyadong halata. Napalingon ako sa rest house nang makarinig ng ingay doon. May mga nakikisilip pa kaya tumayo na ako para tingnan kung ano’ng nangyayari. Mabilis ang naging kilos ko nang makita sina Aster at Cyhael na nakahiga sa sahig. Pilit silang ginigising ni Levine pero nanatiling walang mala yang dalawa. Lumapit ako sa kanila at tinignan ang kalagayan ni Aster. May mga pasa ang katawan nito at bahagyang namumula ang ilang parte. May nakatakip na suit sa paanan ni Kiara at nang tignan ko

