Isa ‘to sa mga araw na masasabi kong kontento ako. Hindi man siya pumayag na totohanin namin ang relasyon namin ay okay na ako sa malamang gusto niya rin ako. Alam ko naman hindi pa ito ang tamang oras dahil masyado pang maraming nangyayari sa paligid namin. Siguro ay kapag okay na, pwede na. Kung mayroon man akong hihilingin ngayon ay iyon ang kaligtasan niya sa mga magulang niya. Nang humiwalay ako sa pagkakahalik sa kaniya ay tinitigan ko siya. She looked at me too. Mukha siyang nalilito sa pagkakatitig ko sa kaniya pero hindi siya nagtanong. Hinayaan niya ako at pati ang sarili niya. Kanina nang maligo siya ay ch-in-eck ko ang buong kwarto. Possible ngang sa veranda dumaan ang kung sino dahil nang puntahan ko iyon ay kapantay lang ng veranda sa babang unit ang kay Aster. Nang t

