BIANCA stayed inside her room. Dahil wala na siyang mapuntahan ay bumalik na lang siya sa mansion ng kaniyang mga magulang. Pati ang tinitirhan nila ni Mystica ay nawalan siya ng karapatan dahil sa kagagawan ng mga magulang niya. Habang nakahiga ay nakatitig lang siya sa kisame. Napatingin siya sa kaniyang cellphone nang mag-ring ito. Hindi na sana niya sasagutin pa sa isip na baka Mama niya lang iyon. "Oh?" Sagot niya sa tawag nang makitang si James ito. "Kumuha ka na ng gamit ni Mystica?" Tanong niya. “Oo, hindi ka pa dumadalaw rito,” ani ng kaibigan niya. Hindi siya handa kaya hindi niya magawang magpunta sa hospital. Masyado na siyang nilalamon ng galit at kapag nakita niya pa ang kalagayan ng kaniyang kaibigan ay baka sumabog na siya. "Hindi parin ba siya nagigising?" "Hindi pa

