"Kuya, hindi mo naman kailangang umalis eh. Kaka-birthday mo lang kahapon!" hawak-hawak ni Bianca ang braso ng kaniyang Kuya para mapigilang umalis. Siya na nga lang ang tingin niyang kakampi sa pamilya niya ay aalis pa. "Babalik din ako, ano ka ba? Sige na, baka naghihintay na si Mystica sa kotse. May pupuntahan pa kayo," tugon ng kaniyang Kuya. "Ayokong sumama do’n eh, " pagmamaktol pa ni Bianca. "Ma-le-late na ‘ko. Sige na, kung kailan aalis ako tsaka ka maglalambing sa ‘kin. Ayos ka din eh, ‘no?" “Kuya!” "Bahala ka sa buhay mo," malokong wika ng kaniyang Kuya at umalis na nang mahalikan siya nito sa noo. "Leche ka, Kuya, huwag ka nang babalik ah!" sigaw ni Bianca na kinawayan na lang ng kuya niya. Padabog na rin siyang tumalikod at naglakad na papunta sa kaniyang kaibigan. Nag

