Pagkatapos noong nangyari sa birthday ni Argus, hindi na muling nagparamdam pa ang mga Mafioso. Alam kong may ginawa si Akiera roon sa sumugod sa amin. Hindi ko alam kung dahil lang ba roon kaya tumigil sila o may pinaplano na sila. Nang mapag-usapan namin nina ate Levine at ate Cyhael ang tungkol doon ay maski sila ay wala rin namang napapansin na may sumusunod or may natatanggap silang death threats. Alam kong sa kaloob-looban ko ay umaasa akong sana ay tumigil na si Mama. We already suffered. Nasa puder man niya kami o wala, grabe ang pinagdaanan namin. Sa murang edad ay sunod-sunod na kamalasan na ang nangyari sa amin. Hanggang ngayon pa rin ba naman ay hindi kami titigilan ng bangungot namin? Ate Cyhael has trauma. Ate Levine became cold. While me, I had blackouts. Iba-iba ang nag

