Lumabas ako ng presinto nang tuluyan nang ilayo ng pulis si Heart. Pinanood ko pa kung paanong pandilatan ng pulis ang nagwawalang babae. Narinig ko ang paulit-ulit na tanong ng pulis kung ano ang mga sinabi ni Heart sa akin. Sumakay ako ng kotse ko at natulala na naman. Alam ni Heart na delikado ang buhay niya kaya kahit magalit pa ang mga tao sa kaniya ay mas pinili niyang isarili na hindi siya ang pumatay sa tatlo. Alam kong wala pa ring pinagkaiba. Pinatay niya si Nicole. Hindi ko alam kung tutulungan ko ba siya or hahayaan na lang. Kita ko ang sisi sa mukha niya kanina habang magkaharap kami. Wala akong alam kung bakit niya ginawa kay Nicole ‘yon pero maling-mali talaga. Kung hindi ba niya ginaya ang pagpatay ng totoong killer ay magiging ganito pa rin ba kakomplikado ng lahat? Yu

