CHAPTER 53 - ASTER’S POV

1067 Words

HINDI ako umalis sa tabi ng Mama ni Trisha. Kahit tumutulo rin ang luha ko ay tinatahan ko siya. Ayokong makita siyang umiiyak dahil magagalit si Trisha. Kahapon ay nagpunta rin ako rito kahit napagalitan ako ni Mama. Hindi rin ako pumasok ngayong araw para mapuntahan ko ang libing ni Trisha. Gusto kong may kasama ang Mama ni Trisha dahil alam kong iiyak lang siya sa loob ng bahay nila. “Tita, tahan na po. Wala na pong magpupunas ng luha niyo kapag nailibing na po natin si Trisha.” Sinabi ko iyon nang lumuluha. Ilang beses kong ginising si Trisha kapag kami lang dalawa ang magkasama. Pero hindi na. Ayaw na talaga niya. Iniwan na niya kami at hindi ko na siya makikita. Wala na ang kauna-unahang best friend ko. Wala na ang nag-iisang nasadlan ko noong sinaktan ako ni Mama. Wala na ang t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD