CHAPTER 52

1113 Words

Nagpaalam akong bababa para hanapin ang mang-ari ng apartment. Balak ko sanang magtanong-tanong sa mga nakatira kaya hindi ko na pinababa pa si Aster. “Dito ka na lang,” ani ko at nagbadya nang bababa. “Sama ako,” nakangusong hinuli niya ang laylayan ng t-shirt ko kaya napatingin ako sa kaniya. “Delikado kapag may nakakita sa ating magkasama, Aster. Tinted naman ‘tong sasakyan ko kaya rito ka na maghintay. Babalik din ako kaagad.” Wala siyang nagawa kundi ang bitawan ako. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya at bumaba na. Nagpalinga-linga pa ako sa kalsada pero wala namang ibang sasakyan na nakaparada. Sinubukan kong katukin ang malapit na apartment pero walang lumabas. Naglakad-lakad pa ako nang may humintong nasa mid-40s na lalaki sa harapan ko. Tinignan niya akong mabuti bago tumingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD