UMAGA na nang maisipan kong puntahan si Aster. Nag-text na ako sa kaniya at dahil nasa unit naman daw siya ay tumuloy na ako. Pinag-iisipan ko pa rin kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa text habang nagmamaneho ako. Kalaunan ay nakombinsi ko na rin ang sarili ko dahil napag-usapan na naming magsasabi ako kung ano ang makukuha ko sa imbestigasyon. Sinubukan kong tawagan ang numero kahapon pero kung hindi sinasagot ay sadyang pinapatay naman iyon. Sa huli ay sinubukan kong i-locate ang number. Pupuntahan namin ni Aster mamaya iyon kapag natapos na ang session namin sa martial arts. “Good morning!” bati ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. “Good morning! Nagluto ako, kumain ka na ba?” Aniya at inaya na akong pumasok. Hindi niya inaasahang ilalapit ko ang mukha ko sa kaniya. Sm

