Naupo si Aster sa katapat na sofa. Gusto ko sanang sa tabi ko na lang pero mukhang mas comfortable siyang makipag-usap sa akin nang magkatapat. Nagkatinginan kami. Kunot ang noo niya at hindi malaman kung paano magsisimula. “Do you want me to talk first?” Tanong ko na nang hindi pa rin bumubuka ang bibig niya. Huminga siya ng malalim at umiling. “Iyong mga death threats na nakuha ko. Siguro pagkatapos ng nangyari sa akin ilang taon na ang nakalilipas ay tsaka lang ulit nagparamdam si Mama. Actually, sa unang iyon ay hindi ko pa naiisip na posibleng si Mama ang may pakana ng lahat. Nagsimula lang akong mangamba na baka ang magulang ko ang may gawa dahil sa manika ko noong bata pa ako.” Tumingin siya sa lapag. Parang hindi na siguro siya titingin pa sa akin habang nagsasalita siya. “

