I want to make her stop. Gusto kong sabihin sa kaniya na huwag na siyang magsalita. Na hindi naman na niya kailangang sabihin pa iyon. Kaso kapag ganoon ang lumabas sa bibig ko ay baka pagdudahan din niya ako. Ginawa ko ang kabaliktaran. Pinilit kong maging kuryuso. Nagtatanong ang itsura ko habang hindi naman siya makatingin sa akin ngayon. Maski siya ay hindi inaasahan iyon. “Tell me more, Aster,” please, don’t. Ayokong makaramdam siya ng awkwardness. Pero para hindi siya magduda sa akin ay kailangan kong pilitin siyang magkwento. Ilang beses pa siyang lumunok. Hindi na siya makatingin sa akin. Nangangapa kung paano dudugtungan ang sinabi. “Aster…” pagtawag kong muli sa kaniya. Bahagyang umangat ang kaniyang dibdib nang humugot siya ng hininga bago tumingin sa akin. Napakurap-

