Chapter 67 “Sino iyong kausap mo na lalakeng matangkad kanina, Sayah? Ang guwapo naman, noong kabataan namin ay ganoon ang itsura ni Ji— Napatingin si Sayah kay Uzni nang bigla itong napatigil sa pagsasalita. Nang lingunin niya ang lalakeng nakabunggo sa kaniya kanina ay malayo na ito at kausap na nito ang kasama. Hindi normal ang lamig ng kamay ng lalakeng iyon at ang kulay ng balat. Sigurado akong isa siyang bampira, ngunit isang mabait na bampira. Tiningnan muli ni Sayah ang pang ipit ng buhok na nasa kaniyang palad. Isa iyong pang ipit na may disenyong pulang rosas. Hindi naman nito siya kailangan bigyan ng pang ipit na iyon dahil kasalanan din niya kung bakit siya nito nabunggo, hindi rin niya ito napansin. “Kahit naman ngayon ay guwapo pa rin naman si Jika, Uzni,” sabi ni Saya

