Chapter 14 “Kailangan mong gumising ng eksaktong alas kwatro ng umaga tuwing sabado dahil ang lahat ng miyembro ng bawat grupo ay tatakbo paakyat sa mundo at iikot sa buong lupain ng vantress,” sabi ni Xen. May hawak si Xen na maliit na notebook, ang kulay no’n ay itim. Nasa silid sila kung saan siya dinala ng mga ito nang mawalan ng malay. Sinabi rin ni Xen sa kanya na iyon na ang magsisilbing silid niya simula ngayon. “Sa grupo ka ni Zico nakabilang, ang grupo niya ay mayroong isan daang miyembro. Ang bawat miyembro ay kinakailangang gumising ng alas singko ng madaling araw upang maghanda sa pang umagang seremonya,” sabi ni Xen. Pinagsalikop ni Sayah ang kanyang mga kamay at tumitig dito. Nakatayo lamang sa harap niya si Xen at hindi ito naupo sa upuan katapat ng kanyang higaan. Mukh

