Chapter 13 Tahimik na kumakain si Sayah sa gilid. Masaya ang mga tao na nakikita niya, nagtatawanan ang mga ito habang kumakain. Kung kaninang hiwa-hiwalay ang mga ito sa pag-eensayo ay ngayon nagsama-sama na. Mukhang magkakakilala rin ang mga nag-eensayo na nakabilang sa iba't-ibang grupo. "Marami pa ang pagkain, Sayah! Huwag kang mahihiya, kain lang ng kain ha?" Zico said. Tapos na itong kumain at ngayon ay lumilibbot sa bawat umpok ng mga tao. Mukhang sikat ito dahil tinatawag pa ito ng iba kanina. Sa ugali ni Zico ay tiyak na marami ito talagang makakasundo. Mabait at palatawa kasi ito. Hindi nga niya inaasahan na kukupkupin siya nito at tatanggapin. Isa pa siyang pabigat ngunit hindi siya nito iniwan sa 3rd district. Nang maalala ni Sayah ang kaibigan na si Pen ay naibaba ni

