Chapter 12 “Sayah, nagugutom ka na ba?” tanong ni Zico. Pagkatapos nitong kausapin ang babaeng nagngangalang Uzni ay nanood muna sila ng mga nageensayo. Namamangha si Sayah sa klase ng kilos ng mga ito. Sa kung paano ang mga ito humawak ng katana at ng iba’t-ibang armas. Nakakarinig din siya ng putok ng baril hindi malayo sa kanilang kinalalagyan. “Hindi pa naman,” sabi ni Sayah. Si Xen ay nagpaalam muna upang pumunta sa Lolo Kizo nito para ipaalam na nakabalik na ito at si Zico. Tumayo si Zico at tumingin sa kanya, “Kapag nagugutom ka ay sabihin mo sa akin, anong oras na din naman kasi at magtatanghalian na.” Tumango siya dito at muling ibinalik ang tingin sa mga nageensayo. Sigurado si Sayah na mahihirapan din siya. Magkakagalos at baka nga mapilayan pa sa klase ng training na n

