Chapter 48 “Narinig niyo ang nangyari kay Achipika? Siya pala iyong nabaril kagabi. Si Tala ang bumaril sa kaniya! Grabe! Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari dito sa headquarters.” “Tama ka, pauwi na raw ito at si Calixia, galing sa bayan ngunit hinarangan ni Tala at binaril si Achipika. Grabe naman ang naramdamang galit ni Tala.” “Ang sabi-sabi kasi ay patatalsikin na daw si Tala dito sa vantress at hindi na tatanggapin kahit kailan, baka iyon ang dahilan kaya niya iyon nagawa?” “Kahit na! walang dahilan para gawin niya iyon, hindi tayo sinasanay humawak ng mga armas para gamitin ito sa mga walang kalaban-laban!” Iyon ang mga narinig ni Sayah nang pumasok siya sa dining hall. Kagabi ay napanatag siya bago bumalik sa silid nang malamang matagumpay na natanggal ni Hylos ang bala

