Chapter 49 Hindi inaasahan ng lahat ang nangyari. Maging ang limang lider ng vampire hunters ay nabigla nang mabaril si Pika ni Tala. Ang mga kasangkot sa gulo ay kaagad na ipinatawag ni Kizo sa justice hall. Galit ang nararamdaman ng pinuno ng vantress nang malaman ang nangyari kay Achipika. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin itong malay. Tatlong araw na ang nakakalipas at nababahala na ang ama nito na si Piza. Tatlong araw na rin na nakakulong si Tala at ang lalakeng vampire hunter na nagbigay dito ng baril, na ginamit upang paslangin ni Tala si Pika. “Mabuti na ba ang kalagayan ni Achipika, Zico?” tanong ni Kizo sa pamangkin. Ang limang lider ng mga vampire hunter sa vantress ay naroon. Sina Unzi, Driz, Zico, Lorcan at Jika. “Ngayon na lang ako ulit nakabalik pagkatapos ay mayroon

