Chapter 50 Napatingin si Sayah sa kaniyang kaliwa. Nakaramdam kasi siya ng mga matang nakatingin sa kaniya. Nang ilinga niya ang tingin ay kaagad niyang nasalubong ang dalawang pares ng mga mata ng isang lalake. Ang lalake ay kasama nina Uzni Driz at Zico, hindi ito pamilyar sa kaniya. Hindi rin pamilyar ang lalake na katabi nito. “Jika, huwag mong titigan ng ganiyan ang bata, baka matakot iyan sa iyo.” Sabi ni Uzni. “Hindi niyo ba kasi nakikita na kamukha siya ni Ilina? Isa pa, tingnan niyo nga, pati ang kaniyang mga mata ay kapareha na kapareha ng kaibigan natin.” Sabi ng lalakeng nagngangalang Jika. Ilina? Sino ang tinutukoy nito? “Gael Thomas. Ano ang iyong dahilan upang ibigay ang iyong armas kay Talazna? Alam mo na isa sa ipinagbabawal ng vantress ay ang pagbibigay ng armas sa

