Chapter 51 Matapos ang nangyaring insidente ay naging mahigpit ang mga sumunod na araw sa headquarters ng vantress. Hindi pinalagpas ni Kizo ang nangyari kay Achipika. Ang limang kalalakihan na nautusan ni Tala ay sa huli pinatawan din ng parusa na lisanin ang vantress. Si Talazna naman ay kaagad din na sinundo ng ama nito noong araw na nilitis ito sa sa justice hall. Sa harap ng limang lider ng vantress, ni Kizo at ni Calixia, sinampal si Talazna ng kaniyang ama. Sinabi ng ama nito na isang kahihiyan ang pagpataw ng vantress na lisanin ni Tala ang headquarters. Gumawa din ng kasulatan si Kizo na walang maaaring tumanggap kay Talazna na paaralan ng mga magiging vampire hunters. Ang ugali nito ay hindi nararapat para maging isa sa kanila. Si Achipika naman ay nagkaroon na rin ng malay

