Chapter 52 “Sayah! Sayah! Sayah!” Napalingon si Sayah nang marinig niya ang boses ni Pika. Tumatakbo ito palapit sa kaniya. Kalalabas niya lang ng headquarter ng vantress ng umagang iyon para tumungo sa bayan ng priyesa upang dalawin si Pen. “Bakit, Pika? Sasama ka ba sa akin?” tanong niya. Sa loob ng nakalipas na limang taon ay mas tumibay ang kanilang pagkakaibigan ni Achipika. Nang mangyari ang trahedya dito noon, nang barilin ito ni Talazna ay simula noon ay mas naging maingat sila sa kanilang paligid. Sa tuwing pupunta rin sila sa bayan ay hindi na sila nagpapagabi pa ng uwi. “Oo sana! Pupunta ka ba kila Pen? Tapos na kasi ako sa mga gawain ko sa kusina, wala na rin naman ibang iuutos sa akin si papa, kaya baka pupwede akong sumama?” tanong nito. Tumango si Sayah sa tanong ni

