Chapter 18 "Huwag kang mag-alala sa kalagayan namin,Sayah, mabuti kami, anak..." "Mag-iingat ka palagi, huwag mong hahayaan na mamayanin ang galit sa iyong puso, palagi mong iisipin na mas dapat manaig ang kabutihan kaysa ang kasamaan," "Palagi lang kaming nakabantay sa iyo, salamat ng napakarami, salamat sa lahat ng sakirpisyo mo para sa pamilya natin," "Mahal na mahal ka namin!" Naidilat ni Sayah ang mga mata. Nang hawakan niya ang mukha ay naramdaman niya na basa ang magkabila niyang pisngi. Hindi niya namalayan na lumuluha na pala siya dahil sa panaginip. Nakita niya ang kaniyang pamilya na nakangiti sa kaniyang. Naka puti ang mga ito ng kasuotan. Ang kaniyang ina lamang ang nagsasalita at sinasabing mag-iingat siya palagi. "Akala ko ay totoo," sabi ni Sayah sa sarili. An

