Chapter 19 Nang makaalis ang mga tao kanina ay napahinga ng malalim si Sayah. Mabuti na lamang at dumating si Xen kung hindi ay tiyak na mahuhuli siya. Baka rin hindi maging maganda isipin ng mga ito kapag nakita siya na nagtatago sa likod ng puno. “Sa susunod huwag kang nakikinig sa usapan ng iba,” sabi ni Xen. Hindi naman niya gustong makinig talaga, nagkataon lang iyon, Lalo na nang dumating ito. “Mauna ka na sa pag-akyat sa bundok, susunod ako, kailangan ko lang kausapin si Zico tungkol sa misyon sa susunod na linggo,” sabi ni Xen. Tumango siya at naglakad na paalis. Nang linungin niya si Xen ay nakapasok na ito sa loob ng headquarters ng vantress. Nang makapasok na si Sayah sa gubat ay tumakbo na siya upang tunguhin ang bundok. Ito ang ikalawang araw niya para magsanay ay hindi

