Chapter 63 Napahawak si Sayah sa kaniyang kuwintas nang makaramdam ng sakit. Hindi makalimutan niya ang mga ikinuwento kagabi ni Pika. Hanggang sa kaniyang pagtulog ay iniisip niya si Ilina at ang kuwento ni Pika tungkol sa babae. “Pangarap niya ang magkaroon ng babaeng anak, natutuwa raw siya kapag nagtatali ng buhok at nag-aasikaso ng mga damit pambabae. Kaya kapag dumating raw ang tamang panahon, babae sana ang nais niyang maging anak.” “Sinabi ko na magiging isa siyang mabuting ina, Si Ilina... at sinabi ko na nais ko na kapag iniluwal na niya ito ay isa ako sa magiging kaibigan ng magiging anak niya. Sasamahan ko ito kahit saan at maglalaro kami kahit saan, ako ang magiging kasama nito sa lahat ng bagay. Pu-puwede ko itong turuan na magbasa at magsulat dahil magaling na ako roon,

