Chapter 86 Mukhang iniisip niya na baka magbago ang isip ni Banjo kapag nalaman nito na dati siyang magnanakaw. Sabi ni Sayah sa sarili. “P-Pero, dati po akong magnanakaw, i-iyon nga po ang dahilan kaya nakilala ko si Sayah, kanina lang umaga ay ninakaw ko ang kaniyang pang ipit ng buhok dahil narinig kong gawa iyon sa tunay na ginto, sinabi ng babaeng nagtitinda. H-Hindi po ata tama na pagkatiwalaan ninyo pa ako at patirahin kami dito.” Sabi ni Laris. Sabi ko na. “Pero sinabi mo naman na, dati kang magnanakaw hindi ba? Lahat ng tao ay nabibigyan ng ikalawang pagkakataon upang magbago, at dapat sa ikalawang pagkakataon na iyon siguraduhin natin na maging mabuting tao na tayo. Iyong hindi na muling gagawa ng mga masasamang bagay na nagawa natin dati. Ang mahalaga pa rin naman ay iy

