Chapter 39 “Aray aray aray!” Tinanggal ni Sayah ang bulak na nakadampi sa braso ni Pika kung nasaan ang malalim na sugat nito. Narito sila ngayon sa kaniyang silid at ginagamot ang mga sugat noi Pika sa katawan. Napapangiwi pa siya sa tuwing aaray ito. “Masakit, mahapdi, masakit, mahapdi,” sabi nito. Hawak ni Pika ang braso at hinihipan nito iyon. Nilagyan niya kasi ng likido ang bulak at sabi ni Pika ay para daw iyon hindi maimpeksyon. Hindi rin kasi siya pamilyar sa mga gamot na ipinakita nito at itinuturo lang sa kaniya ni Pika ang dapat gawin. “Pasensiya na, hihipan ko na lang. Nagiging madiin ba ang ginagawa ko?” Umiling si Pika sa kaniyang tanong. Ngumiti ito at pagkatapos ay itinaas ang dalawang braso at nagsalita, “Malakas ako! Matitiis ko naman ang sakit, para din naman it

