Chapter 73 Nang bumaba si Sayah sa kainan ay kaagad niyang nakita si Zico na umiinom ng alak sa may gilid. Wala nang mga tao ang naroon dahil sarado na ang kainan sa ibaba. Ang naroon na lamang ay ang may-ari, isang babaeng naglilinis sa loob at si Zico na umiinom. Nang makita siya ni Zico ay kaagad itong kumaway sa kaniya at pinalapit siya nito. Naglakad si Sayah papunta sa kinaroroonan ni Zico. Nang makalapit ay naupo siya at tumingin dito. “Ano ang nais mong itanong sa akin? Base sa klase ng iyong tingin ay parang may gusto kang malaman.” Sabi nito. Napabuntong hininga si Sayah, kanina habang papunta siya sa kainan ay naalala niya noon ang sinabi ni Pika. Tinanong niya kasi si Pika kung nasaan ang ina ni Xen. Dahil napag-usapan nila ang tungkol sa pamilya at tungkol kila Kizo ay

