Chapter 76 Napatingin siya kay Uzni, umiling naman siya at ngumiti. Hindi naman nito kasalanan, isa pa ay mayroon ding nnangyaring kaguluhan kanina kung nasaan ang mga ito at nabanggit din naman sa kaniya ni Uzni na mayroon pang isang bampira ang nagpakita. “Ngunit paano naging bampira ang bata, Sayah? Katulad ba ng dati ay naging bampira ito dahil sa laman ng hiringgilya?” tanong ni Zico. Umiling si Sayah at humigop sa tsokolate. Nang ibaba niya ang tasa ay seryoso siyang tumingin kay Zico. “Mayroong sugat sa batok ang bata at pahaba iyon, ang itim na ugat ay kitang-kita na at lumalakad na iyon palibot sa leeg ng bata. Nang makita ko ang sugat ay kaagad kong pinilit na ilayo ito sa ina. Hanggang sa segundo lamang ang binilang at naging bampira na ito.” Sabi ni Sayah. Maski siya ay

