Chapter 77 “Saan ka nanggaling?” Nang makabalik si Xandro sa bundok na tinatawag acava ay iyon kaagad ang bumungad sa kaniya. Naroon na si Alex, Alejandro at si Johnny. Nang makaamoy sila ng dugo kanina ay mabilis siyang napalingon sa bayan nd derata. “Nabigla naman ako nang bigla kang nawala kanina, Xandro. Bakit ka bumalik sa bayan? Dahil ba sa amoy ng dugo? Mayroon namang mga vampire hunters doon, hindi mo na kainailangan pang puntahan” Sabi ni Johnny at muling ibinalik ang tingin sa binabasang libro. Ngunit hindi iyon ang iniisip ni Xandro ng mga oras na iyon. “Ano ang iniisip mo, Xandro?” tanong ng nakatatanda niyang kapatid na si Alexander. Nag-iwas siya ng tingin at mariin na pumikit. Muli niyang naalala ang mukha ni Calixia. Muntikan na itong mapaslang ng isang batang bampi

