Chapter 80 “Oo nga pala Sayah, bakit parang napaka bata mo naman para maging isang vampire hunter?” tanong ni Laris sa kaniya. Nasa ilalim pa rin sila ng puno ng mga oras na iyon at kumakain. Malamig ang simoy ng hangin at tinatangay ang kaniyang may kahabaan na buhok. Siya at si Laris na lang ang nagpapatuloy sa pagkain dahil hindi nila iyon naharap masyado kanina dahil sa kanilang pag-uusap. Ang mga kapatid ni Laris na sina Didi, Jin at Karin ay naghahabulan na sa may damuhan. “Ah, iyon ba? Ang totoo ay limang taon na ang nagsasanay at nito lang ako nabigyan ng titulo upang maging isang vampire hunter?” Sabi niya. Kinuha ni Sayah ang kapiraso ng piniritong manok at kumagat doon. Ang lutong ng balat at lambot ng laman ng manok ay nanuot sa kaniyang bibig. Iyon na lang ulit ang pagka

