Chapter 34 Nang makabalik siya matapos tumakbo ay halos mataas na ang sikat ng araw. Marami na rin mga miyembro na pabalik ng headquarter ng vantress. Upang hindi niya makasama ang ilan sa mga ito sa pagtakbo ay tinungo niya ang dinaraanan nila ni Xen dati kapag aakyat ng bundok. Tiyak kasi na marami na naman ang mga matang nakamasid sa bawat kilos niya at iyon ay kaniya nang iniiwasan. Ayaw na niya ng gulo at nahihiya na siya kay Zico. Habang tumatakbo ay maraming napansin si Sayah na pagbabago sa paligid. Mag a-apat na buwan pa lang siya sa sa vantress ay napapansin na niya ang ilang mga pagbabago sa kaniyang paligid. Mayroon nang mga bagong tubo na bulaklak. Mayroon ding mga puno siyang napansin na lumaki at nagkasanga. Ang ibang mga dinaraanan ay nawala na ang matataas na mga d**o

