Chapter 33 Maagang gumising si Sayah upang tumakbo paakyat nang bundok nang umagang iyon. Hindi niya makakasama si Pika dahil tutulong ito sa paghahanda ng umagahan, sinabi nito iyon sa kaniya kagabi. Dahil sa nangyari kahapon sa dining hall ay pinayagan siyang hindi muna sumama sa sabayang pagsasanay. Kinausap siya ni Zico tungkol doon kagabi at sinabi nitong maaari siyang pumunta sa bayan upang maglibot. Binigyan din siya ni Zico ng salapi upang maibili ng mga bagay na kakailanganin niya. “Dahil sa nangyari ay minabuti ni Tiyo na ipagpaliban mo na muna ang pagsasanay bukas. Paiimbestigahan niya ang mga pangyayari kanina, huwag kang mag-alala dahil hindi namin hinahayaan ang ganitong mga klaseng ng masamang gawain sa vantress,” sabi ni Zico. Hindi kaagad nakapagsalita si Sayah. Hindi

