Chapter 84 “Ano ang nangyari sa inyo sa bayan kanina?” tanong ni Jika. Tumingin sandali si Sayah kay Jika pagkatapos ay itinuon niya ang pansin sa kaniyang mga kamay na nasa ibabaw ng lamesa. Si Uzni na katabi niya ay binulungan pa siya ng ‘Kanina ay tinanong niya na ako’ katabi kasi ito ni Jika at mukhang nag-uusap nga ang mga ito kanina. “Nang bumalik ako ng bayan ay kasama ko na sina Laris, sasamahan ko sana silang mamili ng mga damit pero nakita ko si Uzni sa isang tindahan ng mga damit, sinabi sa akin ni Uzni na hindi tayo matutuloy na umalis ngayong araw dahil sa mangyayari mamayang gabi, sinabihan ko sina Laris na maaari na silang maghanap ng mga kakailanganin nila at iniwan nila ako kasama si Uzni,” “Nang makaalis si Laris kasama na ang tatlo niyang mga kapatid ay naglakad na

