Chapter 8

2128 Words
Chapter 8 “Ca...lixia." Hindi na lang pinapansin ni Sayah ang mga sinasabi ng batang lalake na kasama ng vampire hunter. Ngunit kanina pa siya naiirita sa mga pabalang at hindi magandang mga sinasabi nito. Para itong walang pakialam sa kapwa kung magsalita, ang mga mata rin ay walang emosyon alam niyang kailangan niya ring magpasalamat  dito dahil isa ito sa tumulong sa pagpapalibing ng labi ng kanyang pamilya ngunit hindi niya babaliwalain ang mga hindi magandang salita na binitawan nito. “Mananatili pa tayo rito ng buong araw, Xen huwag mong masyadong pagsalitaan si Calixia ng hindi maganda. Palagi ko naman sinasabi sayo na huwag kang masyadong nagiging marahas magsalita sa mga babae.” Sabi ng vampire hunter sa anak nito. Hindi nalalayo ang itsura ng dalawa kaya’t hindi maikakaila ni Sayah na mag-ama ito, ngunit ang itsura ng vampire hunter ay masyadong bata para maging anak itong batang lalake. “Wala akong sinasabi na hindi maganda, Zico. Lahat ng sinasabi ko ay purong katotohanan lang. Kung nasasaktan siya walang pumipigil sa kanya na umalis.” Napalingon si Sayah sa batang lalake na nagngangalang Xen. Iba talaga ang tabas ng dila nito at sa tingin niya ay kailangan bigyan ng leksyon. Hindi na talaga siya natutuwa at hindi na rin niya kayang ipagsawalang bahala ang mga naririnig dito. Masyado itong mayabang magsalita. Isa pa sa ipinagtataka niya ay ang pagtawag nito ng ‘Zico’ sa ama at hindi nito ito tinatawag na itay. Bastos ang bibig ng Xen na ito at sa tingin niya ay kailangan bigyan ng leksyon. Lumapit si Sayah kay Xen at tinitigan ito ng masama. Ang mga mata ng lalake ay diretsong tumingin sa kanya at pagkatapos ay sumilaw ang mapang-asar na ngiti sa mga labi nito. “Anong problema mo? Bata?” tanong ni Xen sa kanya. Hindi nagsalita si Sayah, ang sumunod niyang ginawa ang ikinagulat ni Zico lalo na ni Xen. Hinawakan niya si Zen sa gilid ng ulo at iniumpog niya ang noo sa noo nito ng sobrang lakas. “Aw!” Gulat na gulat si Zico sa kanyang ginawa at si Xen naman ay napahiga sa bunganin habang nakahawak sa ulo nito. Nagpabiling-biling ito habang nakahawak sa noo na nasaktan. Nakita pa ni Sayah na nagdugo ang parteng iyong ng ulo ng lalake. Ang itim na itim na mga mata ni Sayah ay masamang tumingin kay Xen habang nakahiga ito sa buhanginan. Nang mapansin iyon ng lalake ay napahinto ito sa paggalaw at napatingin na rin sa kanya. Nang hindi tumagal si Xen sa titig niya ay nagbawi ito ng tingin at dahan-dahang tumayo. Hawak pa rin nito ang noo na nasaktan at nang mapansin niyang may tumulong dugo roon ay kaagad na lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Dahan-dahan siyang lumapit sa lalake at itinaas ang kamay upang salatin ang noo nito na nagdurugo. “P-Pasensya na, Xen.” Sabi ni Sayah habang sinusuri ang noo ng lalakeng dumugo. “M-Masakit ba?” Napaismid lang si Xen at pagkatapos ay tumalikod sa kanya. “Hindi.” Sabi nito at naglakad palayo. Napatingin si Sayah kay Zico na nakangiti sa kanya. Lumapit si Zico sa kanya at hinawakan ang ibabaw ng kanyang ulo. “Salamat at ginising mo ang anak kong ‘yon. Pasensya ka na, Calixia lumaki kasi si Xen na hindi ako kasama at wala rin siyang ina na gagabay sa kanya kaya’t ganiyan ‘yan. Mabait naman ang tiyo ko na nagpalaki sa kanya ngunit hindi ko alam kung bakit masama pa rin ang ugali ng bata na iyan.” Sabi ni Zico. “Ni hindi nga ako tinatawag na, Dad or Itay,” sabi nito at sinundan ng pagtawa. Napatingin si Sayah kay Xen na nilingon silang dalawa nang marinig nitong tumawa si Zico. Nakasimangot na ito at nakataban pa rin sa noo na sa tingin niya ngayon ay mayroon nang bukol. Hindi ko naman sinasadya, sinagad niya kasi ang pasensya ko. Madalang na mapaaway si Sayah, hindi siya madalas makipagtalo o makipagsagutan. Kahit ang mga manloloko niyang kostumer sa bayan na hindi nagbabayad ng tama ay hindi na lang niya pinapansin. Ngayon lang siya napuno dahil siguro sa galit na nararamdaman niya sa kanyang puso. Hindi niya kailangan pairalin ngayon ang ugali niya dati dahil tiyak na hindi siya magiging malakas. Ang Sayah na mabait, malalahanin at hindi kayang gumawa ng masama sa kapwa. Kanina sa harap ng puntod ng kanyang pamilya ay ipinangako niyang magbabago para ipaghiganti ang mga ito sa mga halimaw na bampira. Alam niyang hindi makakatulong ang pagkakaroon ng mabuting puso sa mga pagdadaanan niyang pagsubok, tiyak na makakasagabal ito sa mga nais niyang gawin. “Ngunit huwag mong hahayaan na lamunin ng galit ang iyong puso kilanman, Sayah. Palagi mong piliin maging mabuti kahit na puro kasamaan ang iyong nasa paligid.” Naipikit ni Sayah ang kanyang mga mata dahil sa sinabi sa kanya ng kanyang ina, iyon ang madalas nitong ipaalala kahit noong maliit pa lamang siya. Palagi rin niya iyong sinasabi sa kanyang mga kapatid. Ngunit ngayon ay kailangan niyang isantabi ang sinabi ng kanyang ina. Kailangan niyang alisin ang kalambutan ng puso. Walang mabuting maidudulot iyon habang nagpapalakas siya. “Alam kong nabigla ka sa mga nangyari, alam ko rin na sobrang sakit ang nararamdaman mo ngayon.” Napalingon si Sayah kay Zico. Nakaupo sila sa harapan ng isang saradong tindahan sa bayan. Malamig ang gabi at ramdam na ramdam niya iyon kahit na ilang patong ang damit na kaniyang suot. Napalingon si Sayah kay Xen na nakatayo at nakasandal sa isang pader hindi kalayuan sa kanilang kinalalagyan. “Alam ko ang pakiramdam dahil nangyari na rin sa akin ang nangyari sa iyo,” Muling dumako ang tingin ni Sayah kay Zico, nakatingin ito sa maliwanag na buwan at may tipid na ngiti na makikita sa mga labi. Nang tumingin ito sa kanya ay nakita niyang kumislap ang mga mata nito. “Pinatay rin ang mga magulang ko noon sa aking harapan, at tulad mo ay isa lang din akong bata na walang kayang gawin para iligtas sila.” “Naaalala ko pa kung paano pinaslang ang mga magulang ko ng mga bampira na naligaw sa aming tahanan, binalaan na kami ng aking tiyo na lumipat sa kanilang bahay upang masigurado ang aming kaligtasan ngunit nagmatigas ang aking ama.” Sabi ni Zico at napabuntong hininga ito. “Hindi raw ito naniniwala sa mga ganoon klase ng nilalang at wala kaming dapat ipangamba, hindi rin naniniwala ang aking ina kaya’t nang gabing iyon ay hindi kami umalis.” “Nais sana akong kunin ng tiyo, ngunit hindi pumayag ang aking ina, may galit ito dito dahil ang nasa isip ng aking ina ay nababaliw na ang tiyo dahil sa mga ginagawa nitong paghahanap sa mga halimaw na hindi naman nabubuhay sa mundo.” Tahimik lamang na nakikinig si Sayah sa sinasabi ni Zico, pinagkikiskis niya ang kamay kapag nakakaramdam ng sobang lamig. Wala kasi siyang gloves at hindi niya kayang bumili no’n dahil may kamahalan ang presyo. “Nang dumating ang mga bampira sa aming tahanan ay sinubukan kaming iligtas ng aking ama ngunit nabigo siya dahil sa pwersa mayroon ang mga ito. Siguro ay dahil na rin sa ilang tao na ang napaslang at hindi na mabilang ang mga nabiktima.” Sabi nito. Naalala ni Sayah ang bampira na pumasok sa kanilang tahanan, ang kumitil sa kanyang pamilya. Nagngitngit ang kalooban niya nang maalala kung paano nito pinaslang ang kanyang mga magulang at kitang-kita niya iyon na naganap sa kanyang harapan. “Nakikita ko ang aking sarili sa iyo noong bata ako, gustong-gusto ko rin na ipaghiganti ang nanay at tatay ngunit anong magagawa ng isang puslit sa mga ganoong klase ng halimaw?” Bumigat ang didib ni Sayah at umahon ang galit sa kanyang puso, pinigilan niya ang sarili na maiyak ngunit nabigo siya. Masaganang tumulo ang mga luha na hindi niya napigilan. Wala, wala pa akong magagawa sa ngayon. Naramdaman ni Sayah na lumapat ang palad ni Zico sa ibabaw ng kanyang ulo kaya’t napatingin siya rito. “Tutulungan kita, pero ang gusto ko ay alisin mo ang takot sa iyong puso.” Sabi nito at itinuro ang kanyang puso. “Hindi biro ang pinagdaanan ko noon bago ako naging isang vampire hunter, katakot-takot na pagsasanay ang naranasan ko sa poder ng aking tiyo Kizo. Hindi siya naging mabait sa akin at iyon din ang gagawin ko sa iyo.” Sabi ni Zico sa seryosong tono. “Hindi ako maaawa, kung mahirapan ka ay mahirapan ka. Sa gitna ng pagsasanay walang bata o matanda, lahat ang kagustuhan ay matuto at maging malakas upang pumaslang ng mga halimaw na bampira.” Pinunasan ni Sayah ang luha sa magkabilang pisngi at seryoso na tumingin kay Zico. “Gagawin ko. Hindi ako magiging mahina, walang lugar ang kahinaan sa mundong ito.” Sabi ni Sayah habang ang mga itim na itim na mga mata ay nakatingin kay Zico. Determinado siya, ngayon ay wala na siyang inaalalang pamilya na mag-aalala sakaling magkasugat siya o kahit mamatay pa. Ang buhay niya ay iaalay niya upang pumatay ng mga bampira at tumulong sa mga pamilya na bibiktimahin ng mga ito. “Hindi magiging madali ang lahat, Calixia mahaba ang proseso pero kailangan mo itong tiisin.” Sabi ni Zico at ngumiti sa kanya. Magsasalita pa lamang sana siya nang makarinig sila ng hiyaw ng isang baabe. “Zico!” sigaw ni Xen at kaagad na tumakbo sa pinanggalingan ng ingay. Tumakbo rin si Sayah upang makasabay sa mga ito at kahit na malamig ang panahon dahil sa pag-ulan ng niyebe ay hindi ininda iyon ni Sayah. Kailangan mamulat siya sa ganitong klase ng sitwasyon. Kailangan niyang isipin na anumang oras ay maaari rin siyang mawala dahil sa mga halimaw na ito. Ngunit hindi ko iyon hahayaang mangyari. Kinakailangan kong maging malakas upang mahanap ang bampirang pumaslang sa akin pamilya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon, ang tattoo na bungo sa leeg nito. Nang marating nila ang pinanggagalingan ng sigaw ay nakita nila ang isang babae na hinihila ng isang lalake. “Tulungan niyo ako! Tulungan niyo ako!” sigaw ng babae. Napahinto sa pagtakbo si Xen at napalingon ito kay Zico. Nakita niya ang pagkairita sa mukha ni Xen pagkatapos ay may hinugot itong kung ano sa likod at ibinato sa lalakeng humihila sa babae. “Akala ko naman bampira.” Sabi ni Xen pagkatapos ay nilapitan ang lalake nang matamaan ito ng bagay na ibinato nito. “Ack! Sino ba kayo?! Huwag kayong makialam dito! Asawa ko ang babaeng ito!” sigaw ng lalake. Nilapitan ni Zico ang lalake at kinwelyuhan ito pagkatapos ay sinuntok. “Kung asawa mo ay bakit mo ito sinasaktan? Hindi mo dapat sinasaktan ang asawa mo.” Sabi ni Zico at pagkatapos ay muli itong binigyan ng suntok. Nilapitan naman ni Sayah ang babae at tinulungan itong tumayo. Napansin niya ang panginginig ng katawan nito dahil sa takot. “Umuwi siya ng lasing, kinaladkad niya ako palabas dahil inakusahan niya akong may ibang lalake. Hindi naman niya ito ginagawa dati, ito ang unang beses na ginawa niya ito sa akin.” Sabi ng babae habang umiiyak. Ito ang isa sa ipinagpapasalamat ni Sayah noon, hindi kailanman pinagbuhatan ng kamay ng kanyang ama ang kanyang ina. Mahal na mahal ng mga ito ang isa’t-isa. Malungkot siyang napangiti, kahit sa huling sandali ay sinubukan nitong ipagtanggol ang kanyang ina sa isang bampira. “Ngayon lang nangyari ito, hindi niya naman ito ginagawa. Masaya kami at mag-iisang taon na na nagsasama. Kahit wala pa kaming mga anak ay napaka-sweet niya at hindi siya naghanap ng iba.” Sabi ng babae. “Zico,” napalingon si Sayah kay Xen nang magsalita ito. “A-Ack!” Ang kanilang atensyon ay natungo sa lalake at nakita nilang kinakamot nito ang lalamunan at napa higa sa sementadong daanan. “M-Mahal! A-anong nangyayari sa kanya?” tanong ng babae. “Alam ko na ang dahilan ng p*******t niya sa ‘yo.” Sabi ni Zico at diretsong tumingin sa babae. Hinugot ni Zico ang pulang baril at itinutok iyon sa lalakeng nasa sementadong daan habang panay ang kamot nito sa leeg na parang nahihirapan sa paghinga. “Magiging bampira na ito makalipas ang ilang minto.” Sabi ni Zico. Napailing ang babae sa sinabi ni Zico at lalapitan sana nito ang asawa ng pigilan niya ito sa kamay. Napatingin sa kanya ang babae. Umiling siya dito at muling ibinalik ang tingin sa lalake na nag-iiba na ang anyo. Ipinikit ni Sayan ang mga mata nang tuluyan nang maging bampira ang lalake “H-Hindi,” “N-Nagsisimula pa lang kami sa buhay!” “H-Hindi, mahal!” . 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD