Chapter 7

1737 Words
Chapter 7   Kahit ata ano ang kanyang gawin ay hindi na magbabago ang mga mata nito! “Kung tungkol sa misyon, Bata hindi ka talaga kasama dito. Sinundan mo lang ako hindi ba?” tanong niya sa kanyang anak at pagkatapos ay pinagpagan ang sarili dahil sa mga lupa na kumapit sa kanyang damit dahi lsa paghuhukay. “Wala akong gagawin sa bahay kaya sumunod na ako, ayaw mo ba na may katulong ka?” tanong ni Xen na ikinaismid niya. “Matanda ka na, kailangan mo ng makakasama.” Sabi pa nito. At tingin ba ni Xen ay kakailanganin niya ng tulong nito? Hindi pa siya ganoon katanda! Nasa trenta mahigit pa lamang siya! Nang magsimula silang maglakad ni Xen paalis sa lugar na iyon ay napahinto siya dahil sa kung anong kumapit sa kanyang damit. Nang lumingon siya ay nakita niya ang batang babae na nakatingin sa kanya. “Isama niyo ho ako,” sabi nito habang nakatingin ng diretso sa kanya. Napabuntong hininga si Zico at nailapat ang kanang kamay sa mukha. Hindi rin niya maaaring iwan ang bata dahil baka bumalik ang mga bampira sa bahay at makita ito, tiyak na may ililibing na naman sila kung sakali. “Sige, pero kailangan mong ipangako na huwag kang magiging sagabal.” Sabi ni Zico at inilahad ang kamay sa batang babae. Hindi iyon kinuha ng batang babae kaya’t siya na ang kumuha sa kamay nito. “Magiging mahirap para sa iyo ang mga susunod na araw, bata pero kailangan mong lakasan ang loob mo,” sabi niya sa batang babae at sinilip ito. Nakita niya ang kaagad na pangingilid ng luha nito at maya-maya pa ay nagpupunas na ito ng mga luha gamit ang malayang kamay. “Kailan ka pa naging taga payo, Zico?” tanong ni Xen habang nauuna itong maglakad sa kanila. Sa susunod at kailangan niyang pangaralan din ang anak, na dapat hindi maging masama sa kapwa. Ngunit tiyak na makakaranasa lamang siya ng masasamang tingin mula rito. Naglakad silang tatlo pababa ng ng bayan, madilim pa ang paligid at sa tuwing makakarinig ng kaluskos ay iniuumang ni Zico ang kanyang mga baril. Maya’t-maya rin ay tinitingnan niya ang batang babae na hindi na nagsalita pa simula nang lisanin nila ang bahay ng mga ito. Mukhang nakaramdam ito ng sobrang sakit at kalungkot na naging dahilan ng hindi nito pagsasalita. O baka dahil sa takot itong masabihan ng hindi maganda ni Xen? “Xen,” tawag niya sa anak. Ngayon ay nauuna nang maglakad ang batang babae sa kanila. “Oh?” Hind talaga uso sa anak niya ang maayos na pagsagot. “Huwag ka masyadong maging malupit sa batang iyan, nakita mo naman ang pinagdaanan niya. Lalaki siya ng walang mga magulang,” sabi ni Zico sa seryosong tono. “Nakita niya kung paano pinaslang ng mga bampira ang kanyang pamilya alam mo ang pinagdaanan ng ilang mga bata sa lugar natin, Xen. Huwag kang maging masama sa ganyang bagay.” Hindi kumibo ang anak niya at binilisan lang nito ang paglalakad. Napabuntong hininga siya dahil sa inasal nito. Maayos naman magpalaki ang tiyo Kizo niya hindi niya alam kung bakit si Xen ay lumaki na akala mo ipinaglihi sa sama ng loob. Iyon ba ay dahil sa lihim niya na sinabi dito dalawang taon na ang nakalilipas? Siguro ay dahil nga doon. Simula noon ay mas naging masama ang pakikitungo sa kanya ni Xen. “Nasaan ang ina ko? Ang sabi ni Lolo Kizo ay patay na. Hindi ako naniniwala! Wala na nga ikaw, wala pa nanay!” sigaw ng batang si Xen. Kauuwi lamang niya galing sa paglalakbay at ito ang inabutan niya. Sinabi ng kanyang tiyo Kizo na inaway si Xen ng mga kalaro at tinawag na singaw dahil wala itong mga magulang. Nalungkot si Zico para sa anak, hindi niya alam na ganoon na pala ang pinagdadaanan nito sa lugar nila. “Sinabi kong busy ka sa pagliligtas ng mga tao, alam mo ba ano ang isinagot sa akin ng anak mo, Zico?” tanong ng tiyo Kizo niya. “Bakit ako kailangan ko rin naman na iligtas niya! Kailangan ko rin naman ng isang ama!” Nakagat ni Zico ang ibabang labi dahil sa sinabi ng kanyang tiyo Kizo. Nagdamdam ng sobra ang kanyang anak at kailangan niyang bumawi sa limang taon na nawala siya. Halos kapapanganak pa lang ni Xen ay iniwan na niya ito sa pangangalaga ng kanyang tiyo Kizo dahil kinailangan nilang pumunta sa isang mapanganib na misyon. “Kailan mo sasabihin ang totoo sa kanya, Zico? Lumalaki si Xen matalino ang anak mo, tinginan mo at tinatanong na niya kung nasaan ang kanyang ina. Ang sabi ko ay patay na ngunit hindi siya naniniwala.” “Hindi ba at patay na si Velixen? huwag mo nang pahirapan ang iyon anak Zico. Mas masasaktan lamang siya pagpinatagal mo pa.” Naipikit ni Zico ang mga mata nang mabanggit na kanyang tiyo ang pangalan ng babaeng lubusan niyang minahal. Ang babaeng nag-iisa sa puso niya hanggang ngayon kahit na ilang taon na ang nakalipas. “Hindi ko naman intensyon na masaktan siya Tiyo, maski ako ay nahihirapan pa rin hanggang ngayon na tanggapin ang nangyari kay Veli, ayoko na... ayoko na maalala pa ang gabing nawala siya sa akin.” Ang masasayang araw niya ay naglaho nang mawala sa kaniya ang kasintahan niya. “Ipaliwanag mo kay Xen, ang totoo. Nagtatanim na siya ng galit sa kanyang puso at hindi iyon maganda Zico. Huwag mong hintayin na malayo pa ang loob ng anak mo sa iyo.” Hindi rin nasabi ni Zico ang sikreto niya nang mangyari ang pag-uusap na iyon. Lumipas pa ang dalawang taon at sinabi niya ang totoo kay Xen. Hindi niya inaasahan nang kumuha ito ng kutsilyo noon at itutok sa sarili. “Xen, tungkol sa iyong ina...” Sabi ni Zico habang nakaupo sila sa harap ng lamesa. Katatapos pa lamang nilang maghapunan at nagpasya siyang ipaliwanag kay Xen ang nangyari. “Nasaan siya?! Nasaan?!” Nakikita ni Zico ang sigla sa mata ngk anyang anak, tuwang-tuwa ito at hindi napigilan ang sarili at tumayo pa pagkatapos ay nagpaikot-ikot. Napayuko si Zico nang hindi na maapuhap ang susunod na sasabihin. Ang saya sa mga mata ng anak niya ay ayaw niyang mawala. “Kailan natin siya pupuntahan, Dad?” masayang tanong ng kanyang anak. Napaawang ang mga labi ni Zico dahil sa tinawag ng kanyang anak sa kanya. Simula nang umuwi siya galing sa misyon ay hindi siya nito pinapansin. Hindi rin siya nito madalas kausap, kakausapin lamang siya nito kapag may kailangan na bagay sa kanya. Ni minsan rin ay hindi niya ito narinig na tinawag siyang, ‘itay’ o ‘Dad’ o ‘Papa’ ito ang unang beses na tinawag siya nito. Umiling si Zico sa anak at nag-angat ng tingin. Ang ngiti ay nawala. Kapag nagsimula nang tumungtong sa sampu si Xen ay makakaramdam na ito ng gutom. Pagka-uhaw sa dugo at iyon ang kailangan niyang gawan ng paraan. “Hindi natin siya maaaring puntahan, anak.” Sabi ni Zico. Laglag ang mga balikat na naupong muli ang anak niya pagkatapos ay hindi makapaniwala ang mga mata na nakatingin sa kanya. “B-bakit hindi? May pamilya bang iba? M-may trabaho sa malayo?” Nagtagis ang bagang ni Zico, kung hindi niya pa sasabihin ngayon ay tiyak na aabutin nanaman siya ng ilang taon dahil sa susunod na misyon na kabilang siya. Hindi niya sigurado kung kailan na siya ulit makakabalik. Kailangan na niyang sabihin ngayon dito ang totoo.   “Hindi natin siya puwedeng puntahan dahil wala na siya,” Naguguluhan na napatingin si Xen sa kanya. “W-Wala na?” Matalim na tumingin sa kaniya si Xen at nang tangkain niyang habulin si Xen ay nawala na lamang itong bigla. “Nasaang lugar na tayo?” “Zico, nasaan lugar na tayo?” Napatingin si Zico sa kanyang anak nang magtanong nito. Masyadong malayo ang narating ng pag-alala niya sa nakaraan at hindi na namalayan na nakababa na sila sa bayan. May apat na daanan ang naghahati at muling tiningnan ni Zico ang compass na taban. “Dito.” Napatingin si Xen at si Zico sa batang babae nang magsalita ito. Tahimik itong naglakad pakaliwa kaya’t sumunod na lamang silang dalawa ng anak niya. “Baka mamaya ay nabaliw na iyan,” bulong ni Xen sa kanya. Sinamaan naman niya ng tingin ang anak sa sinabi nito. Hindi na talaga magbabago si Xen. Sino kaya ang makakapagpatino sa anak niya na ito? Nang makita na nila ang mga ilaw sa bayan ay binilisan nila ang lakad. Nang makarinig ng hiyaw ng isang lalake ay kaagad na tumakbo si Zico at Xen sa kinaroroonan ng ingay. Nang marating nila ang lugar ay nakita nila ang isang lalake na nakahiga habang may nakakubabaw dito. “T-tulong! A-ah!” “H-halimaw!” Napaismid si Zico at kaagad na hinugot ang pulang baril at pinatamaan sa ulo ang bampirang nakakubabaw sa lalake. “Bullseye.” Sapul ang bampira sa noo nito. “Yabang,” sabi ni Xen at nanakbo sa nakahigang lalake. Nang makita nito na may kagat sa leeg ang lalake ay kaagad na pinilipit ni Xen ang ulo nito. “Anumang oras ay magiging bampira na rin ang lalakeng ito. Kailangan nang pigilan.” Sabi ni Zen at tumayo. Naging abo ang dalawang katawan ng lalake at naiwan na lamang ang mga damit  ng mga ito. Napatingin si Zico sa batang babae at hanggang ngayon ay wala pa rin itong emosyon. “Baka baliw na talaga,” sabi ni Xen. Tinuktukan ni Zico ng baril ang kanyang anak dahil sa sinabi nito. “Tumahimik ka, kanina ka pa.” Umikot lamang ang mga mata ni Xen sa sinabi niya at nasimula na itong maglakad upang suyudin ang buong bayan. Bawat sulok at mga lugar na dinadaanan ay tintingnan nila kung may bakas ng dugo ang naiwan. “Mukhang nalaman na nila na patungo tayo sa bayan na ito kaya’t mga mahihinang bampira na lamang ang itinira.” Sabi ni Zico. “Kailangan na nating bumalik sa vantress pagkatapos ng araw na ito,” Napatingin si Zico sa bata at nilapitan ito. “Bata, ano ang pangalan mo?” tanong niya. Tumingin sa kanya ang bata. Ang mga mata nito ay parang walang buhay. “Ca...lixia.”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD