One week...
Napasimangot ako habang nakatingin sa cellphone ko. Kainis! One week nang wala si Baby Pat. Bakit pa kasi siya nasali sa mga representatives na pupuntang Baguio e. Pwede naman na dito nalang siya. Miss ko na tuloy siya.
Parang nawalan ako ng ganang pumasok sa school, araw-araw. Siya lang kasi ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong pumasok tuwing school days e.
"Cokefloat oh." Napaangat ako ng tingin kay Shovy. Inilahad niya sa akin ang hawak niyang cokefloat. Bumagsak din naman ang aking tingin sa cellphone.
"Di ka niya girlfriend, huwag kang umarte dyan"
Tinignan ko ng masama si Shovy. Kumakain siya ng fries at nagkibit-balikat lang. Kainis siya! Napasupportive niya sa akin! Dapat pa ba 'yun ipaalala ha?
"Tumahimik ka dyan, kung ayaw mong masapak kita ng times two with matching 100 percent." Inis kong wika sa kanya.
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria. Bad trip, wala si Baby Pat. Ni hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko at text ko. Ano yun? Nag-enjoy siya sa Baguio habang wala ako? Iiwan niya ako dito sa Manila na nagluluksa? Hindi niya ba naisip na may naghihintay sa kanya dito sa manila ha?
"Tumigil ka nga sa kakanguso dyan, agatha. Magmumukha ka nang duck." Imbes na magalit sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng lungkot. Shet kasi ng malagkit! Naalala ko sa kanya si baby pat! Ganon siya sa akin e. Nilalalit ako. Nakakamiss tuloy ang mga panlalait niya sa akin.
"Shut up, shovy!"
Umismid siya at napahalumbaba nalang. "I have an idea" nakangiti siya sa akin na para ba'y napakaganda ng plano niya. If I know, nonsense lang 'yan.
"Ano naman?" Tanong ko. Sige na nga, bigyan 'yan ng chance. Tutal wala naman akong magawa sa buhay ko.
Ngumiti siya ng napakalawak. "Magboy haunting tayo dito sa school!" Aniya. "Aray!" Napahawak siya sa ulo niya pagkatapos ko siyang batukan.
INEEXPECT NIYA BANG SASANG-AYON AKO SA PLANO NIYA?!
"Ikaw lang mag-isa! Loyal ako kay baby pat!"
Umirap siya. Naku! Pag hindi ako makapagpigil kukunin ko talaga 'yang mata niya! Nasobrahan na sa kakairap.
"Bakal yun, bes! Bakla yun!"
Binato ko siya ng french fries. "Taena bes! Ipapaalala pa talaga ha?! Ipagmumukha mo sa akin! Alam ko yun bes! Alam ko!"
Pareho kaming napabuntong hininga. Siguro narealize din namin na talagang walang patutunguhan ang pag-aaway namin. Ngayon ko lang na realize na umiikot kay patrick ang buhay ko.
Alam mo yun? Pagwala siya, parang patay ako. Pero pagnandyan siya, nabubuhay naman ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging malungkot sa sarili ko kasi alam kong masasaktan ako, o maging masaya dahil alam kong siya lang ang nagpapatibok sa akin ng ganito? Cheesy noh? Alam ko 'yun. At hindi ako nagsisisi na minahal ko siya.
Napatingin ako sa relo. "Tara na, shovy. Five minutes nalang magsisimula na ang class. Mapagalitan pa tayo ni, Ma'am Esguerra." Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Napatingin sa akin si Shovy at napasimangot.
"Boy haunting nalang kasi tayo..." Pagpupumilit niya.
"Ayoko. Bahala ka, mag-isa. Isama mo nalang sila Charlie at Erik. Para makahanap na rin sila ng lalaki at itigil na nila ang pambwibwiset sa'min ni baby pat."
"Ibubully lang nila ako..."bulong niya
Umirap ako. "Edi huwag ka na mag boy haunting"
Di na siya umimik. Tahimik lang kami pumunta sa Classroom. As usual, pagdating namin doon, makalat. Malamang, normal lang naman 'to e. Ano pa ba ang bago di ba? Expected na magulo talaga ang classroom ng mga estudyante. Kaya nga paminsan nagtataka pa ako, kung bakit nagagalit ang mga teachers pagnakita nila na magulo ang classroom. Parang di nila nasubukan maging estudyante noon e.
Umupo ako. Kinuha ko ang libro ko sa science pero hindi ito binuksan. Duh, as if naman magbabasa ako para advance study. Hindi naman ako, grade conscious at mas lalong hindi ako nerd. Sapat na sa akin ang makapasa. At least nakapasa.
Napabuntong hininga ako habang tinututukan muli ang cellphone ko. Kailan ka ba magrereply sa akin, Baby pat? Miss na kita.
Kusang gumalaw ang aking daliri at nagtext sa kanya.
Baby pat. Busy ka? Pag di ka na, busy itext mo ako ha? Nag-aalala na ako sa'yo eh. I love you! Mahal na mahal kita. Tandaan mo 'yan. Naghihintay pa ako sa'yo dito.
Ps: bawal magboy haunting!
Nakangiti ko sinend iyun sa kanya. Aakmang itatago ko na sana ang aking phone nang nagvibrate ito.
Omg! Omg! Omg! Baka nagreply! Mabilis ang t***k ng puso ko at nanlalamig ang aking kamay. Myghad!
Inopen ko ang message.
THEFUASSFF-- gusto kong itapon ang cellphone ko dahil sa natanggap ko! Takte! Smart lang pala ang nagtext. Taena! Gusto ko nang umiyak! Nakakainis!
"Good Afternoon, Class" mabilis kong tinago ang cellphone. Tumayo ako, as a sign of respect. Charot.
"Good Afternoon, Ma'am Esguerra." Bati namin. Tumango siya sa amin.
"Take your seat and open your book at page 217"
Mabilis kaming tumalima sa kanya. Binuksan ko ang aking aklat.
Universe
So, universe na pala ang topic namin? Wala akong pakealam. Simula grade 7 pa namin 'yan inulit-ulit eh. At isa lang naman ang alam ko. Si Patrick lang ang universe ko. Charot lang.
"So, universe. What comes up on your mind once you heard the word universe?" Tanong ni Ma'am.
"Comets, meteors at planets!" Sigaw ng kaklase ko.
"Isang magandang lugar na walang hangin!"
Kanya-kanya silang sumasagot. Nakangiti pa sila. Napailing naman ako. Universe? Si patrick. Siya ang universe ko.
"Oh. Well. Have you heard about the big-bang theory?"
"Ay! Oo ma'am. Di ba, kpop yan?" Wika ng kaklase ko. Napailing ako. Bes, tama na ang shabu ha?
"Boo!" Pangangasar ni Jared tsaka sila nagtawanan.
Napailing si Ma'am. "The Big Bang Theory is the leading explanation about how the universe began. At its simplest, it talks about the universe as we know it starting with a small singularity, then inflating over the next 13.8 billion years to the cosmos that we know today."
Agad akong nagtake down notes. Wala lang. Gusto ko lang maging mabuting estudyante, since wala si baby pat. Wala akong mapagbalingan ng attensyon. At isa pa, para na rin kahit once in a life time ay maranansan kong maging mabuting estudyante man lang. Para ma'y maikwento rin ako sa magiging anak namin ni baby pat. Charot.
Uso mangarap.
Nasa gitna na kami ng discussion ng biglang lumapit si Shovy sa akin.
"Boys haunting tayo..." Bulong niya sa akin.
Napahilamos ako sa aking mukha. Hanggang ngayon ba naman, ay iniisip niya parin 'yun. Mag-aalala na ba ako sa kaibigan ko?
Tumikhim ako ng mahina. "Shovy, di pa rin 'yan mawala sa utak mo?" Tanong ko sa kanya. Nakakapagod pala maging kaibigan si Shovy. Hindi nakakaintindi ng ayoko.
Napanguso siya. "Sige na kasi. Samahan mo lang ako, after class. Since wala naman si Patricia. Eto na muna ang pagkaabalalahan mo." Suggestion niya
"Pagwala si baby pat, ang studies ko ang pagkakaabalahan ko, hindi ang mga cheap na lalaki, dyan sa tabi." Sagot ko sa kanya. Charot lang. Matutubuan na ako ng pakpak neto dahil sa pagiging mabuti. Haha.
"Sige na, samahan mo lang ako." Pagpupumilit niya.
Napabuntong hininga ako. Ano pa ba ang magagawa ko? Kaibigan ko 'to e.
"Fine. Pag si baby pat nagtampo o nagselos! Mananagot ka sa akin!" Wika ko. Umismid siya at ngumisi.
"Oh, don't worry di yun mangyayari" aniya.
Inirapan ko nalang siya at nagdrawing sa aking notebook. Wala ako magawa e. Nakakasawang makinig. Flinames ko ang pangalan namin ni baby pat.
Patrick Edward Lim-11
Agatha Marie Mulach-13
Napasimangot ako ng E ang lumabas. What the? No way! M dapat yun! M! Dahil sa inis ko, pinunit ko ang papel. Simula ngayon, di na ako maglalakaro ng flames! Di yun totoo! Right! Hindi ito totoo!
Dahil walang laro ang makakahula ng kapalaran namin ni baby pat.
"Did you heard about Multiverse?"
Napukaw ng aking attensyon ang sinabi ni Ma'am Esguerra. Multiverse? Di ko pa narinig 'yan ah. May ganon ba?
"The multiverse (or meta-universe) is the hypothetical set of possible universes including the universe in which we live. Together, these universes comprise everything that exists: the entirety of space, time, matter, energy and the physical laws and constant that describe them." Ngumiti siya. "And did you know that nakatira rin tayo sa ibang universe?"
Napakunot ako sa aking noo. Ridiculous. I'm living only in this universe.
"Di nga ma'am."
"Yes. Siguro sa universe na ito ay isa kayong estudyante. Pero sa ibang universe, maari isa kang doctor, teacher, basurera, lawyer at iba pa. And thay explain the Multiverse."
Napangiti ako. So kung may multiverse, ibig sabihin sa ibanh universe ay baka tunay na lalaki si Baby pat? Omg! Pero baka may girlfriend siya doon, so no way nalang! Mas gugustihin ko nalang dito noh.
Narinig namin ang pagbell, hudyat na tapos na ang klase. Agad kaming tumayo upang mag-paalam.
"Last subject nalang! Lets go boy haunting na!" Excited na wika ni Shovy. Di ko siya pinansin.
Whats with the boy haunting by the way?
Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking phone. Malamya ko itong kinuha. Baka, smart na naman ang nagtext. Pero may part sa akin na sana, si baby pat ang nagtext. Kasi Miss na miss ko na talaga ang baklang yun.
Nanlaki ang mata ko sa nakita. Myghaad! Thank you lord!
Huwag kang o.a gurl. We're busy okay? Huwag ka mag-intay. Ew.
Napatalon ako sa sobrang tuwa. OhEmGee! Nagtext siya, nagtext siya! Nagtext siya!
"Ayos ka lang?" Tanong ni Shovy pero di ko pinansin.
Mabilis akong nagtype.
Okay fine. Bawal boy haunting!
Feeling ko, iirap yun pagnabasa niya etong text ko. Haha.
Agad nagvibrate ang phone ko. Wow. Di siya busy? Bilis makareply e.
How dare you? So many piolo pascual here.
Napasimangot ako sa reply niya. Okay lang 'yan, agatha. Bakla ang mahal mo e.
Bawal nga sabi, kundi susunod ako dyan sa'yo!
Reply ko. Mga ilang minuto ako nag hintay ulit. Maybe he is really busy.
Ibabalik ko na sana ang phone ng nag vibrate ito at nagtext si Baby pat.
Okay fine. Baka mambulabog ka pa dito. Stay there. Tss
Napangiti nalang ako sa nabasa ko. Good boy, Baby Pat. Good boy.
------