Chapter 11

1729 Words
Ayiee! Kinikilig ako! Feeling ko ang haba-haba ng hair ko! Di ko mapigilan hindu kiligin! Baby pat naman e! Alam kong bakla ka, at walang malisya sa'yo itong pinagrereply mo sa akin, pero please lang! Respeto naman sa puso ko. Aatakihin na siguro ako sa sobrang tuwa e. "Kruu, anong klaseng pangloloko ang sinabi sayo ni Patricia, kaya hanggan langit ang ngiti mo aber?" Tanong sa akin ni Shovy. Umisimid lang ako sa kanya at umupo sa upuan ko. Hinihintay na magsimula ang Math Class Good boy! Haha. Ano kebe, kenekeleg ako! Hala ka, baka tuluyan na akong malunod at di na makaahon. Reply ko. Agad akong nagmadali tinignan ang phone ng nagvibrate ulit ito. Naks, improving na talaga si beks. Ang bilis magreply. Edi gaga ka! Mamamatay ka. Imbyerna din 'to mag-isip. Nakakaloka. Ngumiti ako. Shet na malagkit! This is real! Sana di na matapo ang mga kasayahan na nadarama ko this past few weeks. Sana wala nalang wakas sa lahat ng kwento. Matagal na po akong patay. Patay na patay sa'yo. Ayiee Mabilis kong tinago ang aking phone. Pumasok ang last Subject Teacher namin para sa araw na ito. Buong klase akong nakahalumbaba. Wala akong naiintindihan sa mga tinuturo niya. Hindi na rin naman kasi nagvibrate ang phone ko, kaya mas bumoring ng husto. Nang matapos ang klase ay sabay kami ni Shovy naglakad palabas ng University. As usual, puro tsismis ang aming pinag-usapan. Well, naging hobby namin yun e. Ang pag-usapan ang lahat ng ginagawa ng mga tao sa paligid. "Oo, nakita ko nga si Elise na nakausap si Aaron kanina, sa tingin mo magkakabalikan ba sila?" tanong sa akin ni Shovy. Nagkibit-balikat ako. "Aba malay ko. Girlfriend na ni Aaron ang bestfriend ni Elise eh. Saklap noh?" wika ko. "masyado kasing naging bulag si Elise sa pag-ibig" " 'Di na ako magtataka kung magbabago ang ugali non." Palabas na kami ng gate nang bigla akong natalisod. Ihahanda ko na sana ang sarili ko sa pagbagsak ng biglang may humawak sa bewang ko. Shit.shit.shit. "Ow, what a fairytale." pang-aasar ni Shovy sa akin. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko si Arnold. Pawis na pawis siya at mukhang kakagaling lamang siya sa practice niya sa Soccer. Agad akong humiwalay. "S-salamat. Pero hindi mo na dapat..." Umiling siya sa akin at ngumiti. "Ayos lang. Mag-ingat ka naman, Agatha." puno ng pag-aalala ang kanyang boses. Napalunok ako. Hoy, Agatha! May Baby Pat kana. Kung maka asta ka ngayon parang may nakaraan kayo ni Arnold! Ex manliligaw mo lang 'yan uy! Binasted mo! Ngumiti ako. "Salamat. Alis na kami." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Humawak ako sa braso ni Shovy para may suporta ako. Kumikirot kasi ang paa ko. -- "ikaw ha, masyado kang affected" wika ni Shovy habang kumakain siya ng cheese cake. Nandito kami sa isang coffee shop malapit sa school. Masakit pa rin ang paa ko. At mukhang mahihirapan ako sa paglalakad. "ha?" Umismid siya. "Si Arnold, bes. Si Arnold yung manliligaw mo noon na binasted mo para lang sa Baklang Patricia na nasa Baguio ngayon, na walang pakealam sayo!" Bumilis ang hininga ni Shovy atsaka uminom ng softdrinks. Napasimangot ako. Grabe naman siya. Past is past na nga di ba? Bakit pa binabalikan? "ewan ko sa'yo" "ewan ko rin sayo! Anong nanyari beh? Akala ko noon nagkakamabutihan na kayo ni Arnold. Boto pa naman ako sa kanya para sa'yo." "so, di ka boto kay baby pat para sa akin ganon?" tanong ko habang nakataas ang kilay. Bumuntong hininga siya. "beh, boto rin naman pero s*******n lang din. Alam ko naman kasing wala kang pag-asa kay Baby Pat mo." Umirap ako. May pag-asa pa rin kaya ako! Meron! O, sige Agatha paniwalaan mo ang sarili mo. Hanapin mo ang pag-asang tinutukoy mo. Napabuntong hininga ako. "Mahal ko si Baby pat, kahit bakla siya. Mahal na mahal. Pero..." "pero?" tanong ni Shovy nahinihintay ang isusunod ko. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Kumunot ang noo niya at para ba'y nagtataka. Ngunit tinikom niya lang ang kanyang labi at di na nagsalita. Pinag-usapan namin ang reporting namin sa Araling Panlipunan. Nag brain storm kami tungkol sa aming mga paksa na tatalakayin. Alas sais na ng napagpasyahan namin ni Shovy na umuwi. Natigilan ako sa pagpasok sa gate ng nakita ko kung sino ang nakatayo sa labas. Pabalik-balik siya sa paglalakad habang pinaglalaruan ang kanyang ibabang labi. Anong ginagawa niya dito? Napalingon siya sa kinaroroonan ko. Nanlaki ang kanyang mata at huminto sa paglalakad. Kitang-kita ko ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng adams apple niya. "A-agatha..." "Anong ginagawa mo dito, Arnold?" deretso kong tanong sa kanya. Hindi siya umimik, sa halip ay tinitigan niya lang ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Anong oras na? Bakit ngayon ngayon ka lang umuwi? Delikado na..." aniya. Halata sa boses niya ang pag-aalala. Ngumiti ako sa kanya. "Wala na tayo sa kapanahonan ni Rizal, Arnold. Wala ng gwardiya sibil na naglalakbay pagsapit ng alas sais." pagbibiro ko, ngunit hindi siya ngumiti o tumawa man lang. Sa halip ay sumeryoso ang kanyang mukha. "Maraming masasamang tao na ngayon, Agatha. Kung sana ay pareho sa akin ang mga lalaki ngayon, ayos lang! Kasi alam kong wala akong gagawin masama sa iyo." seryoso niyang ani. "edi, silang lahat may gusto na sa akin ganon?" Napakagat ako sa aking labi. s**t, Agatha! Wrong choice of words. Napapikit siya at tumikhim. "Pumasok ka na. Gabi na." Nangunot ang noo ko. "ha? Mamaya na. Ano nga pala ang ipinunta mo dito?" "w-wala. Aalis na rin ako ngayon, pumasok ka muna" "ha? Di ka man lang papasok dito sa bahay?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at umiling. " 'Di na. Maaga ang flight ko e." "flight? Patungo saan?" tanong ko. Aalis siya? Saan naman siya pupunta? Muli siyang tumikhim at parang naiilang at nagdadalawang isip sa pagsagot sa akin. "S-Sa baguio." Mas lalong kumunot ang noo ko. "anong gagawin mo doon? Huwag mong sabihin kasali ka rin sa representative ng--" napatigil ako sa pagsasalita ng may naalala ako. Pupunta siya sa Baguio. Sa Baguio. Kung saan nandoon sI Baby Pat. Si baby pat! Ibig sabihin! Omygashh! Ibig sabihin... "ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Arnold. "Pwedeng sumama?" tanong ko na ikinabigla niya. Pumula ang kanyang pisngi at napatingin sa ibaba. Naglakbay naman ang kanyang kamay sa batok. "a-ano...uhm..k-kasi--" "please! Gusto ko lang makita si Baby pat! Pretty Please!" pagmamakaawa ko. Ilang araw ko na siya di pa nakikita. Sobrang miss ko na siya. Di ko nga alam kung kaya ko pa bang salobungin ang sinag ng araw na wala siya. Charot lang. Dami kong arte. Pero seriously, miss na miss ko na ang baklang yun. Sumeryoso ang tingin ni Arnold sa akin. "hindi pwede, Agatha." "ha? Bakit hindi pwede? Last time, I check open to everyone naman ang pupuntahan niyo. Please, Arnold. Please..." wika ko. "Agatha...please no." aniya. "bakit hindi nga kasi pwede?!" hindi ko maiwasang hindi mainis. Madali lang naman ang hinihiling ko di ba? Gusto ko lang sumama, patungo sa baguio. Gusto ko lang naman makasama si Patrick. Kita ko ang galit at sakit sa kanyang mga mata. Namumula na rin ang kanyang mukha. Napakunot ako. Wait... Is he about to cry? "Kasi nasasaktan ako! Nasasaktan ako kasi bakit siya ang pinili mo! At mas lalo akong masasaktan kung makikita kitang kasama siya!" Napasinghap ako sa narinig ko. I know that Arnold has a feelings towards me. Pero... Hindi ako sanay sa pagiging straightforward niya. Nasanay kasi ako e. Isang pagmamakaawa at pagpapacute sa kanya ay ibibigay niya na ang gusto ko. Hindi ko kayang tanggapin na may gusto siya sa akin. At mas lalong di ko kayang tanggapin na di ko man lang masuklian ang pagmamahal niya sa akin. Umiling ako. "a-arnold... I'm sorry" napahilamos ako sa aking mukha. Good job, Agatha! Nasaktan mo na naman si Arnold. "sorry? Aga, di ko na kaya makinig sa paulit-ulit na sorry mo. Kahit konting puwang lang dyan sa puso mo, sana nandoon ako. Kahit makikisiksik lang ako, ayos na." aniya. Di ko siya kayang lingunin, dahil nasasaktan ako. I make him cry...again. "S-sorry... Arnold. Pero... OMG!" napatakip ako sa aking bibig ng biglang suntukin ni Arnold ang pader ng aming gate. Gusto kong hawakan ang kamay niya na ngayon ay napakapula at may dugong lumalabas galing sa sugat. Pero di ko magawa dahil napako ako sa aking kinakatayuan. "Bakla siya, Aga! Bakit siya pa? Kailangan ko pa bang magpabakla para lang magustuhan mo? Sabihin mo lang, gagawin ko! Kasi..." humikbi siya at pumikit ng mariin. "ganon kita kamahal...mahal na mahal... Kung pwede lang turuan ang puso na huwag kang gustuhin matagal ko na ginawa, pero.... Di mo siya matuturuan." Patuloy siya sa paghikbi. Dahan-dahan siyang umupo at ginulo ang kanyang buhok. May kung anong humaplos sa aking dibdib. Naglakad ako patungo sa kanya at umupo rin sa tabi niya upang mayakap siya. "shh... I'm sorry... Arnold. I'm sorry..." Sinandal niya ang kanyang ulo sa braso ko habang umiiyak. Hindi kami nagsalita ng ilang minuto. Yumakap lang ako sa kanya. Wishing all the hurt he felt may be vanished through my hug. Kahit alam ko naman na impossibleng manyari. Tanga ka ba Agatha? Ikaw ang dahilan kung bakit siya nasasaktan at umiiyak ngayon. Kaya siguro mas lalo siyang nasasaktan dahil sa yakap mo! Kumalas siya sa pagkayakap at tumayo. Tumingala ako sa kanya. He smiled. "sabi nila, Lahat ng tao bobo sa pag-ibig. Lahat ng tao tanga sa pag-ibig. Tama sila Agatha, dahil handa parin akong masaktan ng paulit-ulit para lang sayo. Kasi, hinding-hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Handa akong magpakatanga ulit..." "Arnold..." Muli siyang nagpalabas ng isang magandang ngiti. "Ihahatid kita sa baguio. Isasama kita. Pero sana, hayaan mo rin akong tumabi sayo pagnasa baguio tayo." Hindi ko alam kung anong irereact ko. Kung kanina sana niya ito sinabi, siguro lumundag na ako sa tuwa, pero ngayon? Nasasaktan ako para sa kanya. "you don't--" "let me, agatha." ngumiti siya sa akin. Tumayo ako upang mapantayan ang tingin niya. "I'm sorry..." Nagkibit-balikat siya. "ano pa ba ang bago?" He smiled once again. "see you. 4 am shrap. Nandito na ako sa labas ng bahay niyo." Tumango ako sa kanya. "thank you..." Ngumiti na naman siya. "You're welcome." With that, sumakay siya sa kanyang kotse at umalis. Napabuntong hininga ako. His smile looks like he is perfectly fine...but his eyes says he is not. *-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD