Chapter 20

3699 Words
Ang malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin, pagkababa ko sa kotse. Mula sa aking kinaroroonan, masisilayan mo ang mga bundok, pati na rin ang mga ibon na nagliliparan. Napangiti ako. I'm back baguio. "Wow, di man lang ako tinulungan kunin ang mga bagahe." bulong ni Baby pat habang hawak ang dalawang Traveling bag. Umirap ako sa kanya. "Ano pala 'tong dala ko? Atsaka, sino ba kasi ang nagsabi na magdala ka ng maraming damit?! Dito na tayo maninirahan?" asar kong tanong sa kanya. "Kalerki." saad niya. Umiling nalang ako. Isinabit niya ang bag sa kanyang balikat, habang ang isa naman ay nasa kaliwang kamay niya. Naglakad siya palapit sa akin. "Matulog muna tayo ha, para makabeauty rest." nakanguso niyang wika. Tumango ako. "okay" Nakakapagod rin kaya. Maaga pa akong nagising. Mabuti nalang at pinayagan kami ni papa na pumuntang baguio. 'di ko nga alam kung ano ang pinag-usapan nila ni Baby Pat e. Pero ang mahalaga ay maayos ang pakikitungo ni papa kay Patrick. Abot hanggan tenga ang aking ngiti ng kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ito. Oha, HHWW ang peg namin ngayon. Naglakad kami papasok ng resthouse nila Patrick. Akalain mo nga naman, mayaman pala ang beking 'to. "Welcome to my mansion!" sabi ni Baby pat sabay bukas ng pintuan. Napangiti ako. Ang ganda ng pagkakagawa ng bahay. Yari sa mga matitibay na kahoy. Pati na rin ang pagkakabend ng mga kulay ay nakakarelax. Nakuha ng attensyon ko ay ang balcony malapit sa sala. Makikita mo ang mga bundok pati na rin ang mga ibon na nagliliparan. Sumasayaw ang kurtina dahil sa hampas ng hangin. Lumapit ako doon, upang mas lalo pa makita ang kagandahan ng kalikasan. May duyan ring nakalagay sa balcony at isang maliit na table at dalawang upuan. Pwede kang mag miyenda doon. "Ang ganda..." di ko maiwasang icomplement ang lugar. "Yeah, parang ako di ba?" Umismid ako. Kahit alam kong 'di niya iyon makikita dahil nasa likoran ko siya. "Sa'yo 'to?" out of the blue kong tanong. I suddenly feel warm. Niyakap niya ako mula sa likuran at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat. I tilt my head to the right so that he could have the complete access. Ngumiti ako. Damn this Gay! Di ko akalain na pwede pala siya maging ganito kasweet! Madadiabetis yata ako e. "Yap. Kanila ama at inang bahaghari 'to e. Kaso, dedski na si ama, kaya ako nalang ang nag-alaga. Bakit?" "Wala lang. Ang ganda kasi." sagot ko. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at ibinaon ang mukha sa balikat ko. He's breath tickles me. Nakakabaliw. Nakakaaddict ang ganitong pangyayari. Natatakot ako na baka isa lamang itong panaginip, at sa paggising ko, mawawala na ang lahat. I don't want this to be my temporary bliss. "Hindi ka pa ba nagugutom?" biglaan niyang tanong. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya. His light brown eyes met mine. "Bakit, nagluluto ka?" tanong ko. Kumunot ang kanyang noo. "What? Ayoko nga. Hindi kami friends ng kusina! Ikaw ang magluto!" litanya niya. "Ano ba naman 'yan! Sige na nga!" kunwari akong nagtampo, kahit sa loob-looban ko ay gusto kong maglukso sa kasiyahan! He wants me to cook for him! Darn! Kahit hindi mo sabihin, pagsisilbihan kita! Naglakad kami pareho papasok sa living room. Nauna akong pumunta sa kusina, habang siya naman ay sinarado ang balcony. "I'll wash the dishes, and you cook." aniya. "Yeah right." Binuksan ko ang refrigerator upang makita kung may laman ba ito. Luckily, may mga karne, baboy, itlog at iba pa. Mukhang nakapaggrocery si beks. "Sa kwarto muna ako, Aga.I want to eat sinigang please." aniya bago ako iwan sa kusina. Napangiti nalang ako. You want my sinigang, darling? I'll be happy to cook for you everyday, basta ang luto ko ang hanap mo. Kinuha ko kaagad ang mga rikados at ang karneng baboy. Maybe, this start something brand new. I should not think about tomorrow or what if's. I should start thinking about today not about the future. Because clearly, what we have right now won't last long. I busied myself, cooking and mixing. Dapat akong magpasalamat kay Yaya Nelsa at mama sa pagtuturo sa akin kung paano magluto! Dahil dito, hinahanap-hanap ni baby pat ang luto ko! "hmm, huwag mong lagyan 'yan nang gayuma ha." wika ni Baby Pat sabay yakap sa akin mula sa likuran. Muntik ko nang mabitawan ang sandok na hawak ko! s**t! Ang puso ko naman naghuhumarentado! Napalunok ako. Mariin akong napapikit. Hoy bakla! Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Balak mo na yatang paalisin ang puso ko sa sobrang bilis ng takbo neto eh. "kapal mo! Kung lason kaya ang ilagay ko?" paghahamon ko. Ngumiwi siya. "Hindi mo 'yan magagawa! Masyado mo kaya akong mahal!" Umirap ako. Kahit totoo naman ang sinabi niya. "Umaapaw ng self confidence ang katawan mo." "Nako girl, kilala na kita! Atsaka, ayos lang na hindi mo lagyan nang gayuma ang sinigang, noh." Kumalas ako ng kaonti sa kanya upang makita ang mukha niya. Kumunot ang noo ko. "ha?" He smiled. "Nabihag mo na ako sa patibong mo eh. Congrats, you made me fall" aniya sabay halik sa noo ko. O.a ba pakinggan kung sabihin kong parang huminto ang lahat nong sinabi niya iyon? Simula ng umamin siya, di ko parin kaya iyon paniwalaan. Parang... Imposible naman kasi talaga. Pero heto siya ngayon, paulit-ulit pinapakita at sinasabi na nahulog na talaga siya sa akin. Aaminin ko. Nakakatakot. What if... What if ginagawa niya lang ito dahil naaawa siya sa akin? I smiled. 'di pwede ang nega. "I love you, patpat." wika ko. He blushed, bago ngumiti. Shy si bakla. Pinitik niya ang noo ko, pero mahina lang naman. "Magluto ka na nga! Dami mong alam!" reklamo niya. Ngumiwi ako. Ako pa talaga? Galing rin e. "Sino ba kasi ang yakap ng yakap dyan? Iniistorbo mo ako e!" Muli siyang ngumiti at yumakap muli sa akin. "Ei, sige na nga, magluto ka nalang dyan. Yayakapin pa rin kitaaa" Napailing nalang ako at hinayaan siyang yakapin ako. --------- True to his words, pagkatapos naming kumain, siya ang naghugas ng pinggan. Nakahalumbaba ako habang pinagmamasdan siyang naghuhugas. He looks so cute wearing a pink apron. Akalain mo nga naman, may alam rin pala siyang gawaing bahay. Pagkatapos niyang maghugas ng pinggan ay sabay kaming umakyat sa kwarto. We are only using one room, since the other one are still under construction. Pinarenovate niya kasi. Rich kid eh. Humikab ako pagkapasok sa silid. Mabuti nalang nakasuot ako ng hoodie. Padisyembre na kasi. Lalong lumalamig. Humiga ako sa kama at pinatong ang comforter hanggan sa aking balikat. The cold temperature makes me fall asleep. "Sleepy?" tanong ni baby pat sabay upo sa gilid ng kama. "hmm...not really. Bakit?" He smiled. "Do you want to me to tell you a story?" Agad lumaki ang mata. Really? Gagawin niya? I smiled pero wala akong sinabi. Mukhang nabasa niya ang aking mukha, kaya mabilis siyang tumayo at lumapit sa isang closed bookshelves. Pinagmasdan ko lang siyang kumukuha ng kung anong libro doon. Hindi ako mapakali sa aking hinihigaan. Nadidistract ako sa kanyang veins sa braso. Alam niya ba kung gaano siya kahot sa ginagawa niya? He really doesn't have any idea. Nang makabalik ay may dala na siyang libro. "The fault in our stars? Napanood ko na 'yan e." Umirap siya at hinawi ang imaginary hair niya bago umupo sa tabi ko. Nakasandal ang likod niya sa headboard. Umangat ako ng kaunti. "Shut up, gurl. Bakit, nabasa mo na ba 'to?" hamon niya. "Not yet... I'm too busy." "See? Trust me, mas maganda ang sa libro." aniya. Kumunot ang noo ko. "But, it makes me sleepy." Muli siyang umirap. "Duh, kaya nga binabasahan para makatulog ka kaagad." Ngumuso ako. "B-but I want to hear your voice..." Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. Pulang-pula ang kanyang mukha. He is now glaring at me, na para bang ang laki ng kasalanan ko. Kinagat ko ang ibabang labi upang mapigilan ang pag-angat ng gilid ng labi ko. May kung anong kumiliti sa aking tiyan. Ghad, ang cute mo tignan! Mas lalo akong mafafall sa'yo! "Stop it, aga! Kalerki. 'Di ko makaya." aniya. Umiling nalang ako. Yumakap ako sa kanyang bewang nang binuksan niya na ang libro. Hindi naman niya ito tinanggal. He's now starting to read the first page. Nakinig lang ako sa kanya. Nang nasa second chapter na siya ay humikab na ako. Unting-unti na kinain ang aking sistema ng antok. "Goodnight, Aga. Sleep well..." that was the last voice I heard, before I completely closed my eyes. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. It makes me sleep so well. Kinaumagahan, binati ako ng sakit sa ulo. Wala na sa tabi ko si Baby Pat. I am all alone in this room, fighting my battle. Fighting the pain of death. Napapikit ako ng mariin habang hawak ang aking ulo. Ghad, Am I going to die, right now? Yinakap ko ang unan at kinurot ito. Please, sana mawala na ang sakit. Dumilat ako at tinignan ang side table. May baso doon at tubig. Dahan-dahan akong gumapang patungo doon. But my vision is the hindrance. Unti-unti itong nagblublurred. Ilang beses kong pinilit pumikit, para bumalik sa normal ang paningin. But I failed. Nang mahawakan na ang baso ay agad kong kinuha ang pitsel at nilagyan ng tubig ang baso. Nakakahilo... Ang hirap. Nang makainom, ay agad ko itong binalik sa side table, kaso nahulog ito. Damn it! "Agatha!" mabilis na pumunta sa kinaroroonan ko si Baby pat. I reached for the broken glass, but He stopped me. Instead, he hugged me. "Ayos ka lang? Sumakit ba ulit ang ulo mo?" nag-aalala niyang tanong habang nakayapos sa akin. Napalunok ako. Nabuhay muli ang kaba sa aking sistema. Is this a sign, na mawawal na ako? Is death running towards me? Hunting me? Itinago ko ang aking mukha sa mabango niyang leeg. "N-no... Nahulog lang ang baso." wika ko. Hindi ako magiging si Agatha kung hindi ako marunong umarte. I've been lying to the people arounds me since I am kid. So lying about my health is not that hard. "Are you sure?" tanong niya sabay hawak sa mukha ko at hinarap ito sa kanya. His eyes are full of concern. Damn those light brown eyes! Hindi yata ako magsasawa sa kakatitig ng mga mata niya. Parang gusto kong magpakalunod sa mga mata niya. "Yeah. I'm fine." sagot ko, kahit kumikirot parin ang ulo ko. Atleast, di na gaano masakit katulad kanina. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Para bang nakahinga na siya ng maluwag at natanggal ang tinik sa kanyang lalamunan. He smiled. "Good. I'm too damn worried. " aniya sabay halik sa aking noo. Napapikit ako. I'm scared to death. I'm scared of not seeing you again. Tumango lang ako. "Lets eat breakfast. Nagluto ako ng itlog." aniya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Sabi mo, di kayo closed ng kusina." Napakamot siya sa kanyang batok. "Well, nag-aral ako. Y-you know... For future purposes." Mahina akong tumawa at napailing. For future purposes huh? "okay. Let me be the judge then." --- "Wear this, gurl. Para makita naman ang kurba ng katawan mo! Maryusep! Wala ka bang fashion sense?" iritang tanong ni baby pat sabay bigay sa akin ng isang navy blue dress. Inirapan ko siya. "Hindi kasi ako katulad mo!" Ngumiwi siya. "Yeah right." Nakasuot siya ng blue vneck at maong. Naka nike shoes din siya. Pumasok ako sa cr at nag bihis. He's right. Bagay sa akin ang dress na ito. It actually hugging my waistline. "better?" tanong ko pagkatapos lumabas. Napatingin siya sa akin mula ulo hanggan paa. I saw the hint of admiration on his eyes. Pero nang binalik niya ang tingin sa aking buhok at napanguso siya. Problema na naman nito? "Seriously, Agatha? Biniyaan ka ng isang magandang buhok, pero ano ang ginawa mo? Hindi mo inaalagaan! Dito ka nga!" aniya sabay hila sa akin para paupoin ako sa harap ng tukador. Napangiti nalang ako nang nagsimula na niyang suklayin ang buhok ko. Perks of loving a gay huh? He braid my hair. Galing din ng baklang 'to e! Pinaghandaan! "saan pala tayo? Bakit grabe ang pag-aayos? Pwede naman mag shirt nalang din ako." wika ko. Sumimangot siya. "Wala ka ngang fashion sense." Umirap ako. "Problema mo ba sa fashion sense ko?" Hindi siya umimik. Nang matapos niyang talian ang buhok ko ay sabay kaming napatingin sa salamin. We both smiled to each other. "ganda mo na ah! Pero mas maganda pa rin ako!" aniya sabay lagay ng lipgloss. Napairap ako. "Ewan ko sa'yo! Doon na ako sa kotse" pagpapaalam ko. Mabilis siyang umiling sabay baba ng lipgloss na hawak niya. "No! Sabay na tayo!" Napailing nalang ako. Pagkatapos niyang magritual sa sarili niya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. We are both holding our hands, pababa ng hagdanan. "saan nga kasi tayo?" muli kong tanong nang nakapasok na kami sa kotse. Pinaandar niya ang engine. "Burnham park..." Tinaasan ko siya ng kilay. Anong gagawin namin doon? "Bakit?" tanong ko. "Mamasyal tayo?" Inirapan niya muli ako. "Ay hindi! Maliligo tayo doon!" I rolled my eyes. Ano pa nga ba ang aasahan ko? "Very funny." Tumikhim siya. "lets create a new memory..." sabi niya bago patakbohin ang kotse. I smiled. Yeah, lets make a new memories together. ----------- "Ang pangit ko dyan!"sabi ko ng bigla niya akong kinuhanan ng litrato. "Ble! Ganda kaya! Creation ko eh!" wika niya sabay kuha ng litrato sa akin. Mabilis kong tinakpan ang mukha. Anong nakain ng baklang 'to at ang kulit-kulit! "Akin na nga 'yan!" sabi ko sabay abot ng dslr niya. Pero ang bruha! Ginamit ang katangkaran at inilayo sa akin ng husto! "hoy! Behave ka nga dyan! Sabay tayong mahuhulog dito e!" "akin na kasi!" sabi ko sabay agaw ng dslr sa kanya. "huwag na kasi, okay? Mamaya nalang." aniya. Umirap nalang ako at umupo muli. Pinagmasdan ko nalang ang mga isdang naglalanguyan sa lawa. Mabuti nalang at mabait si Baby pat. Siya ang nagbayad ng entance namin. At ngayon ay nakasakay kami sa Swan boat. Pagkatapos ng sumakay ng swan boat ay napagpasyahan naming kumain sa malapit na kainan. Mga alas tres na kasi ng hapon. We started to eat and have a little chitchats. Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan naming maglakad-lakad muna. We stopped walking. Pinagmasdan namin ang langit na ngayon ay kulay kahel na. Colors from red, yellow, orange and blue are perfectly blend. "Did you enjoyed?" tanong ni Baby Pat habang nakatingin sa malayo. "Oo naman. Ikaw ang kasama ko e." Umiling siya at ngumuso. He hide his smile. "Etchoserang palaka." "Totoo kaya! Masaya ako. Masayang-masaya!" sabi ko like I am trying to convince him to believe me. "Oo na! Halata kaya." Napatingin ako sa kapaligiran. Foreigners and locals are happily looking around. May mga babae pa akong nahuhuli na nakatingin kay baby pat. I rolled my eyes. Etong baklang 'to! Mapalalaki, babae o tomboy nabibihag sa anyong kagwapohan niya! "Nakatingin sila sa'yo..." sambit ko. Napatingin siya sa akin sabay kunot ng noo. He clearly doesn't seem to understand what I am talking about. Patay malisya. Kainis! If I know alam niya kung ano ang ibig kong sibahin. "Sino?" tanong niya. Nginuso ko ang kinaroroonan ng mga babae at kasama nilang lalaki. Agad din siyang napatingin doon. Subukan mong magsalita ng kahit anong ikakaselos ko, iiwan kita dito! "Oh! Ang gwapo ng fafa ah." out of the blue niyang tugon. Damn it! "Edi puntahan mo! Shutanginas!" singhal ko sabay talikod sa kanya. Gwapo pala ha? Edi puntahan niya! Landiin niya! I don't care! Ipagdikit ko pa silang dalawa dyan e. Oh, I will happily do the honor... f**k it! Mabilis niya akong hinawakan sa braso upang pigilan sa paglakad. Pilit ko itong tinanggal but s**t! He's too strong! "Eto naman! Pinapaselos lang kita! Selosa... Iiwan mo ako?" paghahamon niya. He smirked, like he knows what I am going to do! "Oo! Sumama ka don! Pake ko ba?" singhal ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Truelales? Teksman? Mamatay man?" Kumunot ang noo ko. Bakit? Anong gagawin niya? Pupuntahan niya? "Oo nga! Kainis to!" Binitawan niya ang braso ko at nagkibit ng kanyang balikat. "okay." Napanganga ako sa sagot niya. OKAY?! What was that mean? "okay?" Tumango siya. "Okay. Di ko sila pupuntahan. Nagwagwapohan lang ako, pero hindi kita ipagpapalit. Kaya, come here." aniya sabay hila sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Di nga? Niloloko lang ako neto eh! "Stop kidding, around. I witness how crazy you are incomes of boys!" I accused. Dumilim ang tingin niya sa akin. "But you haven't witnessed how crazy I am when you are not around. When you are away from me. So stop accusing, gurl." aniya. Damn! He have this power of making me blushed! Iniwas ko ang tingin sa kanya ng naramdaman ko ang pag-init sa aking mukha. May kung anong humaplos sa aking dibdib. Hinawakan niya ang kamay ko at hinahaplos ito. Seryoso siyang nakatingin doon. "And... Ayokong nababahala ka pa tungkol sa akin" bulong niya pero enough na upang marinig ko. Muli akong napatingin sa kanya na may halong pagtataka. Anong pinagsasabi niya? Honestly, he's weird! Hindi ako sanay na ganito siya. "What?" Tumingin siya sa akin at ngumiti. His eyes are full of love. Shutangines! Ilang taon akong naghintay na titignan niya ako ng ganyan! "You are the only person who accepted me for who I am." aniya. Damn! Bakit ako kinakabahan ngayon. Pero this time, ibang kaba na ang nararamdaman ko. "Tapos?" tanong ko. He smiled at huminga muna ng malalim bago nagpatuloy sa kanyang sasabihin. "Alam kong masyadong mabilis. Alam kong magugulat ka. But girl, time is running ika nga nila. And it's true. Sabi nga ni inang, kung nakita mo na daw ang isang tao na magbibigay sa'yo ng kaligayahan na... Er, di mo pa nararanasan, pahalagahan mo daw ito." he stopped. Para bang naghahanap siya ng lakas para ipagpatuloy ang sasabihin. God! What's happening! "Nakakahiya 'to te! Pero wala e! Ikaw ang tao na 'yun. Ikaw ang tao na nagbigay sa akin ng kasiyahan na 'di ko maipaliwanag. Alam mo 'yun? Yung tipong pag nakangiti ka, napapangiti nalang din ako. Pag-umimiiyak ka, nasasaktan ako. Omg, di ko alam kung bumaligtad na ba ang mundo kaya't nahuhulog na ako sa Kauri ko!" aniya sabay sambunot ng buhok niya. He looks frustrated and at the same time nervous. "Baby p-pat. Anong pinagsasabi mo dyan? May sakit ka ba?" tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "Aga! Huwag ka nga muna magsalita! Nagmomoment na ako dito!" inis na sabi niya. Napawagay-way ako sa aking kamay. Like I am surrending to him. God, ako lang ba? Pero nanlalamig ako dito at kinakabahan? At sa di maipaliwanag na nararamdaman ay nasisiyahan din sa nangyayari? Jusko! Magpapacheck-up na ako sa puso ko! Huminga siya nang malalim at tumingin ng diretso sa mata ko. Napalunok ako. Why is he so serious? "Noon kasi, akala ko kaya naiirita ako sa'yo kasi inaagaw mo ang mga fafas sa akin. 'di ko alam na, kaya naiirita ako sa'yo kasi nakakakuha ka ng attensyon sa mga lalaki. Gusto ko kasing... Ako lang. Ako lang ang pahalagahan mo. Kaya nakakalito. Alam kong bakla ako. Pero pagnandyan ka na, nagiging lalaki agad ako. Tell me, is this love?" Napasinghap ako! May nangingilid na ring luha sa mata ko. Bakit niya ba ginagawa 'to sa akin? Bakit ang straightforward niya masyado? Bakit pinapakaba niya ako ng husto ngayon? Bakit? Nanginginig ako aking kamay. Nanghihina ang aking tuhod. Mabuti nalang nakasandal ako sa railings. Kung hindi, baka mapaupo na ako sa sahig ngayon. "Agatha, You mean so much to me. Mababaliw na yata ako pag 'di na kita makikita pa muli. Paparusahan ko na yata ang sarili ko pagnakita kitang umiyak muli ng dahil sa akin." suminghap siya. "Omygod! Nakakaew naman 'tong sinasabi ko... Ang weird" bulong niya. "Yes, you're weird." Kinakabahan akong napatawa sa binulong niya. Screw you! Mas lalo mo akong nilulunod! Umirap siya bago nagsalita muli. "Well, you told me your dream, right? Your only dream. At di ko namalayan na unti-unti ko narin pala iyon naging pangarap. May sweetdreams of my night and my daydream of my light." huminga siya nang malalim. Kahit wala pa siyang dinurogtong ay dahan-dahan na akong tumango. Walang tanong-tanong! Hahayaan kita! Lumipad ang aking mga kamay sa aking labi. Lumuhod siya sa harapan ko at may kinuha sa bulsa niya. Ipinakita niya sa akin ang isang diamond ring. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Saya dahil sa nangayayari ngayon. Excited, para sa kinabukasan namin. At takot, sa mga mangyayari sa susunod na araw. Ang kulay kahel ng langit at ang mga humuhini na ibon ay naging dahilan para mas lalong maging romantic ang lugar. Ang mga hiyawan ng mga tao at turista sa paligid ang naging dahilan ng pagkakakaba ng dibdib ko. I can't help it! Nagsisimula na akong umiyak sa tuwa! "So, Agatha Marie Mulach, will you give me the permission of making my dream come true? The permission of granting your dream? Are you willing to be Agatha Marie Mulach--Lim? Will you marry me?" tanong niya. Kitang-kita ko ang panginginig ng kamay niya. Ang mga butil ng pawis sa noo niya. Ang pag-galaw ng adam's apple niya. At lalong-lalo na ang mga mata niya na puno ng pagmamahal. Without even thinking. Yumuko ako at inabot ang mga labi niya. Damn! Mukhang maaddict yata ako sa labi niya! Naramdaman ko ang pagngiti niya habang hinahalikan ako. Well, action speaks louder than words. Tumayo siya at hinigit ang bewang ko at nilapit ito sa kanya. This is the most unforgettable moment of my life! Saglit siyang humiwalay sa akin at isinuot ang singsing. Tumawa ako nang nakita ko ang panginginig ng kamay niya habang sinusuot ang singsing sa akin. "I finally got you..." bulong ko sa tenga niya. Tumawa siya at umiling. Hinawakan niya ang baba ko at muli akong hinalikan. The gay who captured my heart? Is now the man who are going to marry me. The man who is bound to be my husband. The man who I am going to spend my whole life with. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD