Chapter 19

2744 Words
"What happen?" tanong ni Baby pat pagkatapos kong umiyak. Inabotan niya ako ng tubig. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi parin ako makapaniwala. Kanina lang, iniisip ko kung naaalala niya pa ba ako, tapos ngayon nasa harapan ko na siya. Nakaupo, habang nakatitig sa akin. Damn. Sa lahat ng pagkakataon na magkita tayo, ito pa ang ayos ko! Napatingin ako sa hospital gown na suot ko. Pinaglalaruan ang hibla nito. "K-kamusta?" tanong ko, iniiwasan ang kanyang tanong kanina. "Bakit di mo sinabi?" aniya. Napatingin ako sa kanya. Katulad kanina, seryoso itong nakatingin sa akin. Napalunok ako. s**t. Salitan pala ng tanong ang peg namin ngayon ha? Iwasan lang? "Kailan mo pa nalaman?" tanong ko. "kailan pa 'to?" "kanino mo nalaman?" wika ko. Mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha. Napansin niya siguro na wala akong balak na sagutin ang bawat tanong niya sa akin. "Pumayat ka." wika niya. Inabot niya ang aking braso at pinagmasdan ito. Natigilan ako sa kanyang sinabi. Tinanong niya ba talaga 'yun? "W-well... Uhm" "Kamusta gurl? Mukha ka nang panda" aniya sabay ngiti ng kaunti. Iniwas ko ang tingin sa kanya. Baka kasi maiyak na naman ako. Cry baby, Tss. "A-ayos lang. I-ikaw?" damn Agatha! Umayos ka nga! "Mabuti. May gusto ka bang kainin? Dinalhan kita ng brownies." napatingin ako sa kanya sabay kunot ng noo. Does he said brownies? Napayuko siya at napakamot ng noo. "N-nadaanan kasi namin ni Shovy ang Goldilocks, bumili nalang ako kasi nakakagutom...k-kaso busog na pala ang tummy ko, kaya..." he said defensively. Pinatili kong nagtataka ang aking mukha kahit na alam kong umaangat na ang gilid ng aking labi. Dear gay, di ka magaling magsinungaling. "okay." ani ko na para bang kumbensido sa sagot niya. Tumikhim siya. "W-well, favorite mo naman 'yun di ba?" tanong niya. Lihim akong napangiti. Tumango ako. Huminga siya nang malalim at pinaypayan ang sarili. He even drink a cup of water. Napailing nalang ako. Inabot niya ang brownies. Kumuha ako. Tahimik lang akong kumakain. Ano kaya ang sasabihin ko sa kanya para mawala ang akward na katahimikan? Tanongin ko kaya siya tungkol sa school? Oh no, Agatha. Magmumukha kang mama niya. Uhm, kung tungkol nalang kaya nila Charlie? Tutal kaibigan niya naman 'yun e. Huwag nalang. Siya ang nandyan tapos sila Charlie ang itatanong ko. Kung tungkol kaya sa pamilya niya? Nah, its too private. Sa huli ay napabuntong hininga nalang ako. "Bakit di mo sinabi sa akin?" biglang tanong ni Baby pat dahilan para mapatigil ako sa pagnguya. "pagnalaman mo ba, pananatilihin mo ako sa tabi mo?" saad ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi nang napagtanto ko ang aking tinanong. Ouch, parang ako yata ang nasaktan sa tanong ko. Bumuntong hininga ako. Di ko siya tinignan, katulad kanina, pinagpatuloy ko lang ang pagnguya. Matagal bago siya sumagot. "Oo." Napatingin ako. He look so serious. Para ba'y pinagsisigawan niya na hindi siya nagsisinungaling. *oo? Di ako naniniwala baby pat. Kahit malaman mo rin, iiwan pa rin kita. Hindi dahil gusto mong paalisin ako, kundi dahil doon rin naman ang punta ko.* Ngumiti ako sa kanya. "Ah, talaga? Sana pala sinabi ko nalang para 'di na tayo mukhang tanga na nagsisigawan sa burnham park" wika ko. Hindi matago sa boses ko ang pait. Kumunot ang kanyang noo. "about that--" "huwag ka nang humingi ng sorry. Tama rin naman na malaman kong nasasakal na pala kita. Feelengera kasi ako e. Pafeeling girlfriend. Di ko namalayan na lumalagpas na pala ako sa linya." peke akong tumawa. He looks so guilty. Napakagat siya sa ibabang labi niya. Napayuko siya at pinaglaruan ang mga daliri. Napangiti ako ng nakita kong may qutiks ang kanyang kuko. "Huwag mo akong kaawaan, patrick. Di ko deserve 'yun." ani ko. Nagtiim siya ng kanyang banga. Napapikit siya at bumuntong hininga. He looks like di siya makahinga ng maayos dahil sa pag-uusap. Napakagat nalang ako. s**t. agatha! Mas lalo mong pinalalala ang sitwasyon! "Stop it." seryoso niyang sabi. Napahalf open ang aking labi. "P-patrick..." "Look, Agatha. I'm sorry--" Umiling ako. "wala ka namang dapat ipagsorry eh. Wala ka namang nagawang kasalanan." "can you please let me finish first?" irita niyang tanong. Umirap pa siya at napanguso. "kaloka si ate" bulong niya. Ngumiti ako sabay tango. "Sorry." panimula niya. Wala nga sabi siyang dapat ipagsorry e. Tigas ng ulo. "Oops, huwag kang magsalita! Maloloka ako sa'yo." "wala na nga eh..." bulong ko. "Sorry talaga, Aga. 'yung nangyari sa Baguio, di ko naman talaga gustong sabihin 'yun sa'yo e. K-kaso..." napalunok siya. "kaso?" tanong ko. "I-I-I'm just c-confused..." nanginginig niyang sabi. Napakunot ako sa aking noo. Confused? Bakit naman? "ha? Saan?" tanong ko. "S-sayo. Sa akin. Ewan." nagugulohang sabi niya. Mas lalo akong nagtaka sa sagot niya. Seriously? Saan ba talaga? "Sa akin? Bakit naman?" tanong ko. Natigilan siya sa tanong ko. Para bang natamaan siya. Matagal-tagal siya bago nagsalita muli. " 'Di ko a-alam. Pagnandyan ka... Kinikilabutan ako. T-tumatayo ang buhok sa batok ko. T-tapos... Arg. Di normal ang t***k ng puso ko." aniya. Napalunok ako sa sagot niya. Muling bumilis ang pintig ng dibdib ko. 'yung totoo? Alam ba ni Patrick ang pinagsasabi niya? Alam niya bang iba ang ibig sabihin ng pinagsasabi niya? Namula ang kanyang buong mukha at muling uminom ng tubig. Feeling ko mauubos na ang tubig sa pitsel e. "P-patrick... Alam mo ba kung ano 'yang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng aking mata. Naiiyak ako. Hindi dahil sa tuwa kundi sa sakit. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "T-tapos 'yan! Nakakainis! Nakakaavila arita, pagPatrick lang ang tawag mo sa akin! N-nasanay kasi akong baby pat e." sabi niya. Ginulo niya ang kanyang buhok dahil sa frustration. Napatingin siya sa akin. His eyes are full of confusion and... Desire? "Kita mo na? Kinikilabutan ako pagnandyan ka. Ang weird sa feeling. Sabihin mo nga, Agatha? Ano 'to?" tanong niya. He really looks innocent. "Pagnandyan ka, ang sarap mong sipain palayo. Yung tipong di na kita makita pa. P-pero pagwala ka naman... Hinahanap-hanap kita. Jusmiyo, ngayon ko lang naramdaman 'to e.." Iniwas ko ang tingin ng naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha. Mabilis ko itong pinunasan. N-no agatha, huwag ka nang umasa. Siya na mismo ang nagsabi di ba? Hindi ka niya mahal. Di ka niya kayang mahalin. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang aking baba at pinaharap ito sa kanya. Magkatapat na ang aming mukha. He looks so helpless now. Ipinagdikit niya ang aming noo. Ano 'tong ginagawa mo baby pat? Bakit ang g**o-g**o mo. Ayos na nga sa akin di ba? Tinupad ko na ang hiling mo. Lumayo na ako sa'yo. Tapos magpapakita ka sa akin at ito ang sasabihin mo? Pumikit ako at hinayaan nalang tumulo ang mga luha ko. Its useless kung pipigilan ko pa. "D-don't make my hopes high..." bulong ko. "I didn't.." bulong niya pabalik, bago angkinin ang aking labi. For a second, I was stunned. 'Di ako makapaniwala. Are we really kissing right now? Hinalikan niya ba talaga ako? Siya na ba mismo ang humalik sa akin? Lihim akong ngumiti. Hinawakan ko ang kanyang batok at mas lalo siyang inilapit sa akin. I don't care kung biglang pumasok si Shovy. I don't care kung hindi nakalock ang pintuan. I don't care kung may doctor at nurse ngayon. Ang mahalaga ay nandito siya. Nandito si bakla ng buhay ko. He gave me the sweetest passionate kiss I ever had. Nang nagkalayo ay pareho namin hinabol ang aming hininga. Magkadikit ang noo, habang nakatingin sa isa't-isa. I smiled. "Babae pa rin ako..." sabi ko. "pakistan?" sagot niya. *translation: paki ko?* Hinaplos ko ang kanyang jaw line bago tumingin sa kanyang mata. "Bakla ka pa rin di ba?" tanong ko. Hinawakan niya ang ibabang labi ko bago pumikit. "shh, feel the moment 'to te." Bahagya akong natawa. Really, beks? Seriously? "I can't believe this." "ako rin..." Umangat siya kaonti. Hinalikan niya ang aking noo. My heart skipped faster than normal. May kung anong kumiliti sa aking tiyan. Damn! Now I know kung bakit sweet paghinalikan ka sa noo. Ilang segundo niya ako hinalikan doon, pagkatapos ay inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga. Dahil sa ginawa niya, binuhay niya ang aking sistema! Para akong kiniliti dahil sa hininga niya. And he whisper the magic words."I think I'm falling..." --- "So, may kababalaghang nangyari." wika ni shovy pagkapasok niya sa silid. Kasama niya si Yaya Nelsa na naka nganga. Papalit-palit ang tingin niya sa amin ni baby pat. Malamang nagtataka siya. Eh, sa g**o ba naman ng buhok ko at pareho kaming naka-iwas ng tingin. Tumikhim si Baby pat bago tumayo. He opened his arm. "OMG nanita! You're looking pretteh!" aniya sabay lakad patungo kay yaya Nelsa. Inikotan niya ito at inayos ang buhok. "Ilang taon ka na? Uhm, 16?" tanong ni Baby pat. Ano naman kaya ang iniisip ng baklang 'to? "Jusko hijo! 57 na ako!" Umakto siyang nagulat. "Woah? Talaga?! Parang di naman!" Napailing ako. Galing talaga mambola ng baklang 'to e. Lumapit si Shovy sa akin habang nakahalukipkip. "May milagro?" tanong niya. Agad ko siyang binato ng unan. Uminit ang aking pisngi sa tinanong niya. "Sila mama at papa? Parating na ba?" tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa wall clock. Alas singko na ng hapon pero wala pa rin sila. Bibisita kaya sila sa akin ngayon? Nanliit ang kanyang mata. "So, may nangyari nga. 'di dumeny e." aniya sabay tingin sa itaas na para bang nag-iisip. Umismid ako at inirapan siya. "Tumahimik ka nga! Kung may makarinig sa'yo baka akalain na--" "may nangyari sa inyo?" "Shovy!" saway ko. Di pa kasi prumepreno! Para namang may nangyari talaga sa amin e. Itinaas niya ang kanyang kamay, na para ba'y titigil na siya. Ngumisi siya sa akin. "Oo na! Eto naman! Ginusto rin e!" "Shovy! Isa!" "oo na nga!" Napatigil kami sa kulitan ng biglang bumukas ang pintuan. Bumungad si mama at papa na nakabusiness attire. Parang may kung anghel na dumaan. Lahat kami ay natigilan at natahimik. "pa..." bulong ko nang nakita kong napatingin siya kay Baby pat. Nakakunot ang kanyang noo, samantala ang mata ay halatang galit na galit. "Anong ginagawa ng baklang 'yan dito?!" singhal ni papa. "Tres! Manahimik ka dyan!" sigaw ni mama kay papa na syang nagpatiklop ng bibig niya. Bumaling ang tingin ni mama kay Patrick at nginitian ito. "Hello, Patrick. I'm Cio, mama ni Agatha." pagpapakilala ni mama. Napatingin ako kay Baby pat. Tumikhim siya at inayos ang pagtayo. "Patrick po, mada'm" ramdam ko sa boses niya ang pandiriri ng binigkas niya ang pangalan. Infairness, nagboses lalaki ah. Sineryoso talagang nafafall na siya sa akin. Biglang uminit ang aking pisngi. "Uy, ano 'yan?" asar ni Shovy ng nakita niya ang paghawak ko sa aking pisngi. Inirapan ko siya. Nakita niya na nga di ba? Tatanongin pa? "Kuha muna ako ng makakain" pagpapaalam ni Yaya Nelsa. Kinurot niya pa si Baby Pat sa tagiliran bago umalis. Nako! Kung di ko lang alam na may asawa't anak ka na, yaya kanina pa kita sinugod at sinambunutan! Ako lang ang may karapatang humawak sa kanya! Ako lang! Umupo si Mama sa hospital couch. Habang si papa ay nakahilig sa pader habang nakahalukipkip. Para bang inoobserbahan ang kilos ng bebe ko. "Mabuti naman at napabisita ka. Kumain ka na ba?" tanong ni mama sabay tingin kay baby pat. "opo Mada'm. Kayo 'ho ba? May dala po akong..." napatigil si baby pat sa pagsaaalita. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay sa karton ng brownies. Nagkibit-balikat ako. Eh, paborito ko 'yan e! Malamang mauubos ko talaga. Muli siyang tumikhim. "Naubos na pala ni Aga. Takaw kasi." nahihiya niyang tugon. Aba't sinong matakaw?! Mahina kong hinampas ang pwet niya. Mahina lang naman! Ayaw ko kasing masaktan. As usual. Mahinang tumawa si mama. Wow, mukhang nagugustuhan niya na si Baby Pat ah. "Ano pala ang dinala mo?" "Brownies po" WOW NAG 'PO' Humagikhik si Mama. "Kaya naman pala e." Napatingin ako kay papa na seryoso paring nakatingin kay Patrick. Seryoso? Galit talaga siya kay Baby pat? Di niya naman kasalanan kung hininto ko ang operasyon e. Sarili kong desisyon 'yun. Dapat sa akin na siya magalit. Biglang lumamig ang aking kamay. Damn, ninenyerbos ako sa pagkakatahimik ni papa. "Ano po pala favorite food niyo?" "humba." "Wow, talaga po ba? Si lola Sherly ko, magaling po magluto ng hum--" "Patrick, mag-usap tayo sa labas." sabi ni papa sabay labas ng silid. Napalunok ako. Hala! Anong ibig sabihin non. Napatingin ako kay Baby Pat na ngumiti kay mama bago sumunod sa paglabas. "M-ma! Baka anong gawin ni papa kay baby pat!" nag-aalala kong sabi kay mama. Tinapik niya lang ang aking balikat. "Man to man talk lang 'yan 'nak. Tapos ka na ba kumain?" "Man to Gay, yata tita!" asar ni Shovy. Tinignan ko siya ng masama. " Mabuti naman na bata si Patrick. " saad ni mama. Mabilis akong tumango. "Korek ka dyan ma! Mabait talaga si Baby pat! Matalino, matulungin, magalang, masipag at mapagmahal!" wika ko. Kahit may kaonting lies din. Matulungin? Mapagmahal? Nako! Ngayon ko lang 'yan nakita! Umiling si mama. "Mahal mo, kaya pinaglalaban mo." puna ni mama. "Ayos lang naman ako sa kanya 'nak. At alam kong matatanggap din siya ng papa Tres mo. Pero ang tanong, mahal ka ba niya?" tanong ni mama. Napatahimik ako. Mahal? Di ko alam. Pero sabi niya, He's falling na daw. Pero... Syempre nasabi niya lang na fafall na siya kasi ilang araw akong nawala. Pero, kahit ba nandyan ako sa tabi niya, mafafall pa rin ba siya? Ghad, Agatha! Ang nega mong mag-isip! Paano kung matagal nang nafall si Patrick sa'yo pero ngayon niya lang narealize? "Di makasagot" pakantang sabi ni Shovy habang binabalatan ang mansanas. Umirap ako. "Pake mo ba? Ipagdikit ko kayo ni Charlie, dyan e!" saad ko. "C-charlie?! Paano nasama ang bading na 'yon sa usapan natin?!" Napairap ako. Kala mo, di ko alam na siya ang humahatid sa'yo dito sa hospital ha! Para't saan pa naging bestfriend mo ako? "oh, tama na 'yan" pagpigil ni mama sa amin ni Shovy. Umismid ako. "Shov, pakuha ng tubig please" Agad siyang nagsalin ng tubig. Inabot niya ito sa akin. Kukunin ko na sana ng biglang dumoble ang aking pananaw. Pumikit ako upang mawala ito. Ngunit ganon pa rin. "Aga, ayos ka lang?" tanong ni Mama. "O-opo," sagot ko. Pumikit ako ng mariin. Mabuti nalang bumalik sa dating paningin ang aking mata. Mabilis kong kinuha ang tubig at ininom ito. Shocks, bakit ko na naman naramdaman iyon? Buong oras ay tahimik lang akong nakikinig kay mama at shovy. Bumalik na si Yaya Nelsa na may dalang pandesal at peanut butter. Pumasok rin ang Doctor upang tignan ang kalagayan ko. "Mrs. Mulach, I suggest po na ipatransfer si Ms. Mulach sa Amerika. Doon kasi, may kompleto silang equipments para sa isasagawang operasyon. Pero nasa inyo na po ang desisyon, kung saan isasagawa ang operasyon" wika ng doktor pagkatapos niyang tignan ang vital ko. Di ako umimik. Amerika? Mas malayo at mas malaki ang gastusin. Mas gugustuhin kong dito nalang ako sa Pilipinas. Nang sa ganon ay maliit lang ang magagastos. Tumango si mama. Kasabay ng paglabas ng doktor ay ang pagpasok ni Baby Pat. Nakangiti ito ng napakalaki. Napalunok ako. Ayaw ko rin siyang iwan. Kahit sa nahuhuling araw ko dito. Ngumiti rin ako sa kanya. "Anong pinag-usapan niyo ni papa?" tanong ko. Umupo siya sa monoblock chair habang nakatingin ng seryoso sa akin. "Wala naman, gurl. Mga reminders lang. Ikaw? Anong sinabi ng doctor?" Napalunok ako. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Labas muna kami." sabi ni Shovy bago silang lumisan ni mama sa silid. "Sabi ng doctor, kung patuloy lang daw ako sa pagrerecover, di malayong gumaling ako! Isn't it great?" masaya kong sabi. Lier. Lier. Lier. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. " That's good. Dahil may sasabihin rin ako sa'yo" aniya. Mas lalo akong pumeke ng ngiti. I hope na hindi ka magagalit pagnalaman mo ang katotohanan, baby pat. "Really? Ano naman 'yun?" tanong ko. As if I am trying to sound interested. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak ng kamay ko. He even kissed it. " Come with me... Punta tayo ng Baguio. Let's forget the bad things happen there, and create a new one. Are you willing to be with me?" tanong niya. Agad akong ngumiti. "Ofcourse." ani ko Kahit walang tanong-tanong baby pat. Sasama ako sa'yo. *Because you are the last person, I want to spend with on my last day here on earth * ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD