Pagdilat ko, ang puting kisame ang bumungad sa akin. A unfamiliar decoration and color of room made my mind filled with confusion. Anong nangyari? At nasaan ako? Bakit wala akong matandaan?
Inilakbay ko ang aking tingin sa silid. Nakatayo sa dulo ng kama si Shovy at Yaya Nelsa. Habang si mama ay nakaupo sa gilid ng aking kama habang katabi si papa na nakatayo. Puno nang pag-aalala ang kanilang mga mata.
"My Goodness! Buti nagising ka na, Aga! What happen?" bungad ni Shovy. Dahan-dahan akong umupo. May nakatusok na kung anong maliit na tube sa aking kamay. Nakasuot rin ako ng oxygen tube.
Don't tell me... Inatake na naman ako?
Hinawakan ni mama ang aking kamay. "Sweatheart, kamusta na ang kalagayan mo? May masakit ba sa'yo?" tanong niya.
Di ko alam kung bakit si baby pat ang pumasok sa isipan ko. Masakit? Physical, wala na. Pero emotional? Oo meron.
Umiling ako. "I'm fine. I guess..." sagot ko.
"Buti nalang at eksato rin na magtatapon ng basura si Nana Nelsa mo. Kung hindi, baka nakahiga ka lang sa labas..." an authoritative voice makes my skin to shiver. Napakaseryoso ng mukha ni papa. Walang bahid na kahit anong emosyon.
He's always like that. Walang pake kung ano na ang nangyayari sa akin. I wonder if kung ganito rin ba siya kung totoo niya akong anak? Kung mula talaga ako sa sperm niya? Magiging ganito pa rin ba ang trato niya sa akin? I think not.
"I-I'm fine naman po..." sagot ko. Napayuko nalang ako dahil sa takot at hiya.
"How many times, Do I have to tell you, na hindi ka pwedeng umalis sa tabi namin nang mama mo?! Bakit di ka sumusunod sa utos namin?!" Sermon ni papa sa akin. Di ko siya kayang tignan. Dahil alam ko... Sa oras na titingin ako sa kanya, manghihina ako.
" Tres, tama na. Hindi rin naman ito ginusto ni, Agatha." depensa ni mama sa akin.
"What?! Pinapanigan mo ulit ang batang 'yan?! Kaya hindi natututo e! Kinukunsinte mo! Pareho naman nating alam na may sakit siya! May sakit siya! Any time now, pwede siyang mawala!"
"tito!" pigil ni shovy.
I feel it again. May kung anong kurayom ang tumusok sa puso ko. *sakit. May sakit ako...*
Mahina na ang katawan ko. Any time maari na akong mawala sa mundong ito. Maaring di ko na masusubaybayan ang mga tao dito. Maaring di ko na sila makikita habang buhay. In short mamamatay na ako...
"Tres! Ang mga salita mo!" singhal ni mama.
Uminit ang gilid ng aking mga mata. Before I could knew, biglang nag blurry ang aking paningin dahil sa maalat na tubig na ready nang lumabas.
"Why? Totoo naman e! Kung sana, hindi siya nagpakabaliw sa baklang yon! Dapat ngayon ay magaling na siya! Na sana ay maaari na siyang mamuhay ng normal muli! Pero ano ang ginawa niya? Pinatigil niya ang operasyon! Kung saan may malaking chansang mabubuhay siya!" sigaw ni papa.
Napapikit nalang ko. Eto ang dahilan kung bakit ayaw kong atakihin muli. Inuungkat ang nakaraan. Napakagat nalang ako sa aking ibabang labi. Preventing to make any noise. Ayaw kong marinig nila akong umiiyak. Lalo na sa harapan ni papa.
"Tito! May dahilan naman po, si Agatha!"
No, Shovy. Huwag mo akong idefend kay papa. Baka mas lalo lang lumala ang bangayan.
"Dahilan? f**k that reason! Dahil lang namatayan ng papa ang baklang yun? Kaya niya pinahinto ang operasyon?!"
"kailangan ho kasi ni Patricia ng masasandalan!"
"Kahit na!"
"Tres! Stop it!"
"MAMAMATAY NA AKO!" sigaw ko dahilan para mahinto silang lahat. Napatingin sila sa akin.
Pagod na ako sa ganito. Eto nalang palagi ang nangyayari. Tuwing nagkakasakit ako, palagi nalang nag-aaway sila mama at papa. Para ba'y ako ang pabigat sa buhay nila. Sometimes, I wished na sana wala nalang talaga ako. Na sana namatay nalang ako nong pinanganak ako. What's the used di ba? Mamamatay na rin naman ako.
Kamatayan...
Nakakaleche..
Di ko mapigilan mapahagulhol. Noon, agresibo akong mamatay. Pero ngayon... Natatakot ako. Hindi dahil para sa sarili ko. Kundi dahil, natatakot akong hindi na makikita sila mama at papa, si Shovy at lalong-lalo na si Baby pat.
"A-anak..." biglang lumapit si mama sa akin at kinulong sa kanyang bisig. Nakapatong ang kanyang baba sa aking ulo.
"I-I'm dying... Bakit ko pa patatagalin ang paghihirap ko? A-ang paghihirap niyo? Kailangan ako ni baby pat nong araw na iyun, pa. Kailangan na kailangan niya ako, kaya ko nagawang ipatigil ang operasyon..." pagdedepensa ko habang umiiyak.
"Hindi parin iyun, sapat na dahilan upang ipatigil mo ang operasyon at ilagay sa kapahamakan ang sarili mo!"
Kumalas ako kay mama at tinignan si papa. Nakakunot ang noo niya at mapula na ang kanyang mukha. He looks so tired and disappointed.
"Naranasan niyo na bang maiwan? Ang mabuhay na nag-iisa? Na wala kang nasasandalan?" tanong ko sa kanila. Napatikom si papa sa kanyang labi. I sadly smiled to him. "H-hindi pa di ba?" halos pabulong kong tanong?
"Aga..." pagtawag ni Shovy.
"kasi a-ako? Naranasan ko na po. Ang mawalan ng magulang. Ang maiwan na nag-iisa. Yung tipong ang tingin mo sa mundo ay isang malaking kadiliman. Ang pananaw mo sa mga taong nakakasalamuha mo ay isang nakakatakot na pigura. Maaari kang saktan sa ibang paraan. Yung tipong, di mo alam kung anong gagawin mo. Kung makakayanan mo pa bang harapin ang bukas lalo na't alam mong wala nang bubungad sayo. Yung tipong... Di mo alam kung nasa tamang landas ka pa ba." pumiyok muli ang aking boses, dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita.
Naalala ko na naman ang mga araw na nasa bahay ampunan ako. Mag-isa sa kwarto habang nakatingin sa labas. Pinapanood ang mga bata na naglalaro ng habol-habolan. Samantalang ako, mag-isa at nangungulila sa kalinga ng magulang.
Humikbi ako. "Y-yun ang ayaw kong maranasan ni baby pat. Nawalan siya ng tatay dahil inatake ito sa puso. Inatake sa puso dahil nalaman na bakla siya! Hindi siya matanggap ng kanyang ama! I-I'm sure na masakit yun para sa kanya, pa! Ang mamatay ang ama dahil sa pagkakatotoo niya sa kanyang sarili! He's too down. At di ko matanggap na wala ako sa tabi niya sa araw na tinalikoran siya ng lahat. Alam mo bang hindi siya kaya tignan ng kanyang ina at kamag-anak pagkatapos ng libing? Halos itakwil na siya! He's the only son at ang tagapagmana ng apelyido nila! He needs me... A-and I'm willing to do everything... Everything for him..." halos pabulong ko na ibinigkas ang huling salita.
It's true. Kaya ko. Kaya kong talikuran ang lahat para lang sa kanya. Kahit ang buhay ko ang kapalit. Why? Because I love him. Why do I love him? Does it matter? Kailangan ba may rason ang lahat ng bagay? Ang alam ko lang ay mahal ko siya ay handa ko isakripisyo ang lahat para lang sa kanya! Because love means giving without recieving.
Okay na ako na ako lang ang nagmamahal sa kanya. Na hindi niya masuklian ang pagmamahal ko.
Napapikit ako ng biglang sipain ni papa ang monoblock chair.
"That's bullshit! Kaya mong isa-alangalang ang buhay mo para sa baklang yun?!"
"OO! KASI MAHAL KO NGA PA! MAHAL KO AT KAILANGAN NIYA AKO! AT ANG BAKLANG SINASABI MO AY ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO MASAYANG NABUBUHAY HANGGAN NGAYON!" sagot ko.
Di ko mapigilan ang sumigaw. Masyado nilang minamaliit si baby pat.
Naghari ang katahimikan. Walang nagsalita. Tangi ang haguhol ko lang ang maririnig.
Tumikhim si papa. "kaya ba, itinigil mo rin ang medication mo?" tanong ni papa.
Napalunok ako. For the first time, nakita ko ang lungkot sa mata ni papa. Lungkot at takot. Takot na mawalan siya ng anak. How I loved to see those emotions from his eyes. Parang pinarama niya sa akin na tinuri niya talaga ako bilang isang anak.
"Why to prolong the agony di ba? Alam naman natin na 50 percent lang ang chance na mabubuhay ako. Atleast, alam ko sa natitira kong buhay, naging masaya ako." sagot ko.
"Sweetheart, masakit sa amin bilang isang magulang ang malaman na mamamatay na ang anak niya..." hagulhol ni mama.
May kung anong kumirot sa puso ko ng nakita ko ang pagpatak ng luha ni mama. Ang sakit makita na umiiyak siya.
"Naiintindihan mo ba ako, Agatha? M-masakit sa akin. H-hindi ko kayang mawala ka sa amin... Di ko kayang makita kang nagluluksa, nang hihina sa kama. Di ko kayang matanggap na mawawalan na ako ng anak. A-ang sakit kasi nak e. Mahal na mahal ka ni mama, tapos eto ang mangyayari.K-kaya please lumaban ka anak. Lumaban ka naman." pagmamakaawa ni mama sa akin. She looks so desparate.
"B-bes, hindi pwedeng si patricia lang ang inaalala mo. Nandito pa kami o. Ang nagmamahal sa'yo ng tunay. Kami naman ngayon ang pakinggan mo oh. Intindihin mo naman ang nararamdaman namin na nakikita kang may sakit" wika ni Shovy. Lumabas ang mga likidong tubig sa kanyang mata. "N-nawalan na ako ng ama... Huwag naman sana ako mawalan ng b-bestfriend.. Kasi do ko kakayanin..."
Mabilis siyang lumapit sa akin at yinakap ako. Mas lalo akong napaiyak ng naramdaman ko ang init ng kanyang yakap.
Not now... Not now agatha.
--
"I'm sorry to tell you this Mr and Mrs. Mulach, pero maliit nalang po talaga ang tsansya na mabuhay si Ms. Agatha pagkatapos ng operasyon. Masyado nang malaki ang tumor sa kanyang utak. Mahirap na itong galawin. Mas magandang dito muna siya sa ospital magstay, upang masubaybayan namin siya. I'm sorry... Excuse me." wika ng doktor bago umalis sa silid.
Muling kumirot ang aking dibdib. Alam ko naman e. Na wala na talaga. Pero, bakit ganon? Umasa parin ako na sana... May chace pa rin. Na sana, mabubuhay pa rin ako.
Napaupo si mama sa monoblock chair habang si papa naman ay napamewang nalang at napatingin sa kisame.
"I-I can't... Hindi naman totoo yun di ba?" tanong ni mama habang nakatingin sa kawalan. She's convincing herself na hindi pa siya mawawalan ng anak.
It hurts me so much. Tama nga sila, masakit makitang umiiyak ang mama mo. I don't like the idea of dying. Nakakakaba. Nakakatakot.
Mamimiss ba ako nila pagwala na ako? Hahanapin ba nila ako? Iiyak ba sila?
Napayuko nalang ako at tahimik na lumuha.
Kailangan mo itong tanggapin Agatha. Kailangan.
"A-aga...." napatingala ako ng biglang lumapit si Shovy. She suddenly hugged me. " Di mo pa kataposan okay? H-hindi pa. H-hindi pwede"
Muli siyang umiyak at tinago ang mukha sa aking leeg.
Damn, mamimiss ko ang babaeng 'to. Kumalas ako sa pagkakayakap.
Tinignan ko ang kanyang mukha. Minemorize ang bawat detalye. Sana pagnasa heaven na ako, maalala ko parin sila. "I hope makakita ka ng taong makakapalit sa akin, shov. Yung tatawagin mo ring bestfriend. Ang pangangalagaan mo. Yung pahahalagahan ka higit sa paghahalaga ko sa'yo. Yung mamahalin ka bilang isang kapatid. Yung mas higit pa sa akin. Pero ang pagkakaiba lang namin, siya mananatili sa tabi mo. A-ako, iiwan ka." ani ko.
Mabilis siyang umiling. "N-no! Huwag kang magsalita na parang mamamatay ka na!" singhal niya habang umiiyak.
Ngumisi ako ng malungkot. "Hindi ba?"
Mas lalo siyang umiyak. I smiled kahit na ang sakit-sakit na.
"Dito ka lang sa hospital, Aga. Hindi ka papasok. Sana naman makinig ka na sa akin ngayon" wika ni papa.
Napalunok nalang ako. Hindi papasok? Hindi ko na siya makikita?
"P-pero... Pa--"
"MAKINIG KA SA AKIN, AGATHA! HINDI KA PAPASOK! MALIWANAG!" sigaw niya.
Napapikit ako ng mariin at dahan-dahang tumango. "opo."
--
2 weeks...
Dalawang linggo na akong nakakulong dito sa silid. Nakaupo o di kaya ay nakahiga. Kain, nood at tulog lang ang ginagawa ko.
Madalas rin akong binibisita ng mga doktor at nurse. Hindi ko man aminin, pero alam ko sa sarili ko na pumapayat ako.
Hindi rin ako makatulog ng mahimbing sa gabi. Bigla-bigla nalang kasing sumasakit ang ulo ko. Kapag inaatake ako, bumabalikwas sila yaya at agad tatawagin ang doktor.
Kahit di man nila sabihin, alam kong nahihirapan na rin sila sa akin.
"Agatha, kain ka muna ng prutas" wika ni Yaya Nelsa. Agad siyang nagbalat ng orange pagkatapos ay binigay sa akin.
Umuwi kasi si mama sa bahay upang makakuha ng damit. Samantalang si papa ay nasa trabaho.
"Ya Nelsa, si Shovy po, bibisita ho ba?" tanong ko habang ngumunguya.
"Bibisita daw siya, pagkatapos ng klase"
"Ah, w-wala po ba siyang sinabi na may kasama siya?" umimit ang aking pisngi sa aking tanong.
Ghad, Agatha! Nageexpect ka na bibisitahin ka ni Patrick?! Eh siya mismo ang nagtulak sa'yo palayo! Ni hindi nga niya alam na may sakit ka at nag-aagaw buhay dito sa hospital!
Kumunot ang noo ni Yaya Nelsa. " Bakit hija, may inaasahan ka bang bisita?" tanong niya sa akin.
Mabilis akong umiling. "H-hindi po! Natanong ko lang po." sagot ko.
Hindi na muli nasundan ang pag-uusap namin. Ipinako ko nalang ang aking attensyon sa telebisyon. Buong araw akong nagbabad sa panonood. Pero ni isang teleserye o variety show, wala man lang ako naintindihan.
Nakatunganga lang ako habang lumilipad ang isipan.
Wala ba talaga siyang pake sa akin? Hindi niya man lang napansin na walang Agatha na bumubuntot sa kanya? O di kaya napansin niya pero wala siyang pake?
Ouch. Nakalimutan ko nga pala, gusto niya pala akong mawala sa buhay niya. Siya nga pala mismo ang nagtulak sa akin palayo.
Nakalimutan ko na noon palang, naririndi na siya sa akin.
Siguro ngayon, nakakahinga na siya ng maluwag. Masaya na siyang nakikihalo-bilo sa mga kaibigan dahil wala ako. Siguro, ngayon ay nagpapakasaya na siya dahil sa wakas wala na ako.
Ang sakit pala noh? Yung umasa ka na kahit kaunti man lang ay may halaga ka sa kanya. Pero masakit talaga ang katotohanan e.
Para sa kanya, Isa lamang akong Agatha Marie Mulach na salot sa buhay niya.
Napabuntong hininga nalang ako at pinatay ang telebisyon.
Inilagay ko ang remote sa side table. Inayos ko ang kumot. Mas mabuti nang matulog muna ako.
Hihiga na sana ako ng narinig ko ang pagbukas ng pintuan.
"Ang tagal mo naman be--"
Napatigil ako sa pagsasalita. Nakasimangot si Shovy habang nakahalukipkip. Napanganga ako dahil sa gulat. Napako ang aking mga mata sa isang taong nakatayo sa tabi niya.
Nakasabit sa kanyang kanang balikat ang bag niya. Matalim ang tingin sa akin. He's eyes are full of confusion and concern. He looks like a predator looking to his prey. Nakasuot siya ng color grey na tee shirt. Kahit di gaano ang distansya namin ay alam kong nagfoundation siya at pink lipgloss.
Alam ko, kasi kilala ko siya.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Mabuti nalang at wala si Yaya Nelsa. Hindi niya tinanggal ang mata sa akin. Hinila niya ang monoblock chair palapit sa aking kama.
Para akong tanga. Sinusundan ang bawat kilos niya. Damn! I missed him so much!
Umupo siya sa monoblock chair habang nakatingin sa akin.
May tumikhim. "Uhm, maiwan ko muna kayo. Sa labas muna ako"
Di pa man ako nakaka"oo" kay Shovy, narinig ko na ang pagsara ng pinto.
Napalunok ako. Hindi na normal ang pagtibok ng puso ko. Tangina! Bakit biglang uminit ang gilid ng aking mata? Bakit mukha yata akong maiiyak?
"P-patrick..." mahina kong sambit.
"Hindi na baby pat?" tanong niya ngunit walang halong biro.
Di ko alam kung ano ang sunod na nangyari. Basta ang alam ko nalang, bigla akong umiyak sa harapan niya. Crying so loud.
--