Chapter 17

1155 Words
Sometimes, Love is not about risking. But also, love is about accepting. Accepting things that are meant to be broken. Things that cannot be fixed again. Accepting that life are not just full of fun and love, but as well as pain and suffer. Maybe, this is really the power of pain. It cause you, hard to breath properly. It makes your chest twist in pain. It makes you hard to stop crying. Hindi ko matanggap. Saan ba ako nagkulang? Bakit di niya parin ako matanggap? Masyado ba talaga akong papansin, kaya nasakal na siya sa akin? Am I crossing the line? I spend half of my life with him. Nasanay na akong kasa-kasama siya palagi. Nasanay na ang mga mata ko na palagi siyang hinahanap. Nasanay na akong ngumingiti nang dahil sa kanya. And... That is my biggest mistake I've done. Masyado kong sinanay ang sarili sa mga bagay na walang kasigaradohan. Mga bagay na alam ko na matatalo lang ako sa huli. Mga bagay na wala talagang patutunguhan. But... We can't deny it. Kahit alam nating mali, kahit alam nating masasaktan lang tayo sa huli, ginawa parin natin. Why? Because we assumed. Umaasa tayo na baka... Baka mapansin rin tayo. Baka mahalin rin tayo katulad ng pagmamahal natin sa kanya. Na baka, matutunan niya rin akong tanggapin katulad ng pagtanggap ko sa kanya. There are a lot of questions in my mind. And all of them are left unsaid. Napatingin ako muli sa daan na tinahak ni baby pat kanina. Yes, I love you so much. I love you that I agreed to let you go. Kasi alam kong yun ang magpapaligaya sayo. Kahit na iyon rin ang magpapahirap sa akin. "Maybe... It's time for you to let him go, Aga..." bulong ko sa sarili ko. Lies. I know that I can't let him go. Undescribable feeling torn my heart once more. I glance to the beautiful sunset. I smiled bitterly. "It also stands for goodbye..." Hindi na ako bumalik pa sa quarter. Di ko rin naman alam kung paano haharapin si baby pat. Atsaka, kung papalayain ko na rin siya, dapat hindi niya na ako makikita pa. Bahala na ang mga damit ko doon. Siguro naman isasabay 'yun ni ate casey pag-uwi niya ng manila. Wala sa sarili akong umupo sa bus. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang patuloy ang pag-agos ng luha. The painful part of letting go is that, you know that you are sure enough to give up, but your heart oppose to it. Ginawa ko naman lahat ah? Ginawa ko lahat para pahalagahan ang ugnayan naming dalawa. Ginawa ko lahat para lang manatili siya sa tabi ko. Pinasaya ko siya, minahal at tinanggap. Pero bakit? Bakit ganito? Kahit anong mabubuting gawa ang nagawa ko, di parin siya naging akin? May nagawa ba ako? May pagkukulang ba ako? Bakit? Dahil lalaki ang gusto niya at kauri ang turing niya sa akin? Iniisip niya palang na mamahalin niya ako ay nasusuka na siya? Ano bang mali kung magmahal ako ng bakla? Ano naman kung masasaktan lang ako? Choice ko yun e! Desisyon ko yun! "Ineng, tubig o" napatingin ako sa matanda na katabi ko sa bus. Inabotan niya ako ng tubig. Ngunit umiling lang ako. "A-ayos lang po..." biglang pumiyok ang boses ko. Mabilis akong tumingin sa labas at pinigilan ang pag-iyak ng malakas. *I can still remember yesterday, we were so in love in a special way. And knowing that your love made me feel,oh so right * Leche! s**t. Bakit sa lahat ng pagkakataon. Sa lahat ng pwedeng ipamusic. Sa lahat ng pwedeng marinig, yan pa?! Sumasabay talaga sa damdamin ko? Pero s**t. Ako lang naman ang nagmamahal sa kanya e. Ako lang, hindi siya kasali. *but now I feel lost, don't know what to do. Each day and everyday, I think of you. Holdin' back the tears with all my might* Tama nga naman. Di ko na alam kung saan pupulutin ang sarili ko. Para akong isang bata na naiwan sa gitna ng napakaraming tao. Umiiyak at isinisigaw ang pangalan ng magulang niya. Ang pangalan ng nagmamay-ari sa kanya. Pero tangina! Kahit anong pagtutulak niya sa akin, alam kong siya lang ang nag mamay-ari netong mahina kong puso e! Na siya lang talaga ang dahilan kung bakit ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko upang di na ako lubusang umiyak ngayon. *because you've gone and left me standing all alone. And I know I've got to face tomorrow on my own. Coz baby...* Di ko na napigilan ang sarili ko. Di ko na kaya itong pigilan. Masyado nang masikip ang dibdib ko. "B-before I let yu gooo, I want to say, I-I love youuuuu. Huhuhuhu I hope that you're listening coz it's true, babyyyy. Waaahhh. Baby paatt! Waaahh i love youuu waah." Patuloy lang ako sa paghikbi. Kinagat ko pa ang aking mga kuko. At feeling ko, ang dugyot kong tignan. Mukhanh may laway na tumutulo sa bibig ko dahil sa pag-iyak. May sip.on pa talaga. At takteng yan! Wala akong dalang panyo! Agad kong itinago ang aking mukha sa aking mga palad. Wala na akong pake-alam kung nakatingin sa akin ang mga pasahero ng bus ngayon, dahil sa pagsabay ko sa kanta. Putcha! Heart broken ako ngayon! "hay, ang mga kabataan talaga ngayon, konting suyo lang ng mga lalaki, bibigay na" bulong ni lola sa tabi. Yun na nga ang problema, lola e! Di kasi siya lalaki! Bakla siya! -- Buhay pa rin naman ako, pagdating ko sa bahay. Namumugto ang mga mata, at matamlay ang pagkilos. Pero, iba ang dahilan kung bakit ako mabagal kung maglakad. Naglakad ako patungo sa doorbell upang pindutin ito. Kaso, napatigil rin agad ako ng nag-iba ang aking pananaw. * blurry at umiikot ang paligid* Napalunok ako.Dahil ba 'to sa kakaiyak ko kanina? Napakatuyo ng aking mga labi. Para ba'y ilang taon akong hindi nakainom nang tubig.Nawawalan na rin nang lakas ang aking katawan na para bang galing ako sa matinding training. Napahawak ako sa aking ulo nang kumirot ito. Ang sakit... Kung normal na kirot lang ito, ay masasabi kong dahil sa pag-iyak ko. Pero... Iba ang dala e. Napahawak ako sa buhok ko at hinimas ang ulo. Hindi ko inantala ang nararamdaman. Bagkus, nagsimula akong maglakad patungo sa doorbell kahit alam kong pagewang-gewang na ako sa paglalakad. "ma..." bulong ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot at kaba. Please, sana walang mangyari na masama sa akin. Baka siguro sa sobrang pagod ko lang ito! O di kaya sa sobrang pagkakaiyak, kaya ganyan ang nangyari. Think positive agatha! Unti-unti nang pumipikit ang aking mata. Nawawalan na ako nang lakas. No... The next thing I knew, nakahiga na ako sa sahig. Sa sobrang sakit ng ulo ko at pagkakahilo, hindi ko na namalayan ang pagkakahulog ko. "baby p-pat..." bago ako mawalan ng malay, may pigura akong nakita. Nakatayo sa aking harapan. "Agatha!" * and everything went to black* ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD