*Agatha Marie Mulach liked your post* Napailing ako nang nagpop up ang pangalan ng babaeng baliw na baliw sa akin simula pa noong elementary kami. Jusko! Anong nakain netong bruhang ito at baliw na baliw sa akin? Di niya ba alam na pareho lang ang gusto namin? Lalaki! Fafas! Jusmiyo, iniisip ko palang ang pangalan niya, nasusuka na ako. "Uy bakla, iba na ang tama ni ateng gurl sa'yo, ah! Iba rin." wika ni Charlie. Nakasilip kasi siya. "Hala, di parin titigil ang girlalu na 'yan sayo bakla? Gupitan na kaya natin ng buhok?" sabi ni Erik habang namimili ng susuotin niya. Magbabar kasi kami. "Ay! Saang buhok 'te? Sa taas o sa baba?" ani Charlie. Sabay silang nagtawanan. Napatingin ako sa mga damit. Bet ko 'yung pink! "Oy, Erika! Akin 'yang pink ha!" wika ko. Umirap siya sa akin. "para

