Akala ko kaya ko na. Akala ko hindi na ako iiyak. Akala ko hindi na ako manghihina pa. Pero nagkamali ako. Pagpasok ko palang sa bahay nila Agatha, ang kabaong niya ang bumungad sa akin. Namamanhid na naman ang buong katawan ko. Ang hirap. Ang hirap maglakad patungo sa kanya. Umagos na naman ang luha. Ang luha na akala ko'y na ubos na. Napatingin sa akin ang mga tao habang naglalakad ako patungo sa kanya. Wala akong pake alam. Habang papalapit ako sa kanya. Pasikip nang pasikip ang dibdib ko. Mas lalo akong nanghihina. Mas lalo akong hindi naniniwala na wala na siya. Nangingig ang aking kamay habang pinatong ito sa kabaong. Nanginig ang aking katawan nang nakita ko na siyang nakahiga. Unti-unting pumatak ang luha ko. Wala na nga siya. Wala na siyang buhay. Iniwan niya na nga talaga a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


