HEATHER'S POV: "Not that! Always correct your posture. Is that how you fight? Para kang nagpapalaaw sa sarili," walang emosyon na bilin na naman nitong lalaking ito. Kahit kailan talaga hindi pa rin nawawala ang kaniyang pagbabanta at panlalait. Malay ko ba na mali ang porma ng katawan ko. Ngayon ko lang na-ta-try ang gumamit ng sword. More on physical fighting lang ako. Minsan ay may dala-dala akong dagger. Kanina pa kami nagte-training este ako lang pala ang nagsasanay sa sarili ko. At si Kutong Lupa kanina pa bulyaw nang bulyaw sa akin. 'Kesyo mali raw ang porma ng mga paa ko.' 'Kesyo mali raw ang paghawak ko sa katana na ito.' At iba pa na nakalimutan ko na. "Focus." May naramdaman akong mainit pero maliit na dumikit sa aking noo. Pero masyadong malakas ang pagkakadikit nito

