HEATHER'S POV: "Hizura, salamat talaga sa pa-cellphone mo!" Nakangiting sigaw ko pagkakita ko pa lang kay Hizura na kumakain na sa counter. Kasama na niya ngayon si Caleb na kumakaway sa akin. Saka itinuro pa ang upuan na katabi lamang ni Hizura. Napatango naman ako at nagmadaling lumapit dito. "Tsk." Umismid pa ang lalaki at hindi na ako pinansin. Imbis na umupo na ako sa silya, naisipan kong balingan ng tingin si Hizura at hindi na nag-atubili pang bigyan siya ng masarap na batok sa ulo. "Aww! What was that for?!" Galit na sigaw niya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Anong “what was that for?!” ka r'yan? Baka gusto mong makatikim pa sa akin ng batok. Oo nga't magaling ka sa lahat, pero wala akong pake. . ." Napatigil na naman ako nang ilagay niya ang dalawang daliri

