UHDS 5

1808 Words
HIZURA MIGUEL's POV: "Do you think it's fun? H*ll you!" Malamig na sigaw ko sa lalaking ito matapos kong makalabas sa kwarto. Tinapon ko pa sa pagmumukha niya ang mga car toys na pambata na nakalagay sa sako. 'I'm not even playing that f*ckin' child toys.' Mabilis naman niya itong nailagan habang nakataas ang kilay. Nagtataka sa aking ginawa. Nagkaroon ng malakas na tunog dahil sa pagbagsak ng sako sa sahig matapos niya itong iwasan imbis na sambutin. ‘Kalalaki niyang tao. Takot matamaan ng sako. Tsk.’ "Why? I didn't do wrong. Akala ko ba—" hindi ko na agad siya pinatapos sa dapat sasabihin niya. 'NAKAKAINIS!' "Ah! Shut up!" Galit na sigaw ko at nagpadyak pa ng isa sa sahig bago maglakad palayo sa direksyon niya. "Ano bang kinagagalit mo sa mga laruan na 'yon? Sabi ni Tito magugustuhan mo raw 'yon." Komento naman niya na mababakasan ng pagkalito sa aking ginawa. 'Mukha ba akong bata?' "Then give that toys on him!" Muli akong napalingon sa likuran ko. Naglakad ako palapit sa kaniya at saka tinulak sa aking harapan si V. Napaatras pa siya sa ginawa ko habang nakataas ang kaniyang kilay. 'Damn! Hindi ba siya nakakaintindi sa aking sinabi? Tanga talaga.' " AH! I'LL GONNA KILL YOU, VENISE SALICIO DE VENTURA!" Malakas na sigaw ko sa buong pasilyo ng bahay matapos makalayo sa direksyon ni V at nagdiretso na lang sa may chef's counter. "HOY! HUWAG MO NAMANG IDAMAY ANG TOTOONG PANGALAN KO!" " SHUT UP!" I don't even care if someone might hear my voice or us. Masapak ko pa ang pagmumukha nila. Wala ako sa wisyo ngayon para makipag-plastic-an sa mga walang kwentang tao sa bahay. "CALEB!" Sigaw ko sa taong pinagkakatiwalaan ko sa pagkain ko. Panigurado na nasa loob na naman siya ng kusina at nagtutulong sa gawain doon. Tatlo lang silang chief at hindi na dinagdagan pa ni Daddy. Kayang-kaya na raw ng tatlo ang lahat. Masyadong bilib sa kanila. Pero si Caleb lang ang gusto kong gumawa. Kahit na minsan nagtataka na ako sa kaniya. 'Para siyang bakla. Pero hindi lahat ng nasa kusina at mahilig sa pagluluto ay bakla. Kilos lang talaga niya.' "B-Boss? 'Anyare sa iyo boss?" Nagtataka namang tanong ni Caleb pagkalabas sa may loob ng kusina. May hawak pa siyang punasan at masuyong pinupunasan ang kaniyang mga kamay. Umiling-iling naman ako at saka itinaas ang aking kaliwang kamay. "Give me some vodka." "B-but b-boss... It's early to drink vodka. B-baka pagalitan ako ni Sir Michael." Medyo nauutal na salungat naman nito sa kagustuhan ko. Kaya dahan-dahan kong iginalaw ang aking ulo at pinaharap ito sa mismong mukha niya. Masama ko siyang tinignan at kinuha agad ang collar ng damit niya. Nagpupumiglas naman itong makawala sa aking pagkakahawak. Pero mas lalo ko 'yung hinigpitan. Nanlilisik ang aking mga mata na nakatitig sa kaniyang mukha na hindi na maipinta. Namumutla na at anytime iiyak na agad. ‘What a crying kid he is?’ "Bibigyan mo ako o gusto mong ilibing kita ngayon din sa mga oras na ito. Buhay kung buhay, wala akong pakealam." Pagbabanta ko sa kaniya na ikinasunod ng paglunok ng sariling laway niya. " Hey! Hey! Hey! Ano ba Hizura bata pa 'yang sinasaktan mo. Grabe ka naman!" Pang-aawat bigla ng taong kararating lang. Pinipilit na alisin ang kanang kamay ko na nakahawak sa collar ni Caleb. Nahihirapan pa ito sa pag-alis pero wala akong pakealam. "Tsk." Mahina ko na lang na sabi at tinulak na palayo itong lalaking ito sa harapan ko. Kinuha ko rin ang upuan na nasa tabi ko lang at doon umupo. Sinandal ko rin ang tagiliran ko sa may counter, samantalang ang akin namang siko ay nakatukod din sa itaas nito. Pinagmamasdan kung paano asikasuhin ni V ang lalaking nagngangalang Caleb. Bago ko mapansin ang kabuuang likuran nitong lalaking nasa harapan ko. Nakasuot na siya ng maong short ngayon habang sa may bandang likuran sa may kaliwang tuhod niya ay may nakalagay na bandage. Napaismid na lang ako sabay muling baling sa direksyon ni Caleb. "Tsk. Gave me some sweets if you can't gave me what I really want." "Y-yes boss." Bago siya umalis sa aming direksyon ay yumuko muna siya sa aming harapan at tuluyan ng tumalikod. Hindi ko gusto ang kanilang pagyuyuko. Pero nakasanayan na nila, kaya bahala sila. Hindi naman ako ang mapapagod. "Bakit ba naman kasi kaaga-aga ay vodka na agad ang naisip mong hanapin. Alam mo naman na sinusunod niya lang ang mga bilin ng daddy mo." 'Here we go again. . . pati ba naman ito sesermunan ako sa nais ko lang gawin.' "It's your fault too. Who the hell would play that car toys? I'm already old, not a child. 'E kung sa iyo na lang kaya iyon, ikaw din naman ang bumili. Isip bata ka rin namang mag-isip. Tsk!" Inis na turan ko. " I'm not a child for pete's sake! Kung ayaw mo talaga no'n ibibigay ko na lang sa mga kabataan sa lansangan. Para naman may mapaglaruan sila." Katuwiran niya na ikinatango ko na lang. Maganda rin naman ang mungkahi niya. Kaysa naman sa ipasunog ko 'yan, sayang pa. Magagamit pa ng mga batang walang-wala talaga. "Sa susunod huwag ninyo akong paglaruan ni Daddy kung ayaw mong dagdagan ko 'yang sugat mo." Walang emosyon kong sambit na ikinangiwi naman niya. "Ni hindi pa nga humihilom ang sugat ko sa kaliwang tuhod ko sasaktan mo na—" " I already told you to stop playing with me. Because I can do that twice with a twist of killing your life." Sabay ismid ko pa sa kaniya. " Napakasama mo talagang kaibigan. Isumbong kaya kita kay Tito. . ." Napangiwi na lang ako sa lumabas na kataga sa bunganga niya. 'Parasumbong talaga.' "Huwag kang masyadong sipsip sa daddy ko and. . . you're not my friends. Tsk!" " Beng! Sakit sa heart! Mapanakit.com." Sabay hawak pa nito sa kaniyang dibdib na akala mo talaga ay nasasaktan siya sa sinabi ko. Napaismid na lang ako sa ginagawa ng lalaking ito sa harapan ko. "Nababakla ka na namang dem*nyo ka. P'wede ba iwas-iwasan mo ako kahit ilang minuto lang?" Pakiusap ko sa lalaking ito. Kanina pa siya daldal nang daldal. Ni hindi man lang nakikita na ayoko sa katulad niya. Nakakainis. "'Yoko nga! Saka bunganga mo nga. . . anak mayaman ka ba o anak kalye ka?" "Huwag mo akong tanungin ng mga walang kwentang bagay. Supalpalin pa kita r'yan 'e." Matapos kong banggitin iyon napalingon agad ako sa mga dumadaan na kalalakihan. Pawang nakasuot ang mga ito ng armor battle suit na ginagamit ng mga tauhan ni Dad kapag may laban. May mga hawak din ang iba na mga baril at katana. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa araw na ito. Ni hindi man lang sa akin sinabi ni Daddy na may magaganap na kung anong events sa training area. Pero wala rin pala akong pakealam sa ginagawa niya. Siya lang naman ang nagtutulak sa akin na sumali sa mga laban sa arena. "Good morning, Young Master." Sabay-sabay na nagsi-yukuan ang lahat ng makarating sa pwesto namin. Tanging pagtango lang ang naging tugon ko. Samantalang si V naman ay naglakad palapit sa may gawi nila. Makiki-tsismis na naman panigurado. 'Tsismosong bakla.' "Anong meron?" Iyon agad ang naging tanong niya sa kanila. Napansin ko naman ang pagkalito sa mga mukha nito. 'What the hell is wrong with asking some question? Dukutin ko ang mga mata nila.' "Wala po kayong alam sir?" Tanong din na pabalik ng lalaking nasa unahan. Kung ang iba ay katamtaman lang ang katawan. Ang lalaking ito naman ay kakaiba sa kanila. Maskulino siya, ang dibdib niya ay malaki at maging ang muscle sa braso ay malaki rin. May balbas ang kaniyang baba. Hindi rin ganon katangos ang kaniyang ilong at ang labi niya rin ay makapal. Siya lang din ang bukod tanging may dalang katana at baril. Naalala ko na siya ang namamahala sa paggamit ng katana. At sa baril naman ay ang ama ni Caleb. Kung minsan ako ang inuutusan ni Daddy na turuan ang mga baguhan. Sinusunod ko naman dahil wala rin naman akong ginagawa kung minsan. "Boss heto na po ang hinihingi ninyo." Napatigil agad ako sa pagtingin sa anim na kalalakihan at kay V. Maririnig ko rin naman ang kanilang pag-uusapan. Bago bumaling na lang sa aking likuran. Nakalagay na sa harapan ko ang isang cake na gawa sa kape at gatas. "Thanks." Tanging sagot ko na lang at kinuha na ang kutsara. Nagkuha muna ako ng kapiraso ng cake bago ilagay sa aking bibig. Ninanamnam kung gaano kasarap ang lasa. Hindi talaga nakakasawa ang isang ito. I am born to eat food than to sleep. I really hate sleeping. Saka marunong din akong magpasalamat sa taong gumagawa ng paborito ko. "Yeah?" Dinig kong bigkas ni V sa kalalakihan. May halong patanong sa kaniyang boses. Napansin ko rin ang pagtingin ni Caleb doon. "Do you know what's happening in the training area?" Tanong ko sa kasamahan ko. Napansin ko sa peripheral vision ko ang pagtango naman niya sa aking sinabi. "Opo boss. Sinabi ni Itay na may magaganap daw na pagsasanay sa araw na ito hanggang sa susunod na linggo." Paliwanag niya sa akin nang malumanay lang. Kaya naintindihan ko agad ang kaniyang pinupunto. Pero nakakapagtaka lang talaga. . . " Pagsasanay? For what? Si Dad ang nagsabi?" Sunod-sunod kong tanong kay Caleb. Napahawak naman siya sa kaniyang baba at napalingon sa kisame sa itaas. Animo'y sobrang hirap ng lumabas sa bibig ko kaya mag-iisip pa siya nang maigi. 'Tsk!' Nang malaman niya na ang sagot ay muli siyang tumingin sa akin at nakangiting tumango. "Dahil hindi raw po kayo payag na maging mafia. Naisipan na ni Sir Michael na sanayin na ang lahat ng mga kasapi ng organisasyon. At sa darating na kaarawan niya sa susunod na buwan ay may magaganap na paligsahan. Battle for the throne ata po ang paksa." Bigla akong napatigil sa pagkuha sana ng cake nang marinig ko ang mga katagang lumabas sa may bibig niya. "Battle for the throne?! Nahihibang na ba si Tito?" Rinig kong sigaw ni V sa may daanan. Maski rin ako ay nagulat. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa niya. Ano na naman bang pumasok sa utak ng matandang iyon kaya gumawa na naman siya ng ganito? Hindi niya ba alam ang mga consequence ng paggawa niya ng paligsahan? Maraming masasaktan. Maraming tao ang gagawa ng paraan para makasali lang. And I'm not that stupid para hindi malaman na may ganitong kalakaran. Napahawak na lang ako sa aking sentido. Unti-unti ring napapikit dahil nanakit na naman ang aking ulo sa mga nangyayari. Naiiling na rin ako sa biglang pumapasok sa utak ko. ‘I don't know what I can do right now. Sakit sa ulo ng mga ito!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD