HIZURA MIGUEL's POV:
Today is another day again, but with someone else who is in my bed right now. Hanggang ngayon wala pa rin siyang malay, napalitan na siya ng mga katulong dito na babae.
Dahan-dahan akong napalingon sa katabi kong natutulog. Isang araw pa lang ang nakakalipas pero para sa akin ay ang tagal naman niyang matulog. Ganito ba talaga ang mga babae?
'Hays! That's why I hate myself for not having a baby sister. Tsk!'
Maaliwalas na ang mukha nito at hindi na 'yung tipo ng babae na parang basahan at palabuy-laboy lang sa kalsada. Maganda siya, well I'm just stating a fact.
Subalit hindi rin maiaalis sa kaniyang katawan ang mga sugat at pasa gawa ng labis na pagkakabugbog ng mga kalalakihan. Hindi man lang naawa sa babaeng ito, hindi ba nila naiisip na parang sinasaktan na rin nila ang kanilang ina o baka wala silang mahal sa buhay kaya gan'yan sila makasakit ng iba.
Pero, ano bang pakialam ko sa kanila. Wala akong pakialam kung ano bang meron sa iba. They're just a waste of time and my attention.
'I'm really enjoying myself talking to my own mind. But sometimes, I'd rather not to do it too.'
"You already wake up. Tito already left the house with his apprentice." Mabagal naman akong lumingon sa aking kanang direksyon.
Nakita ko si V na nakatayo malapit sa may pintuan habang may hawak na tray. Dahan-dahan din siyang lumapit sa aking harapan, mabagal na ibinababa ang tray na may lamang mainit na kape at dalawang sandwich na ang palaman ay mayonnaise with boiled eggs sa aking paanan.
Napatango-tango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Kinuha ko ang tasa sa kinalalagyan nito bago hipanin para mawala saglit ang init. Nang mapansin ko na okay na ay saka lang ako naghigop ng kaunti. Ganon lang ang ginawa ko hanggang sa makontento na ako. Ibinaba kong muli ang tasa at seryosong tiningnan si V na nakamasid lang sa aking ginagawa.
Napaismid pa ako sabay labas nang mahinang buntong-hininga." Hindi ka ba napapagod?"
"Huh? Saan?" Nagtataka naman siya sa akin. Nagtaas-baba pa ang kaniyang mukha para lang tingnan ako. Kaya napangiwi na rin ako at gustong-gusto na siyang saktan ngayon din. Kahit kailan sakit sa ulo ang lalaking ito, hindi ko alam kung bakit ko siya naging kaibigan.
'Wait...did I said kaibigan? Mali ata ang nasabi ko. Kahit kailan ay wala akong kaibigang tanga.'
"Tsk! Can you just leave me alone?" Walang emosyon kong utos sa lalaking ito. Pero nakakunutan lang ang mga kilay na ito sa lumabas na kataga sa bunganga ko. " Didn't you understand?"
"Then, that girl supposed to leave too. Dahil ayaw mo naman na may kasama hindi ba?" Malamig ko naman siyang tinignan at mabilis kong iginalaw ang aking kanang kamay papunta sa likuran.
Sa bahagi kung nasan ang aking unan. Kinapa-kapa ko ang ilalim nito at napangisi ng maramdaman ang presensiya ng pinakamamahal ko bago ko itutok iyon sa lalaking nasa harapan ko. Napatalon pa siya sa gulat at napaatras palayo sa akin.
Namamawis na agad ang noo nito dahil sa nakita. May binibigkas pa siyang salita ngunit hindi ko na maintindihan pa. Ang tanging sinisigaw ng dibdib ko ngayon ay pumatay ng mga walang silbi sa mundo.
"I'm not tolerating someone stupid like you." May pagbabanta kong sambit at kinasa na ang baril.
Narinig ko pa ang sunod sunod na paglunok niya. Hanggang sa mapatalon siya at mabilis na umiwas nang galawin ko na ang gatilyo ng baril ko. Pinagpuputukan ko lang ang direksyon niya habang nakangisi nang demonyo.
"OH! MAH!" Unang tili niya sabay iwas sa mga bala na dumadating sa direksyon niya. Napabaling ang kaniyang ulo sa kanan, sabay kaliwa. Napayuko nang maigi at napatalon nang paa naman niya ang pinatamaan ko.
Tuwang-tuwa ako sa aking nakikita kung paano magsisigaw ang lalaking ito sa loob ng kwarto ko. At nagtatalon pa para lang maiwasan ang mga bala na paparating sa kaniyang direksyon.
"WAHHH!"
"TAMA NA!"
"SH*T! HINDI NA AKO UULIT!"
"WAHHH!"
"TULONG!"
Kahit na magsisigaw pa siya sa loob ng aking kwarto, wala pa ring makakarinig sa kaniya. Dahil pinasadya kong lagyan ng soundproof ang kwartong ito. Ayokong may mga tao ang nangingialam sa mga bagay na hindi dapat nila pagtuonan pa ng pansin dahil hindi naman nila iyon buhay.
At saka hindi rin mapapansin ng mga tao sa labas ang malalakas na pagbagsakan ng mga vase at litrato na nakadisplay sa pader dahil sa baril na tumatama rito. Pero yare ako kay Daddy kapag nagsumbong ang lalaking ito.
"Haist!"
Nagpalabas na lang ako nang malakas na buntong-hininga bago itigil na ang aking pagbaril sa kaniya. Lupasay naman siyang napahiga sa sahig, hawak-hawak ang dibdib habang nagpapalabas ng mabilis na hininga. Pero napaaray rin dahil ang naupuan niya ay may bubog ng vase na nabasag.
'Ta-tanga tanga kahit kailan talaga.'
"Get out of my sight or else hindi na kita bubuhayin pa ng mahaba." May pagbabanta kong sambit.
"Hindi ka ba naaawa sa akin? I'm in bleed!" Inis na singhal niya sabay ika-ikang tumayo sa pagkakaupo.
Malamig ko naman siyang binalingan pero ang kaliwa ko namang kamay ay kumuha ng sandwich sa tray nang hindi tumitingin dito.
"Malayo sa bituka. Saka kaya mo na 'yan, doctor ka naman. 'E di pagalingin mo sarili mo. Tsk." Singhal ko na lang sa kaniya at kumagat na sa sandwich na hawak ko.
"Hays! Ano pa bang bago? Okie!"
Pero hindi pa rin siya kumibo sa kaniyang kinauupuan. Nanatili siyang nandoon habang nakatingin sa akin kung paano ba ako ngumuya at paano gumalaw ang aking mga mata.
Napaubo tuloy ako nang wala sa oras.
"S-sh*t...*Cough* I-I'll ga-*cough* gonna...k-kill *cough* you! AIST!" Inis na sigaw ko sabay tapon ng tray sa ibaba ng kama ko. Nagsi-basagan ang tasa at maging ang tray dahil gawa ito sa salamin.
Napatalon pa siya dahil sa labis na gulat. Samantalang ako ay tinapon ko sa mukha niya ang tinapay na kakagat pa lang. Pero dahil sa malisyoso niyang pagsulyap ay nawalan na ako ng gana.
"Shiyah! Grabe–oo na! Oo na mananahimik na!" Pagtitigil naman niya sa gusto niyang sabihin nang makita kung gaano katalim ang tingin ko sa kaniya.
"Tsk!" Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko at hindi na muling nagsalita pa.
(10 minutes later)
Inabot ng sampong minuto ang hindi niya pag-imik. Napasandal na lang ako sa kama habang nakapikit. Dinadamdam ang bawat hangin na humahampas sa bintana na nakabukas mula sa aking likuran.
Pero napamulat din ang aking mata nang marinig ang boses na naman nito.
'So... annoying!'
"O-okay...okay..." Paninimula niya sabay senyas ng kaniyang kaliwang kamay na nakataas sa aking harapan.
Kaya napakunot din ang aking noo. Hindi maipaliwanag kung ano bang ginagawa ng lalaki na ito at bakit sakit sa ulo kahit minsan. Hindi man lang marunong makinig sa aking sinasabi.
"Tsk!" Asik ko na lang at hindi na nagsalita pa.
Napabaling na rin ang aking mukha sa may katabi ko. Hindi na sana ako matutulog sa kama dahil nandito ang babae. Pero napaisip din ako na mahihirapan lang ang sarili ko kung matutulog sa sofa.
Wala rin namang malisya kung matulog ako sa tabi niya. Akin naman itong kama na ito. Lalaki ako, pero hindi ako nagsa-samantala ng pagkakataon. Saka hindi rin ako r****t para gawin ko ang iniisip ng iba.
Pero napabaling din ang aking paningin sa may harapan. Nakita ko na si V na nakatayo habang nakatingin sa aking kinikilos. Kaya napatikhim ako at napaayos na rin nang upo. Samantalang siya naman ay nakahawak sa may bandang likod niya.
'Mukhang masama nga ang pagkakapuro nitong lalaking ito.'
"Naalala mo pa ba ang anak ng mafia?" Tanong niya sa akin na medyo ikinapagtaka ko.
"What do you mean about mafia? And whom?"
"Mafia Queen, you know si Ma'am Kreiah. Hindi mo ba siya naalala? Ilang taon pa lang naman natin silang hindi nakikita matapos umalis nila sa Japan, 'a!"
Nagpalabas ako ng malakas na 'Ah' nang marinig iyon mula sa kaniya. Akala ko kung sino na ang tinutukoy niya.
Sila lang pala.
Ngayon ko lang din naalala na matagal na pala. Hindi kamakailan lang. Halata na hindi pa rin nakakalimutan ng lalaking ito ang mga iyon.
Hindi ko man lang din napansin. Dahil na rin siguro na mas pinupukusan ko ang sarili ko sa ibang bagay. Saka 'yung tao na rin ang nagparamdam na wala akong kwenta sa paningin niya. That's why I need to move forward for my future.
Pero kumusta na kaya si Tita? Ang magkambal na pinanganak niya? And also how about that f*ckin bastard?
'Patay na kaya siya?'
"Yeah?" Iyon na lang ang tanging lumabas sa bunganga ko kahit na marami akong gustong sabihin.
"Hindi mo ba nababalitaan?"
"Ang alin? Oh, don't tell me na. I don't need that." Walang emosyon kong sambit.
Inilapag ko na lang ang paa ko sa may sahig para hagilapin ang aking tsinelas. Umiiwas ako sa mga bubog na nasa ibaba.
Nang makuha ko na ang hinahanap ko ay sinuot ko na ito sa aking mga paa at hindi nagsambit ng kahit anong kataga bago tumayo sa aking pagkakaupo.
Dumiretso ako sa kabilang kwarto. Pero hindi pa ako nakakalapit sa may pintuan ay nagsalita na naman siya.
'Haist! Ano na naman kaya?!'
"Hindi mo ba siya namimiss?"
"I never missed someone who never said goodbye. And who made me think that I'm just a loser one. You already know me, V. I hate that kind of person." Malamig kong aniya at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Nang makarating na ako sa may pintuan. Malaya ko itong binuksan at papasok na sana sa loob nang marinig ko ang sinambit niya na nagpatigil sa akin.
Napayukom din ang aking kamao dahil sa katagang iyon. Napapikit at pinipigilan ang sarili na manakit na naman sa araw na ito.
'How to stop this kind of sh*t?!'
"Matagal na silang nandito. Nagkawatak-watak na rin ang pamilya nila. Hindi na rin mahanap kung na'san ba ang panganay na anak ng mafia."
"That bastard."
"He's totally a bastard. Then the second one, si Aele ba iyon? Tumakas sa responsibilidad niya sa Mafia Org., tapos 'yung kakambal niya ay ang unang lumayo. Kinahahangaan pa sila ng mga mafia at ng iba't ibang organisasyon dahil nagagawa nilang palakihin ang anak nang wasto pe—"
"Stop!" Pagpapatigil ko agad sa maaari niyang sasabihin sa akin. Halata naman sa mukha niya ang pagtataka.
"P—" Pagpupumilit niya pa na sabihin sa akin ngunit napatigil din at napaintindi sa kaniyang sarili ang nais kong banggitin.
"Sorry. That's not my intention to..."
"No need. Just leave me for now, I needed a break."
"O-okay... I see. I'm sorry again, Hizura." Tanging tango na lang ang itinugon ko sa kaniya.
Hanggang sa makita ko na lang sa peripheral vision ko ang paika-ika niyang paglabas ng kwarto ko.
Napapailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagpasok sa loob ng kabilang kwarto.
Pero gayon na lang ang pagkagulat ko sa aking nakita. Napayukom na rin ang aking mga kamao dahil dito.
Hanggang sa mapapikit na naman ako upang pigilan ang sarili sa anumang gustong subukan nito.
Subalit hindi ko magawa.
"V! WHAT THE HELL DID YOU DO?! OH! F*CK!"