SIMULA
She sat back down on the bed after getting dressed, leaning against the cold headboard. Madamdamin niyang pinagmasdan ang bawat sulok ng silid, as if trying to memorize every shadow, every familiar corner. Sa kahuli-hulihang pagkakataon, hinayaan niyang lamunin siya ng mga alaala.
Her gaze fell on the pillow beside her. She picked it up and hugged it tight against her chest, burying her face in the soft fabric. Para bang sa huling yakap na iyon, bumubulong siya ng paalam sa kanyang personal na santuwaryo.
A faint ticking caught her ears. Slowly, she turned to the clock on the bedside table. Ala-una y medya na ng madaling araw.
Her throat went dry. Ilang minuto na lang ang natitira… ngunit wala pa rin si Kendra.
Kahapon pa niya inihanda ang lahat ng dadalhin sa biyahe—neatly folded clothes, essentials carefully packed, and even the tiniest things double-checked. She was ready. She had been ready. Tanging go signal na lang ni Kendra ang hinihintay niya.
Eksaktong alas-dos daw siya lalabas ng gate. ‘Yon ang usapan. But Kendra still hadn’t texted.
Her chest tightened. She bit her lower lip, restless fingers fidgeting with the hem of her blouse. Bakit wala pa rin?
Agad siyang nabahala. A cold weight settled in her stomach, heavy and stubborn. Huwag naman sanang magbago ang kanyang isipan … maikli niyang panalangin habang pinisil niya nang mahigpit ang unan, parang iyon na lang ang natitirang bagay na kumakapit sa kanya.
Somewhere outside, a dog barked in the distance. The world felt unusually still, like the silence was holding its breath — waiting, just like her.
Kaagad siyang bumalikwas mula sa higaan the moment she received Kendra’s message. Her phone screen still glowed faintly in the dark, the words burning in her mind: “I’m here. Move now.”
Her pulse raced. This is it… mahina niyang naibulong sa sarili, trying to steady her breathing, pero para siyang hinihigop ng kaba at excitement.
Mabilis niyang kinuha ang gray hoodie at ipinatong iyon sa suot na white top, ang malamig na tela parang yakap ng tapang na kailangan niya ngayon. Isinunod niya ang fitted black stretch jeans, then slung her body bag over her shoulder — mabigat, hindi dahil sa laman, kundi sa bigat ng desisyong gagawin niya ngayong gabi.
Huminto siya sandali, nakapikit, huminga nang malalim. Naririnig niya ang sariling t***k ng puso — mabilis, magulo, parang drumbeat sa loob ng dibdib.
Tahimik siyang lumakad, halos nakatiptoe, mas madali dahil suot na niya ang sneakers. Bawat hakbang niya ay kalkulado. Lumingon-lingon siya sa paligid, sinisigurong walang makakarinig. Ang katahimikan ng bahay ay parang nakabantay; kahit ang mahinang lagitik ng kahoy sa sahig ay parang sumisigaw.
Paglapit niya sa main door, tumigil siya sandali. Kinuha niya ang shades at disposable mask mula sa bag. Isinuot niya iyon nang mabilis, siguradong nakatago ang bawat piraso ng kanyang mukha.
Huminga siya nang malalim muli, ngunit may bahid ng kaba sa bawat hinga. Sa labas, narinig niya ang malayong alulong ng aso, kasunod ang humahaplos na hangin na dumadaan sa mga dahon. Parang ang buong paligid ay humihinga ng kasabay niya, nakikiramdam.
Walang makakaalam. Kailangan ko nang umalis.
Dahan-dahan niyang binuksan ang gate, ingat na ingat para walang kaluskos. Isang hakbang, dalawang hakbang… at tuluyan niyang inilabas ang paa.
Walang lingon, walang atrasan. Sa kabila ng mask at shades, ramdam niyang hubad siya sa panganib. Ngunit wala na siyang oras para magdalawang-isip.
Nakatayo na si Kendra sa tabi ng taxi pagkalabas ni Abby ng gate, arms crossed, her figure half-hidden under the dim streetlight. Nakataas ang isang kilay nito habang iniabot ang isang nakayuping papel.
Abby took it with slightly trembling fingers, her gaze darting to Kendra’s serious expression.
Kendra glanced around the street first, sinisigurong walang ibang tao, bago siya nagsalita sa mababang boses.
“Here are the details of your trip, Abby,” bulong nito, halos pabulong pero matigas ang tono. “Kasama d’yan ang bus number na sasakyan mo. The moment you find it, immediately hop in. Don’t hesitate. Don’t look back.”
Huminto ito sandali, tinitigan siya nang diretso, parang sinisigurong maiintindihan niya ang bigat ng sitwasyon.
“And remember,” Kendra lowered her voice even more, “you are not allowed to chat with anyone — not a single word — hanggang makarating ka sa Lipata Port. Do you understand?” Abby swallowed hard and nodded silently.
Kendra’s jaw tightened, but she gave a faint nod back. “Good. Now, go.”
Abby clutched the paper tightly, took a deep breath, and slipped into the taxi. The moment the door shut, she felt the weight of everything settle on her chest.
“Hanapin mo ’yong taong nasa picture the moment you step out of the bus.” Kendra’s words sent Abby’s thoughts spiraling, her chest tightening. Napaawang ang kanyang bibig sa gulat, pero walang lumabas na salita.
“There’s a picture inside that piece of paper,” dagdag pa ni Kendra nang mapansin ang reaksyon niya.
Abby instinctively started unfolding the crumpled paper, pero mabilis siyang pinigilan ni Kendra. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay.
“Not now. Not here,” bulong ni Kendra, her voice sharp but low, her eyes darting around as if expecting someone to show up any second. “We don’t have much time left, Abby.”
Abby swallowed hard, the lump in her throat almost choking her.
“Now, give this to him kapag nagkita na kayo,” Kendra added, slipping a folded one-thousand-peso bill into her palm.
Mas lalo siyang naguluhan. “Kendra… bakit may pera—”
“I’ll text you the details,” Kendra cut her off coldly. “Just follow everything I say. Walang tanong. Walang diskusyon. You need to leave now, kung ayaw mong mabulilyaso ang lahat.”
Binuksan ni Kendra ang pinto ng nakaparadang taxi at tumitig sa kanya nang diretso. “Get in. Alam na ng driver kung saan ka ihahatid.”
Abby hesitated, gripping the crumpled paper and the bill tightly. Her heart was pounding so loud, she could hear it in her ears.
“Thanks, Kendra,” bulong niya, her voice soft, almost pleading, as she stepped forward and wrapped her arms around her. Kahit ngayon lang sana, maaalala ni Kendra that she was once her little sister.
Pero nanatili itong matigas, parang pader na hindi kayang mabutas. Abby knew — kung hindi lang para sa sariling agenda nito, hinding-hindi siya tutulungan makaalis ngayon. Gano’n pa man, nagpapasalamat pa rin siya. Hindi niya kayang gawin ito nang mag-isa.
Mula nang mamatay ang kanyang ama, lumiit ang mundong ginagalawan ni Abby. Kasabay ng pagkawala nito, unti-unti ring naputol ang koneksyon nila sa mga tinatawag nilang allies.
Kinalas ni Kendra ang kamay ni Abby at hinawakan siya nang mariin. Her cold grip made Abby flinch.
“Tumupad ako sa usapan, Abby. Sana ikaw rin,” Kendra said, her tone ice-cold, her eyes locking on hers.
Then, leaning closer, she hissed, “Now, get your ass off here. Umalis ka na… and don’t you ever come back again.”
Her stern look sliced deeper than any word could.
Abby bit her lip hard, forcing herself to nod, kahit parang nabibiyak ang puso niya. Without another word, she stepped into the taxi, clutching the folded paper like her life depended on it.
Masyadong masakit para kay Abby ang mga salitang iyon — parang bawat titik ay tinaga sa dibdib niya. Pero kaya niyang tiisin. She had to. Sa isip niya, mas pipiliin na niyang marinig ang lahat ng sakit kaysa manatili pa sa lugar na iyon. Napapikit siya saglit, pinipigilan ang panginginig ng kanyang labi.
“God… I never thought I’d ever want to leave this place.” Her thoughts whispered like a confession, raw and unsteady. “Never did I imagine myself getting this terrified to stay in what used to be my safest haven.”
Humugot siya ng malalim na hininga, forcing her heart to calm down even when it refused. “But I can’t do anything about it now. Kailangan kong tanggapin… bumaligtad na ang mundo ko ngayon. Gaano man kasakit. Gaano man kahirap.” Mga salitang ibinulong niya sa sarili, hoping they’d give her courage, kahit konti lang.
Kaagad siyang sumakay sa passenger seat ng taxi, the cold leather brushing against her palms as she gripped the edge of the seat. She forced herself to steady her breathing, eyes fixed on the dark road ahead.
Getting too emotional will do no good, she reminded herself silently. I have to be tough. I need to stay sharp. Kung bibigay ako ngayon ay talo ako agad.
Because deep down, she knew this was just the beginning. Nagsisimula pa lang ang giyerang sinusuongan niya ngayon — at wala nang atrasan.
Hindi pa man nag-iinit ang kanyang puwitan sa passenger seat ay sunod-sunod na ang pag-vibrate ng kanyang phone. Kendra.
Abby’s throat tightened as she unlocked the screen.
KENDRA:
It’s a marked money, Abby. Yung One Thousand Peso bill na binigay ko sa’yo — marked ’yon.
The person you’ll be meeting soon… isa siyang vendor, kaya hindi halatang may kakaiba. Just pretend you’re buying something from him. All you need to do is say the password, iabot ’yong pera, at makikilala ka na niya doon.
From there, he’ll accompany you. Kung kinakailangan, sasamahan ka pa niyang sumakay ng ferry papunta ng Liloan Port. Normal na ginagawa niya ’yan, so no one will suspect a thing. If everything goes smoothly, maaabot mo ang Liloan Port by around 10:00 A.M. Kung walang magiging aberya. Ugh! Mas madali sana ang lahat kung sasakay ka na lang ng plane. But we’re not taking that option — never! Alam nating pareho na mas madali ka nilang mahahanap doon. Baka nga mauna pa sila sa’yo sa airport.
Parang tambol na dumadagundong ang dibdib ni Abby habang binabasa ang bawat salita. Nanuyo ang kanyang lalamunan.
Ito ang pinakahuling bagay na gusto niyang mangyari — ang mahuli. Kaya nga siya nakipagkasundo kay Kendra. Kaya niya isinantabi ang galit, kasi alam niya na tanging ito lang ang puwedeng tumulong sa kanya sa mga panahong 'yon.
She gripped the folded paper tighter, feeling the texture of the marked bill inside, its weight suddenly heavier than it should be.
Outside, the taxi hummed along the empty street, headlights slicing through the darkness. Every second that passed, Abby felt like the walls of her old life were fading — and the danger ahead was drawing closer.
KENDRA:
From Liloan, didiretso ka na ng Cebu. And lastly — gaya ng napag-usapan natin — hanggang doon na lang ang kaya kong itulong sa’yo. By the time you reach Cebu, gising na si Carl. Doon ko na sisimulan ang plano ko sa kanya.
At ikaw, Abby… kakalimutan mo ang lahat ng naging ugnayan natin the moment you set foot on Cebu’s soil. Buburahin mo ang anumang bakas ng pagiging anak ni Ramon De Castro. You’re not a real one, after all.
Parang punyal na bumaon sa dibdib ni Abby ang huling mensahe. Napasinghap siya, pakiramdam niya’y nawalan ng hangin ang paligid. Hanggang ngayon, hirap pa rin siyang tanggapin ang katotohanan. Hindi tungkol kay Kendra. Hindi tungkol sa plano nitong akitin si Carl. She totally didn’t give a damn.
“Magsama silang dalawa!” halos isigaw ng kanyang isipan. “Oo… minahal ko si Carl. Pero hindi na — hindi pagkatapos ng lahat ng nalaman ko.”
Pero sa totoo lang, mas masakit pa ro’n ang pagkakatuklas niya sa ginawa ng kanyang Dada. Mas nasaktan siya sa mga kasinungalingang tinahi nito, sa lihim na itinago sa kanya nang matagal na panahon.
Lumaki siyang iniisip na nabubuhay siya sa isang perpektong mundo, na siya ang pinakamapalad. Akala niya, swerte siya.
Never in her wildest dreams did she imagine waking up one day feeling this lost, this stripped of everything, this… broken.
Mas masahol pa — hindi lang siya iniwan ng kanyang Dada. Iniwan din siya nito ng isang sirang piraso ng palaisipan na hindi niya alam kung paano buuin.
Sana… sana dinala na lang niya sa hukay ang katotohanan. Sana hindi na niya kailangang malaman ang lihim na iyon — lalo na sa ganitong paraan.
Bakit kinakailangan pang sabihin sa iba?
Bakit si Auntie Viola pa ang nakakaalam?
Bakit hindi na lang sa kanya mismo, nang direkta, nang siya mismo ang makakarinig?
Napapikit si Abby, pilit pinipigilan ang pag-alon ng emosyon. Pero kahit gaano niya subukang itikom ang damdamin, ramdam niyang tuluyan nang gumuho ang pundasyon ng mundong kinalakhan niya.
Napasinghot siya, ramdam ang bigat na gumugulo sa dibdib. She couldn’t help but shed a tear. Masama man ang loob niya sa ama, nasasaktan man siya ngayon, pero alam ng Diyos kung gaano niya kamahal ang kanyang Dada.
Yes, bratty siya minsan. Matigas ang ulo. Pero kahit papaano, she always followed his orders — kasi alam niyang gusto lang ng kanyang ama ang pinakamabuti para sa kanya. Kaya nga niya sinagot si Carl.
Kasi sabi ng kanyang Dada, Carl will take care of her. Carl will protect her.
Pero ang dami na palang nangyayari sa likod niya, mga lihim na hindi niya man lang nahalata.
“My poor Dada…” she whispered to herself, voice trembling. “How can he let himself be fooled by someone like Carl?”
Napailing siya, wiping the corner of her damp eyes.
But deep down, she was still thankful a part of her wasn’t like her Dada. She cannot just let anyone freaking control her life that easily! Much more spending the rest of it with a wolf who's hiding behind a sheep's clothing. With someone like Carl.
“For all I know… he manipulated Dada. Manipulated everyone around us.” Napakuyom siya ng kamao, ramdam ang galit na kumukulo sa loob niya. “Hindi ko alam kung paano niya ginawa… pero malalaman ko rin ang lahat. Balang araw.”
Humugot siya ng malalim na hininga, as if grounding herself.
“Sa ngayon… sarili ko muna ang iisipin. I’ll trace down my roots… and make myself whole again.”Isang matibay na desisyon ang binuo niya sa sarili.
Alam niyang mahaba-haba pa ang paglalakbay na haharapin niya. Pero ngayon, she had never been this determined. Hindi siya papayag na habambuhay siyang mabuhay sa tanong at lihim.
She promised herself: malalaman din niya ang buo niyang pagkatao, bago man lang siya mawala sa mundong ito.
Balak niyang magsimula ng panibagong buhay sa Cebu. Siguro naman, hindi na mag-aaksaya ng panahon si Carl na sundan pa siya roon. For sure, gagawin ni Kendra ang lahat para makuha ang atensyon ni Carl.
At gaya ng napagkasunduan nila, mula sa sandaling makarating siya sa Cebu, kakalimutan na niya ang pagiging anak ni Ramon de Castro. Kasama niyon ang pangakong — kailanman — hindi na siya muling aapak sa lugar na iyon.
Kendra is her step-sister.
At a young age, naulila na si Abby sa ina — isang pangyayaring hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos na naiintindihan. Marahil, ayaw na rin niyang alamin ang mga nakapaloob na detalye. All she knew was… isang araw, nagising na lang siya na silang dalawa na lang ng kanyang Dada ang magkasama.
Her father — her constant supporter, her protector, her anchor.
Akala niya noon, sapat na sila. Masaya na silang dalawa. Kontento na ang kanyang Dada na siya lang ang kasama niya sa buhay.
Pero nagbago ang lahat nang dumating si Auntie Viola.
Nagtatrabaho ito sa isang government agency, habang ang kanyang Dada naman ay isang contractor. Nagkrus ang landas ng dalawa sa isa sa mga biddings na sinalihan ng kanyang ama.
She was only fourteen back then when they decided to get married.
Noong una, hirap na hirap siyang tanggapin ang lahat. Pero habang tumatagal, napagtanto niya na karapat-dapat din ang kanyang Dada na magmahal at mahalin. Kailangan nito ng taong mag-aalaga at magbibigay ng atensyon na alam niyang hindi niya maibibigay mag-isa bilang anak. Kaya natutunan niyang buksan ang isipan at tanggapin ang pagbabago.
Nag-iisang anak ni Auntie Viola si Kendra — apat na taon ang tanda sa kanya. The thought of having an older sister thrilled her enough back then, at mas lalo pa siyang nakumbinsi na tama lang na magpakasal ang kanyang ama.
Akala niya noon, magkakaroon na siya ng kakampi — isang taong makakaintindi sa kanya habang nagdadalaga. Kasi ramdam niya noon na unti-unting nagiging istrikto ang kanyang Dada. Ang daming rules, ang daming bawal, ang daming hindi puwedeng gawin.
At first, mabait naman talaga si Kendra sa kanya. Abby admired her even, secretly wishing they’d get close enough to be like real sisters. Pero nagbago ang lahat nang mapagtanto ni Kendra na si Abby ang magiging pinakamalaking karibal niya — hindi lang sa loob ng pamilya, kundi pati sa lahat ng taong nakapaligid sa kanila.
Karibal sa pagmamahal. Karibal sa atensyon.
At doon nagsimula ang mga alitan. Maliit na bagay noon, pero habang lumilipas ang mga taon, parang apoy na unti-unting lumalakas, hinihipan ng selos at tampo.